CHAPTER 26

204 25 10
                                    

.

.

Dumating na ang isa sa pinakahihintay ng bawat estudyante. SEMESTRAL BREAK NA!!!

We have almost a month of academic break at bago pa man iyon ay nag-isip na ako ng mga productive things-to-do Para naman hindi masayang ang bakasyon.

Syempre, my priority is  meatshop . Ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako and after that I’ll be officially work in our family business.

Gusto ko nang makabisado, kung hindi man lahat, ay ang ibang mga mahahalagang gawain at proseso sa Factory namin. Para naman kahit papano ay matuwa si mama pagbalik nya.

I also thought of reconciling with my father. Gusto ko sana makasama sya kahit sandaling panahon lang. Sya na lang kase mag-isa sa bahay ngayon dahil nga wala si mama. Nag-aalala ako kay papa, kung ano na ang kalagayan nya at kung pano nya inaalagaan ang sarili nya.

Ang isa pa sa iniisip ko ay kung pano ko gagamitin ang mga bakanteng araw ko para magtapat kay Mans. Parang mas nahihirapan pa akong mag-isip ng sasabihin sa kanya kesa kabisaduhin ang mga tinuturo saken ni Greta tungkol sa business.

One afternoon, nag-ayang mag-coffee si Mans. Balak nya sana akong sunduin pero dahil sa La Luna Café lang naman sya nag-aya, we insisted na kami na lang ni Bruce ang pupunta dun since mas malapit kami.

While Bruce and I are on our way to the Café, napansin ni Bruce na tulala ako at parang balisa.

“Huy, Vicenta! Okay ka lang ba?”  tanong nya habang nag di-drive.

“H-Huh? Huh ano yun? “ wala sa sariling sabi ko.

“Okay ka lang ba? Ocean deep naman ng iniisip mo dyan?” dagdag pa nji Bruce habang nakakunot ang noo.

“Eh kase… sa Café… baka… baka nandon si… “ pautal-utal na sabi ko naman habang napapakagat ako sa ibabang labi ko.

Naalala ko lang bigla yung Café. Baka kase nandon si Bong and as I’ve said before, hindi ako marunong magtago ng emosyon. Ini-imagine ko pa lang na magkikita-kita kaming tatlo sa iisang lugar ay parang hindi na ako maka hinga sa kaba.

“Gusto mo ba tanungin natin si Bong kung nasa Café sya? “ tanong ni Bruce saken habang diretcho pa rin ang tingin sa daan dahil kasalukuyan syang nagdi-drive.

Agad naman akong nagtaka.

“Huh? P-Pano? Pano natin sya tatanungin? “ tanong ko habang nakakunot ang noo.

“I have Bong’s number. Binigay nya saken nung huling kita namin sa Park. Ano? A gusto mo tanungin ko? “ paliwanag ni Bruce.

Pumayag naman ako at tinagawan nga ni Bruce ang number ni Bong. Nang sagutin ni Bong ang tawag ay agad na ibinigay saken ni Bruce ang phone nya dahil nag di-drive sya.

“Hello, Bruce? Na patawag ka? “ tanong ni Bong sa kabilang linya.

“He-Hello… Hello Bong? “ nahihiyang sabi ko naman.

“S-Sara? Ikaw ba yan? Bakit? May problema ba? “ tanong uli nya.

“Wala. Wala namang problema. Uhm… itatanong ko lang sana kung nasa Café ka? Pupunta kase kami dun ni Bruce. Inaya kase kami ni… “ natigilan ako at napabuntong hininga.

“ni Mans” dugtong ko.

Napapikit ako ng marahan at napakagat sa ibabang labi ko.

“Mm… Yeah, I… I can see him waiting here.” Sagot ni Bong.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now