CHAPTER 9

182 24 14
                                    

.
.
I got so tired of crying na ako na lang din ang sumuko. Malaking tulong din na nasa tabi ko si Bruce para pagaanin ang loob ko. Pumasok kami ni Bruce sa loob ng aming bahay at naupo. Nabibigla pa din ako. Ang bilis ng nangyare. Pero kailangan kong mag-isip. What's the plan, Sara?! You must have a PLAN!

After almost half an hour ay nakapag desisyon na ako. Gagawin ko ang sinabi ni mama. Sisiguraduhin ko na matutunan ang bawat pasikot-sikot ng aming negosyo nang sa ganun ay hindi masayang ang tiwalang binigay nya sakin.

At isa pa, as if naman may choice ako diba? Kailangan ko itong gawin. Sa ayaw o sa gusto ko.

Bruce and I came up with the idea of me staying in his condo habang hindi pa nakakabalik si mama. Ayoko din naman na maiwan sa bahay na mag-isa, at kung makakasama ko man si papa don ay parang hindi ko sya kayang harapin.

Nang gabi ding iyon ay tinulungan ako ni Bruce na I empake ang ilan lang sa mga damit ko at mga mahahalagang gamit lalo na ang mga gamit sa school. Habang nageempake ay dun ko na sinimulang ikuwento lahat sa bestfriend ko. Pareho kaming umiiyak habang nagtutupi ng mga damit ko hanggang sa matapos kami.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa condo. I've decided. I'll be the good daughter they've known me to be. I'll take this opportunity Para ipakita sa mga magulang ko na kaya ko. Also, I want make sure that papa won't regret giving me his surname. Hindi kami tunay na magka dugo, pero dala ko ang pagiging Duterte sa puso ko na matapang at hindi sumusuko.

Sa pagod namin ni Bruce ay agad kaming nahiga pagdating sa condo nya. Agad naman syang nakatulog habang ako, nanatiling nakatulala habang nakatingin sa kisame.

Kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa utak ko. Kalaunan ay dinapuan na rin ako ng antok at nakatulog.

Kinabukasan ay pumasok na kami ni Bruce nang sabay. Maaga ang klase namin. Nang papasok na kami sa gate ng school ay nakasabay namin si Aimee.

"Hi ate Sara!" bati nya sakin na may kasamang malawak na ngiti.

"Oh, hi Aimee! Good morning! " sagot ko naman at nginitian din sya.

Kinawayan naman sya ni Bruce at nginitian din. Naalala ko na hindi pa nga pala sila magkakilala. So I introduced Aimee to my bestfriend.

"Uh, Bruce this is Aimee nga pala. Younger sister sya ni Bong, sya yung nakatira sa unit sa itaas ng sayo" pagpapakilala ko sa kanya.

"Ah, oo. Nagkita na kami nyan ni baby girl. Although ngayon ko lang nalaman ang Name nya hehe. Hi Aimee! Ate Minerva ganda nga pala" energetic na sabi ni Bruce sabay lahad nya kay Aimee para makipagkamay dito.

Natawa naman si Aimee sa introduction na iyon ni Bruce.

Pero teka. Nagkita na daw sila? Kelan? Saan?

"Uh... saan... kayo nagkita ni Aimee? " tanong ko kay Bruce.

"Nagkita kami nung gabing... " pinandilatan ako ni Bruce ng mata.

Nagets ko naman agad ang ibig nyang sabihin. Nagkita daw sila the night I tried to commit suicide.

"nakasalubong ko sila sa hallway ng kuya nya." Sagot naman ni Bruce.

~Flashback~

Bruce's POV:

Naaawa ako kay Sara. All she ever wanted to be is an obedient daughter to her parents. Alam ko ang pagsisikap nya para matuwa ang parents nya sa kanya and to see my bestfriend breakdown like that crumples my heart.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now