PROLOGUE

614 24 1
                                    

“The little star was surrounded by so many, as it tries to shine like the others. The universe is so crowded yet the little star felt so alone.”

 

“64th floor. Parang maliliit na langgam ang mga sasakyan mula rito sa rooftop.” Sabi ko sa sarili habang dinadama ang malakas na hangin.

Nasa rooftop ako ngayon. At ano ang ginagawa ko dito? Suicide. Yup, magsu-suicide lang naman ako.

Bakit? Gusto ko eh. Gusto ko na. Pagod na ako. Sobrang pagod na pagod na ako. Sa paligid ko, sa magulang ko, sa Sarili KO!

Hindi ko na alam ang purpose ko sa buhay. Kahit anong gawin kong pagpapasya sa sarili ko, paulit-ulit lang ang nangyayari. PAULIT ULIT LANG DIN AKONG NASASAKTAN. Parang walang katapusan.

Well, atleast ngayon, siguro… meron na. Matatapos na. Tatapusin ko na.

“Hoy! Miss! Waaaaaaag!!!!”

Huling mga salitang narinig ko bago ako tumalon mula sa rooftop. Boses ng isang lalaki. Pamilyar ito sa pandinig ko.

Pero di bale na. Para saan pa kung aalalahanin ko pa sya. Hindi na rin kami magkikita.

Kahit kailan

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now