Chapter 42

640 22 1
                                    

Natapos na akong mag luto ng dinner, hindi na lamang tumuloy si Bella na pumunta sa room dahil nga sa pangyayari kanina sa kanila ni Cole. Wala akong alam kung ano ang probema ng dalawa pero makikita naman sa galawan nila na gusto nila umiwas sa isa't isa.

Well that's love for sure or whatever. Nilapag ko na ang mga naluto ko, tinawag ko na si Bella para makakain na siya at paniguradong gutom na rin siya.

Balak ko pa sana siyang tanungin tungkol sa kanila ni Cole pero minabuti ko na lamang na huwag muna silang pakialamanan.

"Bella are you okay?" i asked her.

"Yup, I'm okay? Why are you asking me like that Yumi" I glared to her.

Obvious naman na gusto niyang iwasan ang mga tanong ko. Tahimik na lamang akong umupo sa dining table. Gusto ko sanang makausap din si Cole, kung ano ba ang kalokohang ginawa niya kay Bella. Oh, that spoiled brat!

"Bella, if you need anything, sabihin mo lang sa akin. I will help you. she just nod.

Habang kumakain kami naisip ko si Callix, napapangiti na lamang ako ng wala sa oras. Buti na lamang iwinagaygay ni Bella ang spoon niya.

"Hey Yumi, iniisip mo si Callix right?" tumawa lang ako.

"Ano ka ba Bella, wala namang masama diba? I just miss him" napangiti siya.

"Well parte yan sa isang relasyon. Normal lang yan"  napatingin ako sa kanya.

"Bella, what happened ba kasi? May nakaaway ka ba? Tell me?" umiling lang siya.

"No worries Yumi. Don't mind it! I can handle my problem, ako pa ba!" napasinghap ako.

"Basta ha, kapag kailangan mo ng tulong, I'm just here for you, tawagan mo lang ako, rerescuehan kita" sambit ko

"What? Yumi? Seryoso? Alright then! Tawagan kita talaga kaya tuparan mo yan" tumango ako.

Nakarinig naman ako ng yapak ng paa pababa ng stare. Nakita ko si Cole na mukhang aalis.

"Ate, can I go outside? I'm going to buy something" Cole said.

"Hmm. Sure! Can you buy one box of pizza for us?" tumango lamang siya at bahagyang sumilip kay Bella na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Hinayaan ko na lamang si Cole na imaneho ang nakatabing car niya na bigay ni Tita Almie noong birthday niya.

Pinaghintay ko muna si Bella sa aking room, nasa bathroom ako ngayon para mag palit ng damit, hindi ko na rin kasi naabalang mag palit kanina dahil sa biglaang pagdating ni Bella. But I'm glad she's here para naman hindi ako maboring.

Kinuha ko ang phone ko sa bag and nakita ko nga na may text si Callix sa akin.

From Callix:

Good evening Babe, what are you doing? have you eaten?

Sa text pa lang niya kinikilig na ako, well that's me pagdating kay Callix, siya lang talaga ang nag paparamdam sa akin ng ganito. Kung pwede lang na laging ganito.

To Callix:

Callix. I'm doing well, Bella's here so yeah, we're going to chill up, and yup I'm done eating, actually kakatapos lang, good night!

Ayun lang at pinasok ko na sa bag ang phone ko, masaya akong lumabas ng banyo. Nakita ko naman si Bella na nakasilip sa bintana ko kung saan nakikita ang labasan.

"What's sup Bella, ano, tara sa baba?" tumango siya.

Inakay ko naman siya na parang bata. Nakita ko na rin si Cole na kakababa lang at dala dala ang pinabiling pizza.

Marguax Series 1: Just in Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon