Chapter 43

106 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil na rin kakaisip sa mangyayari ngayong araw. Nag paalam na rin si Bella na umuwi, may work siya at ayaw niyang umabsent dahil sa pagkalasing niya.

Maayos naman ang naging takbo ng umaga ko, nag breakfast ako kasama si Cole na nakabungasot ang mukha. Hindi ko na lamang siya inimik dahil na rin papasok pa ako sa company at marami pang aasikasuhin, may bagong business partner kasi si Tita kaya busy rin ang mga employees sa iprepresent nilang mga document para mapa oo sa partnership na gusto ring maachive ni Tita dahil sikat ang company  nila.

Callix texted me earlier, susunduin niya ako dahil gusto niya mag lunch kami sabay sa favorite place niya dito sa Manila. Tatapusin ko muna ang mga files na inassign sa akin after nito may isang meeting pa sa client ni Tita kaya baka malate din ako sa lunch date namin. 

"Kamusta Yumi? Si Mrs Romero, nakapagsend na ba siya ng details ng company nila? si Tita.

"Yes Tita but it's just a simple presentation pero nakuha nila agad ang loob ko dahil na rin sa quality ng mga products nila and sa mga achievements ng company nationwide" ako.

"That's good, just send me the file later so I can check it" Tita.

"Sure Tita.

Past 12 na ng natapos ako sa lahat ng work ko. Nag text na rin ako kay Callix na mag tetext na lang ako kapag yari na ang mga inaasikaso ko. May work din siya pero naglalaan siya ng time para sa aming dalawa. Napangiti na lang ako.

"Tita, una na ko" tumango lang siya.

Lumabas na ako ng building, nakita ko na rin ang sasakyan ni Callix, kumaway siya sa akin. Malaki naman na ngiti ang ginawad ko sa kanya.

"Hi, are you hungry?" si Callix.

"Not that much but let's eat I know we're both busy and I want to be with you today so.." napatingin siya sa akin.

"Yeah. I know" he said and kiss my forehead.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. A little gesture can make me smile because it's Callix. Napangiti na lamang ako sa isip.

Hinintay ko na lamang siya pumasok sa car niya. Tumingin muna siya sa akin bago paandarin ang sasakyan.

"How's your day?" he asked. Tumitingin siya paminsan minsan sa akin habang nagdadrive.

"It's fine, may mga pinagawa lang na files for our business partner. Ahm, How's your company? I heard na nagkaroon ng award yung latest production niyo" napabaling siya sa akin. 

"Yup, my dad handle it. Actually, he wants me to take a vacation somewhere. Napansin niya kasing puro work ako lately but it's ok kaya ko namang asikasuhin" napatingin ako sa kanya.

"Also dad want to take a vacation na tayong dalawa lang that will make us enjoy each day" napatingin ako sa kanya.

I'm okay with that, matagal na din ng last punta ko sa ibang lugar. Ilang months na rin ako dito sa Pinas galing US. Pero sa mismong dad pa niya nag galing. I'm sure namumula na ang mukha ko sa nararamdaman ngayon.

"Do you want to take a vacation Yumi? I'm okay kung busy ka. I will cancel it" umiling ako.

"Gusto ko Callix. Napagisipan ko na rin ito, matagal na ding nung last na punta natin sa ibang lugar na magkasama. I want to enjoy each day with you" ngumiti siya sa akin.

"Thank you for loving me" hinawakan niya ang kamay ko habang nag dadadrive" pinark niya na ang sasakyan.

Napalinga ako sa paligid. Kaunti lamang ang tao dahil na rin past lunch na at umalis na ang iba. Nandito kami sa Lemuria Gourmet Restaurant one of the expensive restaurant in Manila.

Kinuha na ni Callix ang kamay ko at sabay na naglakad. Pinagmasdan ko ang interior design, ang fancy ng style at makikita rin ang ibang palamuti galing sa chandelier. Kaunti lamang ang table na naroroon pero makikita na marangya ang disenyo na napapalibutan ng mga magagandang  tanawin.

May lumapit sa aming waiter. I know na nag pareserved na si Callix bago pa man kami mag punta dito. Pinagmasdan ko pa muna ang paligid. Naupo na ako pagkatapos iminuwestra ni Callix ang upuan sa akin. May dumating na rin na mga foods and drinks.

Napatingin si Callix sa akin. May sumabay ding mga tugtugin na siyang nag pa ganda sa lunch date namin.

"Yumi, let's eat" una niya.

Tumango lamang ako at kumain. I only eat salad and some steak. Nag serve din sila ng wine para sa amin.

"Where do you want to take a vacation Yumi. I'm okay kung saan mo gusto" puna niya.

"Somewhere in the beach. I think Siargo is the best for me. I want to learn how to surf there" napatingin siya sa akin at ngumiti.

"That's good idea. I will book a flight later. Gusto kong maaga nating maenjoy ang bakasyon na para sa atin" ngumiti ako.

Malayo ang siargo sa Manila. Mindanao pa ito at kailangan talaga namin maagang umalis dahil na rin biglaan ang planong ito.

"I will pack my things after nating umuwi. You too. I will text you kapag tapos ako. Can I call you later?" namungay ang mata niya.

"Yes, you can call. I will text you kapag tapos na ako. I will tell Tita about this" tumango siya.

Natapos na kaming kumain. Lumibot lamang kami sa lugar na to dahil may malaking space sa harap ng restaurant. Hindi maalis ang tingin ni Callix. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap siya sa akin.

"I can't wait to be with you tomorrow" bulong niya. Nasapak ko siya dahil ang lapit niya sa akin. He kissed me in my forehead.

"Callix, you are too excited. Magkasama pa nga tayo oh" turo ko sa aming dalawa" humalakhak siya.

"I know" ngumiti ako.

"Let's go home, hapon na rin and we need to pack up things" tumango ako at sabay na kaming naglakad.

Naging maganda ang araw na to sa akin. Hindi ko inaasahan na magbabakasyon kaming dalawa. I'm happy about it dahil sa beach niya rin sinabi ang nararamdaman niya sa akin noon. I'm so excited dahil matagal ko na ding gustong pumunta sa Siargo, dahil maganda ang location at maraming mga beach na pwedeng puntahan.

Nakarating na rin kami sa tapat ng gate namin. Nauna siyang bumaba para buksan ang pinto kung saan ako nakaupo. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Goodbye. I will call you later" lumapit siya sa akin at inangat ang baba ko para maglapit ang mukha namin sa isa't isa. Until he kissed me softly.

Tumigil siya at nakita kong mamumungay ang mga mata niya. Napangiti ako sa kanya. Niyakap ko siya sa nararamdaman ko ngayon. Yinapos niya ako ng yakap.

"I love you" bulong niya.

"I love you too" tugon ko.

Bumitaw na ako sa kanya at nag paalam na rin siya sa akin. Pumasok na ako sa loob at dumiresto sa kwarto para mag impake ng mga gamit. Masaya ang araw na ito at sana ganito na lang palagi. Si Callix lamang ang nag bibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Wala ng iba pa.



Marguax Series 1: Just in Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon