Chapter 23

1.6K 62 11
                                    

Nakita ko na sila Tita and Cole na ngayon ay nasa sun lounge at si Bella na may katawagan.

Kasalukuyan akong naglalakad sa dalampasigan para mag muni muni ng kung ano para naman mapahinga ang utak ko kakaisip kay Callix. Sinulyapan ko si Callix na ngayon ay patuloy pa rin ang pag sunod sa akin at ang pa ngiti ngiti. Paano ko ito maiiwasan kung lagi siyang nandiyan. I really hate him for doing this to me

Kakaiba talaga sa pakiramdam ang kaniyang ngiti parang nagdudulot ng kaliti sa aking tiyan. Marami naman ang tumitingin na kalalakihan at kababaihan sa akin at sa gawi ni Callix.

Sa kanyang hubog na katawan natitiyak ko talagang malalaglag talaga ang mga mata ng mga dumadaan para siyang hollywood star na may magagandang mata, matangos na ilong at higit sa lahat ang kaniyang labi na mamula mula.

"Pwede ba Callix. Huwag mo nga akong sundan?" tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Hmm. Pero gusto kitang samahan" napamaang ako sa sinabi niya.

"What ever Callix. What do you want?" tanong ko sa kanya na ngayon ay gwapong gwapo sa suot niya, isama pa ang nakapamulsa niyang mga kamay sa khaki short niya at mga nakapungay na mata sa akin.

"I just want to be with you Yumi. Huwag mo naman akong ipagtabuyan" maarte niyang sambit sa akin napairap ako sa kanya.

"Tss. Fine" lumiwanag naman ang mukha niya sa sagot ko.

Naglakad lakad pa kami. Nakarating kami sa isang souvenir shop. Marami ang mga bilihin, may mga couple shirts, may nga chain and mostly mga couple bracelets.

May lumapit sa amin na isang babae na mukhang siya ang may ari.

"Magandang umaga, hija at hijo" ngumiti ako sa kanya.

"Sale namin ngayon. May iaalok ako sa inyo na couple shirts at couple bracelet saka bagay na bagay kayo ng boyfriend mo kung gaano siya kagwapo ganun ka rin kaganda hija" aangal sana ako ng unahan ako ni Callix.

"Talaga po? Hmm. Nasaan po ba yung couple shirts niyo at couple bracelets" tanong niya pa sa babae, napasapo ako sa noo sa kakulitan niya.

Wala na akong nagawa at nasabi dahil sumama na siya sa babae na ngayon ay ipinapakita ang mga tinda niya.

Hinayaan ko muna si Callix. Nagtingin tingin ako ng kung ano ano maraming mga bags na handmade na may nakalagay na Palawan.

Maglalakad sana ako ng may mabunggo ako. Parehas kaming napahiga sa buhanginan. Malakas ang impact dahil tumatakbo siya ng mabunggo ko siya.

Nadaganan ko siya kaya nag katinginan kami. Namula naman ako dahil malapit ng magkadikit ang kanyang mukha sa akin. Napatingin ako sa mukha niya at napag tanto na gwapo siya dahil sa mga features na parang foreigner.

Naitulak ko siya at napatayo. Sobrang bilis ng pangyayari. What I am thinking again, madali na akong tumayo at pinagpag ang sarili dahil buhangin. Nasulyapan ko rin siya na pinapagpagan ang sarili.

"Im so sorry hindi kita nakita-" bago pa man ako sumagot may humawak na sa baywang ko.

"What's happened?" he said in a serious tone.

"Its ok Miss, it's also my fault nagmamadali kasi ako" sagot niya sa akin. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay ni Callix sa waist ko pero binabalik niya pa rin.

"It's ok" baling ko sa kanya. Umalis na rin siya after niya makita na nakahawak si Callix sa baywang ko. Kumaway ako ng lumingo siya. "Take care next time" dagdag ko pa.

Marguax Series 1: Just in Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon