CHAPTER 27

166 23 13
                                    

.

.

“Mans!!! Mans, sandali!!! “ sigaw ko habang hinahabol si Mans sa parking lot.

Hindi ko na ininda ang hingal, hilo at sakit ng ulo na nararamdaman ko ngayon, dahil siguro sa pagtakbo ko. Ang importante ngayon sakin ay maabutan ko si Mans bago sya makasakay sa kotse nya at tuluyang makaalis.

“Mans, please! Let me explain! Mans! “ sigaw ko ulit nang marating na ni Mans ang pinto ng kotse nya.

Tumigil sya sa tapat nito at humarap saken. Parang nadurog ang puso ko habang nakatingin sa umiiyak na si Mans. His head already turned red because of crying.

“Ma… Mans, this was all a misunderstanding. The day gat the park, when you asked me… I was gonna-“ naputol ang sasabihin ko.

“YOU’RE SO UNFAIR, SARA!!! “ sigaw saken ni Mans.

Nagulat naman ako sa lakas ng boses nya at napaatras ako. He is really angry and I’ve never seen him this full of rage before.

“N-Napakadaya mo…” Sabi nya habang unti-unting napapasandal sa pinto ng kotse nya.

Napahagulgol na lang sya habang nakasalampak sa sahig at nakahawak sa ulo nya. Masakit sakin na makita ko syang ganun.

Dahan-dahan ko syang nilapitan at lumuhod ako sa harap nya para magpantay kaming dalawa.

“I’m sorry… I’m sorry Mans. I didn’t mean to hurt you. God knows how badly I wanted to tell you everything, pero hindi ko magawa dahil nakukunsensya ako na masasaktan kita ng sobra. Please, Mans… I’m sorry…” paliwanag ko sa kanya.

“Kaya mas pinili nyo na lang na pagmukhain akong tanga kesa aminin saken yung totoo?!” tanong ni Mans sakin at halos sumigaw na sya sa pagmumukha ko.

Hindi na ako nakasagot at humagulgol na lang din ako ng iyak. Hinawakan ko si Mans sa balikat pero mabilis nya ring tinabig yun, dahilan para ma-out-of-balance ako at mapasalampak sa sahig.

Tumayo na sya para buksan ang pinto ng sasakyan nya at mabilis na nagmaneho palayo habang ako ay naiwang umiiyak sa lapag.

Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging pag-amin ko kay Mans. Hindi sa ganitong paraan.

Para akong pinaglaruan ng tadhana dahil yung araw na pinakakinatatakutan ko ay mangyayari sa mas malala pa palang paraan.

I can hear a voice calling out my name from afar Pero hindi ko na nagawang lingunin kung saang banda ba nanggagaling ang boses na yun dahil hindi na rin ako makagalaw dahil sa matinding emosyong bumabalot saken.

Hanggang sa makaramdam ako ng mga kamay sa magkabilang balikat ko.

“Sara… Sara are you okay? “ tanong ni Bong habang inaalalayan ako sa pagtayo.

Hindi naman ako sumagot at tuloy lang ako sa pag-iyak. Napayakap na lang ako nang mahigpit sa kanya at ganun din ang ginawa nya saken.

“Shh… it’s okay. Maiintindihan ka din nya… “ pagaalo pa nya sakin habang marahang hinahagod ang likod ko.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng panlalambot. Biglang may kung anong kirot ang naramdaman ko sa ulo ko.

The last thing I remembered ay napabitaw na lang ako sa pagyakap ko kay Bong at nawalan na ako ng malay.


A/N: Hi! Habol ko lang muna tong chapter na ito coz Bong’s POVs are coming throughhhh. At dahil dyan, medyo mahaba-habang flashbacks na naman nga po tayo ulet. Sana wag kayong mainip 😭

Sorry kung medyo mabibitin kayo huhu 😩

And again, Sayo na nagbabasa ng kwentong to, MARAMING SALAMAT SAYO! BURGER KA SAKEN! 💕

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now