Napagpasiyahan na naming tumuloy sa room na pianreserved niya. Isang room lang ito na malaki ang space. Maganda ang style, modern na may halong antique na siyang nagpaganda sa kwarto. Malaki rin ang bathroom, napansin ko din isa lang ang kama, pero malaki naman ito dahil masters bedroom.
Nagpalit ako ng damit na kung saan komportable ako. Namataan ko si Callix nakatingin sa akin. I only wear white pajamas. Nag palit na rin si Callix dahil masyadong malayo ang binayahe namin.
"Are you tired? Let's rest" tumango ako sa kanya.
Humiga na ako, sumunod siya sa akin. Naghuhuramento ang puso, unang pagkakataon na makakatabi ko si Callix matulog. Hindi pa rin maprocess sa utak ko ang mga kaganapang ito. Basta alam ko masaya ako kasama siya dahil mahal ko siya.
"Goodnight. I love you" he kissed my cheeks. Iginalaw niya ang braso niya, mas lalo siyang dumikit sa akin at yinakap ako.
Mga ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin ako makatulog dahil sa. mga iniisip. Luminga ako sa kanya, nakaharap na ako sa kanya. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya. Masaya ako at hindi makapaniwala sa mga mangyayari. Parehas kaming nasaktang dalawa, hindi sumagi sa isip ko na makikita ko siya ulit dito sa Manila.
Marami akong tinanggihang invitation galing sa iba't ibang companies dahil natatakot ako na magkita pa kami ni Callix. Hindi ako handa sa lahat, ngunit naramdaman kong masakit ang mga araw na ginagawa ko yun. I promise to myself na hindi na mangyayari na masaktan ako pero may tiwala ako Callix at ramdam ko yun.
"Can we stay forever like this Callix" hinaplos ko ang mukha niya. Para siyang anghel kapag natutulog.
Mga ilang minuto, nakatulog na rin ako. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako at nakita si Callix sa veranda. Naramdaman niya ang presensiya ko kaya nag lakad na siya palapit sa akin.
"Good morning" he said in a husky voice.
"Good morning, why didn't you wake me up?" sambit ko sa kanya.
"Ang sarap kaya ng tulog mo so why would I?" nahampas ko siya sa sinabi niya.
"Alright, I'll change first" tumango siya.
"I'll wait for you here" ngumiti ako.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa araw na to. Gusto ko g matutong mag surf dahil dito ang best place para mapag tutunan iyon. Nagsuot ako ng white dress na bumagay sa kulay ng balat ko. May sunglasses and sun hat naman ako naidala.
Lumabas ako ng pinto ng namataan kong nagtama ang mata namin ni Callix.
"You look good, stay beside me baka maagawan pa ako" hinampas ko siya sa biro niya.
Hindi naman ako papaagaw sa iba Callix, ikaw lang.
Ten in the morning ng lumabas na kami, simple lang suot ni Callix pero nag mumukhang expensive dahil sa pag dadala niya. Kumain na din kami ng breakfast, masarap ang mga sinerved nila na pagkain.
May mga sinabi ang waiter kung saan kami pwedeng bumisita. We decided na pumunta sa isang lagoon dito sa Siargo. Hindi ganoong maraming tao, malinaw ang tubig at maganda ang tanawin. Gusto ko sana maligo kaso di ako handa, after lunch na lang lalo na gusto ko sa labas ng restaurant kumain para makita ang payapang alon ng dagat.
May tumaway kay Callix. Si Tito iyon. "Yes dad, later? alright. Thank you Dad" mahina ang pagkasabi niya pero dahil malapit kami, narinig ko iyon. Tungkol saan ba ang pinagusapan nila, gusto ko sana siyang tanungin pero hinayaan ko na lang.
"Let's go. We're both hungry" maraming kwento ang bangkero aa amin ng pabalik kami kaya hindi ako nabored. Masaya kaming magkahawak ang kamay. Nakatapak na kami sa buhangin ng nilipad ng hangin ang kaunting tela ng damit ko, hinarangan iyon ni Callix.
BINABASA MO ANG
Marguax Series 1: Just in Your Arms [COMPLETED]
FanfictionIs there's any chance that I fall in love again with another man? I met him while I was broke and doing the things called "revenge" to my ex. I'm one of the victim of that "Freaking Love" but when he came in to my life. I realized there's a hope, th...