CHAPTER 16

158 17 7
                                    

.

.

Nang makarating na kami sa unit ni Bruce ay agad kong inihiga si Sara sa couch. After an hour of waiting ay hindi pa rin sya nagkakamalay. Sinabihan ako ni Bruce na umuwi na but I insisted. Ako lang ang nakakita sa nangyare kanina at gusto kong ako ang magpaliwanag kay Sara pagkagising nya.

Bukod pa dun ay may kung anong nag-uudyok sakin na hintayin magising si Sara at siguraduhing maayos sya. Pakiramdam ko ay hindi ako mapapakali kapag iniwanan ko na lang sya basta.

Madaling araw na ng magising si Sara. Dahan-dahan nyang inangat ang katawan nya upang makaupo ng maayos. She seems clueless. Bakas sa mukha nya ang pagtataka.

Napahawak sya sa ulo nya na tila may iniinda syang sakit. Umiiyak si Bruce sa harap nya at para ba syang biglang nataranta. Nang maalala nya ang ginawa ay napayuko na lamang sya.

Nakaupo ako sa dining area nila habang nagkakape. I’m not the type of person na sanay o mahilig magpuyat pero wala akong choice. Ginusto kong mag-stay.

Are you back in your senses? “ tanong ko kay Sara.

Ilang saglit pa ay lumapit ako sa kanila ni Bruce.

“Sara, I know we’re not that close. But please, don’t do that ever again. Buti na lang at pinasunod ako ni Bruce sa rooftop kundi ay nasa balita ka na ngayon “ napapailing na sabi ko.

Hindi naman sumagot si Sara pero naiintindihan ko sya. Siguro ay nahihiya talaga sya sa amin.

After a few minutes ay nagpaalam na akong aalis na. Hinintay ko lang talaga na gumaang ang pakiramdam ni Sara bago ko sila iwan ni Bruce.

Mabuti na lang at nasa taas lang ng floor na ito ang unit ng kapatid ko kaya hindi ko kailangang bumiyahe nang walang tulog. Yun nga lang ay siguradong magagalit sya sakin dahil alanganing oras at kasarapan pa ng tulog at tsaka ako kakatok.

Hindi ko rin naman inexpect ang lahat ng nangyari mula pa kagabi kaya ano bang malay ko na ganitong oras ay mang-iistorbo pa ako.

Kung di lang talaga… hayyy Sara.

10am nang magising ako. Nakasimangot pa rin ang kapatid ko dahil sa pagka yamot nya sakin ng katukin ko sya kaninang madaling araw.

What happened las tonight was very unexpected. A girl tried to jump off the rooftop? Me being a knight in shining armor? I mean, I’m not even sure how all of it took place in a span of few hours.

I feel sorry for Aimee tho. Imbes na mahimbing pa ang tulog nya ay naputol iyon dahil sakin.

Paglabas ko ng kwarto ay na dinig kong padabog na nagliligpit si Aimee. Isang pa-cute na “good morning” smile ang binungad ko sa kanya.

She just rolled her eyes on me and pouted. Nakita kong may mga trash bags sa pinto Kaya sinabihan ko sya na ako na nag nagtatapon ng mga iyon.

Nagbanyo lang ako pero paglabas ko ay wala na si Aimee. Pati na rin ang mga trash bags sa pinto. Umiral na naman ang katigasan ng ulo ng bunso kong kapatid. Siguro ay sa inis na lang din nya sakin kaya pinili na lang nyang magbingi-bingihan sa sinabi ko.

Agad akong lumabas ng unit nya para habulin sya. Naisip kong baka mabigat ang mga trashbasg na iyon at syempre bilang kuya nya, hindi ko dapat hayaan na mahirap an ang prinsesa ng pamilya namin.

Paglabas ko ay lumingon ako sa kaliwa at kanan ko. Natanaw ko si Aimee pero nasa dulo na sya ng hallway at mukhang pababa sya. Nang tignan ko ang trash bins sa floor na iyon ay puno nang lahat.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now