CHAPTER 42

122 15 8
                                    

.

.

~Flashback~

Bong’s POV:

It was a very intense confrontation between Sara and Mans. It wasn’t planned at all, though. Pare-pareho kaming nabigla sa mga naganap.

Here I am, sitting beside this small white bed, where Sara, my poor love Sara, is laying. Pale and weak. I can’t help but blame myself for what happened to her. Not long ago ay naaksidente sya at sising sisi ako na wala ako sa tabi nya nung panahon na yun.

But what now? Ako naman ngayon ang naging rason kung bakit nandito na naman sya sa hospital. I promised myself to never let anyone or anything cause her pain or harm, Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko iyon nagawa.

Kung hindi siguro ako masyadong nagpadala sa bugso ng damdamin ko ay hindi kami maaabutan ni Mans sa ganung scenario. Pakiramdam ko ay parang tinanggalan ko sya ng pagkakataon na ayusin ang pagkakaibigan nila ni Mans.

Kung sana ay hindi ako nainip ay wala si Sara sa ganitong kalagayan. Hindi ko na napigilang maluha. Hindi ako yung tipo ng tao na ipinapakita ang totoong emosyon. Hangga’t kaya kong itago ang anumang lungkot o sakit na nararamdaman ko ay kakayanin.

But when it comes to Sara, lahat ay nababago sakin. Everything changed since she came in to my life. She became my strength and at the same time, my weakness.

Napatakip na lang ako sa aking mukha habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Narinig kong bumukas ang pinto at nang lingunin ko iyon ay nakita kong pumasok si Bruce. Agad ko namang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

There’s something in Bruce’s facial expression that made me feel uneasy. Tumigil lang sya sa tapat ng pinto at tinawag ako.

“Bong, may gustong kumausap satin sa labas. Importante lang.” pag-aya ni Bruce sakin.

Tumayo naman ako para sabay kaming lumabas. It’s Mr. Duterte.

“G-Good evening sir…” kinakabahang sabi ko habang nakayuko.

“About my daughter… susunduin ko na sya. “ seryosong sabi ni Mr. Duterte.

“Si-Sir, about what happened to Sara, S-sorry po hindi po nam-“ naputol agad ang sasabihin ko.

“Kailangan nang maibalik si Sara sa puder namin as soon as possible because her life is in danger. “ diretchong sabi nya.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig kong iyon. Danger? Danger of kind? Nilingon ko si Bruce at bakas sa mukha nya ang lungkot at pag-aalala.

“Look, Mr. Marcos. I have nothing against you or Bruce. Alam kong mga mabubuting kaibigan kayo ng anak ko. Pero mapapanatag lang ang loob namin ng mama nya kung mananatili si Sara samin. Magulo pa sa ngayon, pero alam kong kahit hindi ko pa maipaliwanag ang tunay na sitwasyon ay alam kong maiintindihan nyo ako.” Mariing sabi ni Mr. Duterte.

Sandali lang ang naging pag-uusap naming iyon nina Bruce at Mr. Duterte. Sinabihan nya na rin kami na sya na ang susundo kay Sara. Once na ma-discharge na sya sa ospital.

Pagkaalis ni Mr. Duterte ay bumalik din agad ako sa pagbabantay kay Sara. Muli kong ipinako ang tingin ko sa kanya habang malalim na iniisip kung anong panganib ang tinutukoy ni Mr. Duterte.

“Bong… magpahinga ka na muna. Ako na ang magbabantay kay Sara. “ marahang sabi ni Bruce sakin.

“No, it’s okay. Ayos lang ako. Ikaw ang magpahinga. Ako na ang magbabantay kay Sara.” Sagot ko.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now