CHAPTER 35

193 24 17
                                    

.

.

Huling Linggo na ng bakasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Mans tuhgkol sa nangyari mula nung Naospital ako. He sent me a message, telling me to take care, but that’s all. I sent him a text, asking if we could talk but he didn’t reply.

Gaya ng inaasahan, palagi akong dinadalaw nina Bruce at Bong sa bahay. Sabi kase ni papa ay mas makakabuti saken kung gagamitin ko na lang daw ang natitirang mga araw para magpahinga. Hindi daw kase biro na twice na akong naospital in a span of a short time. And so I did.

Palagi naman akong pinupuntahan ng mga kaibigan ko sa bahay kaya hindi ako ganong naiinip. Dahil nga nagpapahinga ako ay si Dad na ang nag-aasikaso ng business namin. Pinagsabihan din kase nya si Ms. Greta na wag muna akong abalahin dahil isang linggo na lang ay pasukan na ulit.

Nakaupo ako sa tabi ng bintana ng kwarto ko at nagbabasa when I heard a knock on my door. It’s 8:00pm already at tapos na din kaming mag-dinner ni papa kaya nagtaka agad ako kung sino ang kumatok na yun at kung bakit.

Hindi naman kase ugali ni papa na kumatok o kausapin ako pagtapos ng hapunan. Although mas okay na ang relationship namin ngayon compare sa “invisible” treatment nya sakin dati, ay hindi pa rin naman kami ganun ka-close at hindi rin kami madalas mag-usap.

I stood up and went to open my door to see my father standing in front of me.

“Sara, nasa baba si Bong. Gusto ka daw makausap. “ sabi ni papa.

Tumango naman ako. Agad na tumalikod si papa papasok sa kwarto nya.

Pagbaba ko sa sala ay nakita kong nakabukas ang front door namin at nakatayo sa labas si Bong na nakatalikod. Hindi ba sya inalok ni papa para pumasok?

“Bong? “ nagtataka ng tawag ko sa kanya.

Hinarap nya ako at agad kong napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha nya. I felt a sudden cold the moment our eyes met.

“P-Pasok ka. Napadalaw ka? Anong ora-“ naputol agad ang sabibihin ko.

“Sara. I don’t want to prolong this. I came here to say goodbye.” Walang emosyong sabi ni Bong.

“Good… goodbye? H-huh? San ka pupunta? Kelan ang alis mo? “ naguguluhang tanong ko.

“Hindi na mahalaga kung saan. Gusto ko lang magpaalam sayo para hindi maging confusing na bigla na lang ako mawawala. Para hindi ka na rin magulat sakaling hindi na ako magpakita sayo. “ sagot ni Bong habang nakatitig sa mga mata ko.

I felt like my heart stopped beating for a few seconds. Mawawala? Hindi magpapakita?

“Pero Bong… bakit? A-ano bang nangyayari? This confuses me already! Anong dahilan Bong? Okay naman tayo diba? “ nanginginig ang boses na sabi ko.

Hanggat kaya ko ay pinipigilan ko ang pagbuhos ng emosyon ko na halos hindi nahihirapan na akong humingi dahil sa pagsikip ng dibdib ko. Baka kase may magandang dahilan si Bong at ayoko namang mag-overreact lang basta.

“That’s what I thought too, Sara. I thought we’re okay. But I guess hanggang dito na lang.” sagot ni Bong.

Medyo may lungkot na sa tono ng pagsasalita nya kaya mas lalo akong nakaramdam ng urge to know what really is happening right now.

“Bong, please! Ipaliwanag mo sakin kung anong nangyayari!”  mariin kong sabi kay Bong.

“I’m sorry, Sara. But even if I want to, I just can’t! Basta tandaan mo palagi na lahat… “ humihikbing sabi nya.

“… lahat gagawin ko maprotektahan ka lang. Wag mong kakalimutan na lahat nang to ay may dahilan. At ang dahilan na yun ay para hindi ka masaktan” dagdag ka ni Bong.

Nang makita kong lumuluha si Bong sa harap ko ay hindi ko na rin napigilan ang maiyak.

Lumapit si Bong sakin at niyakap ako ng sobrang higpit.

Sa lahat ng yakap na natanggap ko sa kanya ay ito ang pinaka kakaiba.

Kung noon ay napapayapa ang puso at isip ko sa yakap nya, ngayon naman ay parang may kung ano sa dibdib ko na gustong magwala at desididong hanapin ang sagot sa tanong na BAKIT.

Iaangat ko na sana ang braso ko para yakapin din si Bong pero bigla syang bumitaw sakin. Saglit nya pa akong tinitigan sa mata ko bago nya marahang hinalikan ang noo ko.

“For the last time… my little star” bulong nya sakin bago sya tumalikod at tuluyang naglakad palayo sakin.

Naiwan akong tulala sa tapat ng pinto namin habang pilit kong pinoproseso  sa utak ko ang mga nangyari ilang minuto lang ang nakakalipas.

Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ako dahil nanlalambot ang mga tuhod ko kaya agad akong pumasok sa loob at tuluyang napaupo sa sofa.

Napatakip na lang ako sa mukha ko at humagulgol ng iyak. Nakarinig ako ng mga yabag pababa sa hagdan pero hindi ko na nagawang linungin iyon.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“Papa… “ humihikbing sabi ko.

Agad akong niyakap ni papa at marahang hinagod ang likod ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nya at humahagulgol.

Walang salitang lumabas sa bibig ni papa at tuloy lang sya sa pag-aalo sakin. Pero kahit na wala syang sabihin ay ramdam ko ang sinseridad sa bawat paghagod ng palad nya sa likod ko.

Bong left me puzzled. Pilit kong inaalala kung may nagawa ba akong hindi maganda para basta nya na lang akong iwasan.

Para protektahan ako? Saan? Kanino? Bakit? Napakadaming tanong sa isip ko pero lahat ng iyon ay hindi ko mabigyan ng kasagutan dahil wala akong nakuhang paliwanag mula kay Bong.

SI Bong na nangakong hindi ako iiwan, hindi aalis sa tabi ko kahit anong mangyari. I thought, that finally, I have someone to hold on to. To share my ups and downs with. Someone who, no matter how hard the situation is, will stay with me.

Masyado na ba akong naging kampante? O nagpadala sa pangako nyang hihintayin nya ako? Nainip na ba sya? I never believed in promises until he swore to wait for me and love me unconditionally.

Mali ba na pinanghawakan ko ang pangako nyang iyon? How many times should I have my heart broken before I get to be truly happy?

A/N: Hi! Hoy Bongeeeeet!! Kala ko ba maghihintay ka na maging kayo? Huhu poor little star :(

Sige lang po. Tatanggapin ko po lahat ng masasakit na reklamo nyo sa chapter na to huhu sorry mga ferson!

And again, Sayo na nagbabasa ng kwentong ito, MARAMING SALAMAT SAYO! BURGER KA SAKEN! 💕

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now