CHAPTER 34

190 20 27
                                    

.

.

I woke up with a little headache, dagdag pa ang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ng kwarto. Mukhang inumaga na kami dito sa ospital. Wala namang mga swerong nakatusok sa kamay ko pero hindi ko pa rin gusto ang pakiramdam nang nakahiga dito. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko para makaupo at nang bumangon ako ay nakita kong nakadukdok ang mukha ni Bong sa hinihigaan ko at natutulog ito.

Mas lalo akong naging maingat sa pagkilos dahil ayokong magising sya. Nakapatong ang isang kamay ni Bong sa kamay ko at naramdaman kong gumalaw iyon kaya natigilan ako sa paggalaw.

Mukhang nagising ko na nga sya at inangat nya ang mukha nya para tignan ako. Nahabag naman ako nang makita kong mukhang pagod na pagod si Bong at mugto ang mga mata. Medyo nagtaka naman ako.

Agad syang tumayo nang mapagtanto nyang gising na ako.

“Sara… are you okay? Do you need anything? “ tanong nya habang hawak pa rin nya ang kamay ko.

“I’m… I’m okay. Medyo masakit lang yung ulo ko.” Sagot ko naman.

“Are you sure? “ paninigurado nya pa.

Kita ko ang labis na pag-aalala sa mga mata ni Bong kaya pilit akong ngumiti, hoping that it will lessen his worries.

“I’m okay Bong…” I said while gently caressing his cheek.

“Ikaw? Okay ka lang ba? “ tanong ko kay Bong.

He gave me a downward smile.

“Mm. I’m just … so worried about you” sagot naman nya habang nakatingin sakin ang malamlam nyang mga mata.

“Matulog ka pa… you look tired. Sorry kung pinag-alala kita. Okay naman na ako eh, kung gusto mo umuwi ka na muna para makapag-pahinga ka ng maay-“ naputol na ang sasabihin ko.

“NO! Hindi ako aalis sa tabi mo, Sara. Hindi na ako aalis sa tabi mo kahit kailan. So please, hayaan mo na lang akong gawin to.” Mariing sabi ni Bong.

There was tension in his tone and his face was very serious. Ramdam ko na sobra talaga syang nag-aalala sakin.

Tumayo sya at marahan akong niyakap. Kumalas lang kami sa yakap nag pumasok na ang doktor sa kwarto ko kasama si Bruce.

“Bruce… “ tawag ni Bong sa kaibigan namin.

“Na… Nakausap ko na si Doc, pwede naman na daw makalabas si Sara ngayon.” Sagot naman ni Bruce sabay tingin sa doktor na katabi nya.

Wala namang reaksyon si Bong at tumango lang ito.

“Thank you Doc.” Sabi ko sa doktor.

“Walang anuman, hija. Basta parati ka pa ring mag-iingat and wag masyadong paka-stress, makakasama sayo yun. May mga naidagdag lang akong ilang gamot sa dati kong reseta sayo. Nakausap ko naman na ang mga kaibigan mo tungkol dun. “ sabi ng doktor sabay tingin kina Bong at Bruce habang nakangiti.

Tumingin naman sakin si Bong at ngumiti. Ilang minuto pa akong nagpahinga bago ako nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo si Bong sa kama at naghihintay sakin.

Nang makita nya ako ay agad ding syang tumayo at bigla na lang akong niyakap ng mahigpit.

“You scared me, Sara.” Mahinang sabi saken ni Bong.

His voice was almost cracking and I felt like he’s about to tear up kaya naman marahan kong hinagod ang likod nya habang nakapatong ang mukha ko sa balikat nya.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now