CHAPTER 30

130 13 1
                                    

.

.

Gaya ng napag-usapan, pagtutulungan namin nina ate Imee ang paghahanap sa killer ni mom. We hired some people to also help us with the investigation.

Kapag hindi naman ako busy ay dumadalaw ako kay Sara sa condo. Madalas ko syang puntahan dun lalo na kapag buong araw na wala si Bruce dahil pumapasok ito.

Tinutulungan ko si Sara na I-review ang ilang notes na iniiwan sa kanya ni Bruce. Kung minsan ay kasama ko si Aimee na pumupunta don at sinasamahan namin si Sara hanggang sa dumating si Bruce. Nagiging close na rin si Sara sa kapatid ko at kung minsan ay may pinagkukwentuhan silang hindi ko naman alam.

Halos magka-edad lang kasi silang dalawa. Matanda lang ng isang taon si Sara sa kapatid ko kaya ganun na lang sila kakumportable sa isa’t isa.

May isang beses na nag kasabay kami ni Mans sa pagdalaw kay Sara sa condo. Naiinis man ako pero wala naman akong magawa. Iniisip ko na lang na mabait na kaibigan si Mans kay Sara para kahit papano ay mawala ang selos ko sa lalaking yun.

Isang araw, habang paakyat ako sa condo unit nina Sara para sana dalawin sya ay na kasabay ko sya papasok ng building. Okay na sana, pero kung mamalasin ka nga naman. Pagpasok namin ng elevator ay na kasabay rin namin ni Bruce si Mans at paakyat din ito para dumalaw kay Sara.

Kapwa kami na patingin sa bulaklak na dala namin. Kung ikukumpara e di hamak na mas maganda naman ang bulaklak na dala ko. Ako, competitive? Aba syempre, si Sara ang pinag-uusapan dito.

Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng unit ay agad na kumatok si Bruce dahil may naririnig daw syang nag-uusap sa loob.

Binuksan naman ni Sara ang pinto at nakita naming nasa loob si Greta at si Mr. Duterte.

Agad silang binati ni Bruce at tila kinakabahan sya sa di ko malamang dahilan. Si Sara naman ay napako na ang tingin samin ni Mans na nakatayo lang s a likod ni Bruce.

 “Uhm… na… nakasabay ko sila kanina paakyat. Gusto… gusto ka daw nilang dalawin, S-Sara” Sabi ni Bruce nang mapansin nyang tulala si Sara sa amin.

“Pas…. Pasok kayo kayo, Bong, Mans. “ sabi ni Sara.

Lumapit naman kami at agad na iniabot ang bulaklak na dala namin. Napansin kong natigilan si Sara nang mapansin nyang pareho kaming na Palingon sa ama nya nang iabot namin sa kanya ang bulaklak.

Napalunok naman ako. I was just acting cool, trying not to be outdo by Mans, but deep inside me ay kinakabahan ako dahil sa papa ni Sara. Pakiramdam ko ay umaakyat na ako ng ligaw. Haysss Bonget, chill.

At dahil nga gusto kong magpakitang-gilas ay lumakad ako papalapit sa papa ni Sara at lakas loob kong inabot ang kamay ko sa kanya.

 Hindi naman ako napahiya. Mr. Duterte shook hands with me.

“Mr. Marcos.. “ bati saken nya saken.

“Bong na lang ho, sir. Magandang araw ho.” Sagot ko naman.

“About my daughter’s case, how is it going so far? “ tanong nya pa.

“Everything’s falling into place, sir. Makakasigurado ho tayo that the person liable for Sara’s accident will be punished. “ mariing sagot ko naman sa kanya.

Mukhang ikinatuwa naman nya ang sinabi ko dahil bahagya syang tumango. Saglit pa naming napag-usapan ang tungkol sa kaso bago nagpaalam sina Greta at Mr. Duterte.

Inihatid na sila ni Sara palabas habang kaming tatlo nina Bruce at Mans ay naiwan sa sala. Maya-maya bumalik na rin sya.

“Salamat pala uli sa mga bulaklak. Napadalaw kayo? “ tanong ni Sara.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now