CHAPTER 11

186 21 11
                                    

.

.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mga oras na yon. I wasn’t imagining things. It wasn’t Déjà vu AT ALL. It’s real.

Napatulala na lang ako while cursing non-stop at the back of my mind.

“OMG! Bong! You’re here too? And… what are you… “ hindi natuloy ni Bruce ang sasabihin nang tignan nya ang suot ni Bong.

Nagtataka rin siguro sya kung bakit ito nandito hindi bilang bisita kundi bilang isang waiter. Hindi nagsalita si Bong at ngumiti na lang.

“T-Thank you Bong” Sabi ko naman at nginitian sya.

Pinisil ko nang bahagya ang bewang ni Bruce upang hindi na nito usisain pa si Bong.

I don’t know. I feel like Bong doesn’t want to talk or even explain why he’s there and what for. Ngumiti na lang din si Bruce sa kanya.

Nang mailapag na nya sa table namin ang mga pagkain at drinks namin ay may tumawag sa kanya at lumapit.

“Couz, I need you on table #7” Sabi ng lalaking iyon na nakasuot ng walkie-talkie headset.

Agad naman kaming binalikan ng tingin ni Bong at tumango sabay lakad palayo sa amin.

He must be the events coordinator. Hindi ko alam kung mali lang ba ang dinig ko pero tinawag syang “Couz” ng lalaking iyon. Meaning they’re cousins? Eh? Pake mo ba Sara?

Patapos na kaming kumain ni Bruce nang binalikan kami ni Mans.

“How are you guys? I’m sorry may inasikaso lang ako kanina. “ sabi nya.

“Yeah, we’re good. The food is actually good. Pati na ang buong venue. If I were Kate, I would be very proud to say na kapatid ko ang may dahilan ng lahat ng ito” sagot ka naman sa kanya.

He answered my compliment with a smile. Medyo nahiya pa sya.

“We’re also serving some cocktails since legal age naman na si Kate, in-allow na ng parents namin ang cocktails. If you want I can-“ naudlot ang sasabihin ni Mans nang makita nya si Bong at tinawag nya ito.

“Ah, Ferdinand!”  tawag nya dito.

Agad namang lumapit si… Ferdinand? Yun pala ang totoong pangalan ni Bong.

“Ferdinand, give them two Daiquiri. But you can clean their table first, okay? “ sabi nya kay Bong.

“No problem, sir.” Sagot naman ni Bong.

Agad na niligpit ni Bong ang table namin habang kami ni Bruce ay kapwa walang imik. This is awkward. I wanna tell Mans that this Ferdinand is our friend too. That he is “Bong” whom we’re talking about during our lunch the other day. But I chose not to.

I feel like giving Bong the right of introducing and  explaining himself. And only if he wants to.

On the other hand, hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Mans kapag nalaman nya. Nagmamaganda ba ako sa part na ayokong masira ang gabi ni Mans dahil alam kong iba ang mararamdaman nya kapag nalaman nyang si Ferdinand ay si Bong?

As much as I want to give Bong the decision if he wants to introduce himself, I also want to, maybe kind of, protect Man’s feelings(?).

Naguguluhan din ako. This was unexpected. But to sum it all up, the last thing I want to do is make things awkward between us all.

Matapos linisin ni Bong ang table namin ay agad syang umalis para kunin ang cocktails na ipinautos ni Mans for Bruce and I.

Nang makabalik sya ay dala na nya ang drinks namin. Akmang kukunin na sana ni Bruce ang isang baso nang agawin ito ni Bong sa kanya at inabot sakin.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now