CHAPTER 4

192 19 4
                                    

.

.

“Mr… Mr. Red long sleeves?? “ gulat kong sabi.

“A-ano yung hija? Red.. “ nagtatakang sabi ni Mr. Marcos.

Uh.. Uhmm.. Sara po sir. Sara Duterte po. “ agad ko namang sagot at pilit na ngumiti dahil alam kong nakatingin sakin si Mr. Marcos mula sa rear-view mirror.

That guy, sitting beside Mr. Marcos. It’s Mr. Red long sleeves! Those narrow eyes, I won’t forget. Hindi ko alam kung bakit but I felt a sudden thob in my chest.

“Oh, yeah. Sara. Bakit naman hija mag-isa ka na lang ngayong ang lakas ng buhos ng ulan? Nasan na ang mommy mo? “ tanong muli ni Mr. Marcos sakin.

“Uhm… may importanteng lakad po kasi si mama. Nagpasundo naman po ako sa kaibigan ko. “ sagot ko naman sa kanya.

“Mabuti na lang pala at nadaanan ka namin nitong anak ko at naisabay. Kung hindi e malamang basang basa ka na sa ulan ngayon” Sabi ni Mr. Marcos habang nangiti pa ito.

No wonder they look alike. Mr. Red long sleeves is Mr. Marcos’ son. Para silang pinagbiyak na bunga. Mr. Red long sleeves looks like Mr. Marcos’ younger version.

Di gaya nung nakita ko sya sa Café, tahimik lang si Mr. Red long sleeves habang busy sa phone nya. Wala syang imik. Sinusulyap-sulyapan ko sya nang palihim at ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan.

He looks very serious and strict pala kapag hindi sya nakangiti. Intimidating sya at mysterious looking.

Nagsabi ako kay Mr. Marcos na ibaba na lang ako pinakamalapit na convenience store na madadaanan namin kung saan pwede akong sumilong dahil malapit na rin si Bruce sa area at tinext ko na sya para doon na lang ako sunduin.

Ilang minuto pa ay binaba na rin ako nila Mr. Marcos sa isang 7/11 store na nadaanan namin. Nagpasalamat ako sa kanila bago buksan ang pinto ng sasakyan.

“Mag-iingat ka hija!” nakangiting sabi ni Mr. Marcos.

“Maraming salamat po ulit, sir” sagot ko naman dito at ngumiti rin.

Hey, Bong! Aren’t you gonna bid goodbye to Sara? Maybe you’ll be seeing her more often coz we are their new business partners” tanong ni Mr. Marcos sa kanya sabay kalabit dito.

“Bye, Miss.” Sabi niya with a cold voice without even looking at me.

Tumango na lamang ako at tuluyan nang lumabas ng sasakyan.

Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa tapat ko. Alam kong si Bruce na iyon kaya agad kong binuksan ang pinto ng passenger’s seat at naupo.

“Jusko Vicenta! Bigla bigla ka namang nag tatawag, ang lakas lakas ng ulan! Sino ba yung naghatid sayo? “ tanong agad ni Bruce pagkasakay ko ng kotse nya.

Saglit akong natulala.

Bong… yun pala ang pangalan mo Mr. Red long.. but wait. Business partners? He’ll be seeing me MORE often? How? WHY? “ naguguluhang tanong ko sa sarili habang napapakunot pa ang aking noo. Anong ibig sabihin ni Mr. Marcos?

Bruce snapped his fingers across my face and I came back to my senses.

“Huy, bakla! Nyare sayo? Okay ka lang ba? “ tanong ni Bruce sakin na nakakunot na rin ang noo habang nakatingin sakin.

“H-Huh? Ah wala. Wala. Ano nga uli yung tanong mo kanina, sorry? “ sagot ko kay Bruce.

“Sabi ko, sino yung naghatid sayo kanina? Kilala mo ba yun? “ pag-uulit nito ng tanong sa akin.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now