"Ano na Yumi? Malalate na tayo!!" rinig kong sambit ni Klein.
"Ito na nga. Pakidala na yang maleta" tumango siya at nauna ng umalis sa kwarto ko.
"Dalian mo at baka hindi tayo makaabot sa flight natin!!" sigaw ni Klein.
Inayos ko pa ang earing ko at ang gusot na damit. Sinara ko na ang pinto ng kwarto ko at bumaba. Namataan ko naman si Klein na nag hihintay sa akin.
"Let's go" aya ko sa kanya.
"Anong oras ka ba kasi nagising? Alam mo namang ngayon yung flight natin pabalik ng Pilipinas tapos anong oras ka ng gumising" napairap na lamang ako sa sermon niya.
"What ever Klein. Napuyat ako kagabi dahil sa kakatext mo na agahan ko ang pag gising ko" pinatunog niya ang sasakyan niya.
"Excited lang ako okay. Matagal na rin akong hindi nakakauwi sa Pinas dahil hinihintay kita" napairap ako sa kawalan.
"Hmm. Sana nauna ka na lang pala kung nagmamadali kang bumalik saka ano ba? May asawa na yung babaeng mahal mo kaya wag ka ng umasa" napahinto siya at nag buntong hininga.
"Hindi naman ako umaasa Yumi. I told you naka move on na ako. As in tapos na ang pagkakagusto ko sa kanya" natawa na lamang ako sa kanya.
"Honestly Klein. Feel ko mahal mo pa nga eh" sinamaan niya ako ng tingin.
"Tara na nga at nag aanounce na oh" hinila niya ako at umupo na sa VIP seat ng kinuha naming flight.
Si Klein na ang nag ayos ng bagahe namin. Napapatingin naman ang ilang pasahero sa amin. Wala lamang akong pinansin.
Ngayon na pauwi na kami ni Klein after ng five years kong pamamalagi sa US and New York. Mas nag stay ako ng US since mas sanay ako doon at paminsan minsan bumibisita sa New York para kamusta si Tita Fremia. Sumama si Klein sa akin since may kakilala naman siya doon. Nauna na sila Tita at Cole last day dahil may inasikaso pa ako.
Ang pakiramdam ko lamang ngayon ay kabado at masaya. After five years makakauwi na rin kami ng Pinas and Im so happy about it.
Wala namang nagbago sa loob ng limang taon ko sa US.
Napasabak din ako sa modeling dahil si Klein mismo ang nag suggest na isali ako sa mga pageant. And yes, last year ko lamang nalaman na may pagkababae siya kaya pala magaan siyang kasama.
Naging commercial model din ako ng sikat na brand kahit papano nagkaroon ako ng saving para sa future ko kahit alam ko namang may perang inilaan ang parents ko para sa akin.
Pagbaba ko sa airport ng pinas. Nagbalik ang pakiramdam ko sa mainit na panahon. Maraming nag papicture sa akin kaya sumasabay na lamang ako kahit ayokong pinag titinginan ako ng mga tao.
Napapangiti na lamang ako sa mga tao na ngayon ay kumakaway sa akin. Hanggang dito pala sa Pinas alam nilang naging sikat ako.
May lumapit sa aking mga kabataan at nakangiti ako sa kanila.
"Miss Yumi, pwede po bang mag papicture?" I smiled at her.
"Yes, sure" napangiti sila sa akin.
"Thank you po. Ang bait niyo po talaga" dag dag niya.
"Welcome" sagot ko sa kanya.
Hinila na ako ni Klein dahil nandyan na ang SUV na susundo sa amin. Sinuot ko ang shade ko. Naalala ko pa ng bumalik ako sa Pinas dati para lamang sa walang kakwenta kwentang pag hihiganti ko kay Ace.
Napapatawa na lamang ako kapag naalala ko ang araw na iyon. Then naalala ko si Bella na nag hihintay sa amin sa expensive restaurant.
She texted me kung nasaan ako. I replied "Im on the way" sumulyap sa akin si Klein.
BINABASA MO ANG
Marguax Series 1: Just in Your Arms [COMPLETED]
FanfictionIs there's any chance that I fall in love again with another man? I met him while I was broke and doing the things called "revenge" to my ex. I'm one of the victim of that "Freaking Love" but when he came in to my life. I realized there's a hope, th...