CHAPTER 31

113 12 4
                                    

.

.

Bahagya akong napahawak sa tyan ko at alam kong napansin iyon ni Sara.

“O-okay lang, Sara… “ sabi ko habang nakatingin kay Sara.

“Masakit ba? S-sorry, sorry Bong. Hindi ko talaga sinasadya” nag-aalalang tanong naman ni Sara.

I’m a fair player. I know what Mans is trying to do right now and he wants to play the make-me-jealous game, then I would be willing to be his opponent. But this time, I won’t play by any of the rules. I’m laying all my cards to win Sara.

It’s okay, Sara. Hindi naman masakit, wag kang mag-alala”  malambing na sabi ko sabay marahang hinawakan ang pisngi ni Sara at Mapang-asar na ngumiti.

I made sure that Mans saw what I just did. I was looking at Sara at bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Agad ko rin namang ibinaba ang kamay ko nang pakunwaring nasamid si Mans.

Hmp. Mukhang hindi na kinaya ni Mans ang selos.

Saglit pa akong tinitigan ni Sara and she gave me that tiger-look to let me know na hindi sya natutuwa sa kung ano man ang ginagawa ko. Agad naman akong sumeryeso.

Tumayo ako at nagpaalam na bibili lang ng snacks at napasama na rin ako kay Bruce. Habang bumili kami ay naitanong ko ang ilang bagay tungkol kay Mans.

“Uh, Bruce? Gano katagal nyo nang kilala si Mans? “ tanong oo kay Bruce.

“Hmmm… one year na din. Classmate namin sya sa isang subject namin.” Sagot naman nya.

“Ah, I see.” Sabi ko naman.

Habang naglalakad kami ni Bruce pabalik sa pwesto namin ay napansin kong seryosong nag-uusap sina Sara at Mans.

He was holding her hands while she’s smiling at him. He suddenly grabbed her shoulders and pulled her closer fo a hug.

“Thank you, Sara. Promise, gagawin ko lahat. Lahat ng kaya ko para sayo. I assure you that you won’t regret giving me this chance” dinig Kong sabi ni Mans kay Sara.

Nanlaki ang mata ni Sara nang makita nyang nakatayo ako sa likuran ni Mans habang naka yakap sya rito. Bumitaw na rin sa pagkaka yakap nya si Mans kaya ibinaba ko na rin ang mga binili naming snacks ni Bruce.

Nagpaalam akong may sasagutin lang na tawag at walang lingong-lingon akong umalis. Kung mananatili pa akong nakatayo duon ay baka hindi ko mapigilan ang damdamin ko.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko. Tama ba yung narinig ko?

“CHANCE”?!

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kinailangan kong lumayo dahil hindi ko kayang tignan si Sara habang masayang ibinabalita ni Mans kay Bruce ang nangyari ilang saglit lang ang nakakalipas.

Tumawid ako sa kabilang side ng park at naupo lang sa tabi ng isang malaking puno. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong may nakatayo na sa gilid ko kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.

It’s Sara. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin nang makitang sya ang nasa tabi ko.

Bong-“ pinutol ko na agad ang sasabihin ni Sara.

Ayoko nang marinig pa kung ano man ang sasabihin nya. Hindi ko kayang pakinggan ang dahilan kung bakit si Mans ang pinili nya dahil baka lalo ko lang kaawaan ang sarili ko.

Congratulations. I hope he treats you right. “ sabi ko kay Sara.

Dinig kong napabuntong-hininga si Sara.

It’s okay. You don’t have to explain anything. I respect you and your decisions. “ dugtong ko pa.

Pilit akong ngumiti nang sa ganon ay hindi sya gaanong mag-alala.

It was a few moments of silence until I walk towards her and gently hugged her.

I hope you could shine brighter with him, little star. I guess I’ll just have to admire you from afar. “ I said with a heavy heart sabay bitaw sa kanya.

I bitterly smiled at her before I walked away. I see sadness in her eyes and I felt the need to turn away bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko.

I put up a blank face before talking to Bruce. Nagpaalam ako na uuwi na dahil may emergency sa office ni Dad. And guess what? I lied. Hindi ko na kayang pigilan ang bugso ng damdamin ko kaya kesa maapektuhan ko pa si Sara ay pipiliin ko na lang na lumayo na muna sa kanya.

Bago naman ako umalis ay kinuha ko ang Number ni Bruce so he can update me about sa car na pinabook ko to pick them up here sa park.

While I was driving home, hindi ko na nga napigilang maluha. Hindi ko naman maiwasang sisihin din ang sarili ko dahil sa nangyari. If I would’ve been brave enough to tell Sara how I truly feel about her, hindi Sana ako na unahan ni Mans.

Kung may lakas ng loob lang sana ako para iparamdam ng buo sa kanya kung Gano sya ka espesyal saken. Kaso wala na. Huli na.

Umuwi akong bagsak ang balikat. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong katawan ko kahit wala naman akong ginawa. Kaya naman the moment I reached my bedroom at agad kong itinulog ang nararamdaman kong iyon.

Sara. Akala ko…ikaw at ako…

Akala ko lang pala.

A/N: Sakit ng POV ni Bong. Si Mans naman kase, medyo paladesisyon. Sige tulog mo muna yan Bonget.

Sorry kung medyo bitin po ang update hehe. Pinagtatagpi-tagpi ko pa kase sa utak ko yung susunod na mga iyakan parts. Charot hahaha 😂

 

And again, Sayo na nagbabasa ng kwentong ito, MARAMING SALAMAT SAYO! BURGER KA SAKEN! 💕

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now