CHAPTER 15

168 23 11
                                    

.

.

~Flashback~

Bong’s POV:

I had no other plans today so when my dad asked me to drive for him to his business meeting with a new business partner, I agreed.

Naghintay na lang ako sa sasakyan habang nakikipag-meeting si Dad. Gusto sana nya akong isama pa sa loob pero hindi na ako sumama. Bigla din kasing sumakit ang ulo ko.

Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa bintana ng kotse. Si Dad yon. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako habang naghihintay sa kanya.

Dahil nga medyo masama ang pakiramdam ko ay si Dad na ang nagmaneho. Habang nasa daan ay biglang syang  huminto at binuksan ang bintana sa driver’s seat.

Under a shed, nakita ko ang isang babae. Medyo basa na sya ng ulan. Nagulat ako nang tawagin sya ni Dad. They know each other?

Pinasakay ni dad ang babae sa sasakyan namin. Her name is Sara. Anak daw sya ng bagong business partner ni dad na si Mrs. Duterte.

This girl at the back of our seats look so tensed. Medyo nauutal pa nga sya habang kausap si Dad kanina. May nabanggit syang Mr. Red kanina pero hindi ko na naintindihan ang mga sinabi nya after that.

Habang nag-uusap sina Sara at ang daddy ko ay tahimik lang ako. Bukod sa masama ang pakiramdam ko ay ayokong makisabat sa usapan nila.

May ugali kase si dad na sa tuwing nakakakilala sya ng mga dalaga ay agad agad nyang nirereto sakin o di kaya ay aasarin nya ako na kausapin or worst ay pormahan ko sila.

Nang maihatid na namin si Sara sa tapat ng isang convenience store ay nagpasalamat na sya sa amin. Ang akala ko ay nakaligtas na ako kay Dad pero hindi pa din pala.

Tinanong nya ako kung hindi man lang daw ba ako magpapaalam kay Sara, malamang daw ang madadalas ang pagkikita namin ngayong business partners na raw ang pamilya namin.

Kahit ayoko ay medyo nahihiya ako ay wala rin akong nagawa kaya nagpaalam na lang din ako kay Sara.

“Bye, miss” yun lang ang tanging nasabi ko dahil napansin kong nangingisi si Dad at tila nang-aasar pa.

Bumalik na rin kami sa bahay. Dumeretcho na ako sa kwarto ko para magpahinga habang si Dad ay may kinuha lang na mga papeles at muling umalis papunta naman sa office nya.

Workaholic kasi si Dad. Wala syang inaaksayang oras kahit na todo buhos pa ang ulan.

I’m Ferdinand “Bong” Marcos Jr. 26 years old but still living with my parents. Why? Well, ako lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya. My dad needs me to help him with our family business.

I also have my own business din. I own this Café near the university where my youngest sister studies. If my schedule isn’t that hectic, tumatao din ako sa Café as one of the baristas there.

Isang araw naisipan kong pumunta sa café to check on my staffs. Galing ako sa kitchen nang may makita akong kape na naiwan sa counter. It’s a French Vanilla Latte with a name written on the cup. Sara?

Napakunot-noo ako. The first person that came to my mind is Sara Duterte. I can still remember her wet look under that shed. I shrugged the thought when I realized I was unconsciously smiling.

Itatabi ko na sana ang kape nang may babaeng lumapit sa Counter na tila may hinahanap. I supposed the coffee left here was hers.

“French Vanilla Latte for you miss… “ natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now