14

23 1 0
                                    

-Back to current time-


Here comes another morning. I used to be eager waking up every single day, because I knew someone will be beside me, feeling the same way, feeling the same positive energy, with her. Now I despise morning, everyday. Because I have to face the reality that you are gone, you are not coming back and that I had to spend and endure another day without you. That I am alone. Araw araw kong tinatanong sa sarili ko kung deserve ko bang maramdaman ang ganitong klase ng sakit, worse than cancer, worse than dying itself. Sana nga, sana talaga, hindi na lang ako magising one day, sana magising na lang ako na wala akong maalala, sana matapos na tong paghihirap kong to.


"Hanggang kailan ka magiging ganyan Ace?", tanong ni Zack, siya ang palagi kong kasama mag bar, lumabas, pagsamantalang paglimot sa realidad ng buhay.


"Di ko alam, pare wala naman sa mundong ito ang hiniling na maging miserable sila, maging malungkot. Siyempre gusto ko din sumaya, gusto ko din kalimutan lahat ng nangyare, pero lahat yun hindi ko magawa. "Pare mahal ko talaga siya e, sobrang lungkot lang talaga.", at sumasakit nanaman ang lalamunan ko, di dahil sa mga iniinom kong alak kundi dahil sa pag pigil ng mga luhang nagbabadyang umagos nanaman.


"It's all in your mind. Ace, hindi lang siya ang babae sa mundo." sabay inom ng alak.


"Pero siya lang ang gusto ko sa mundong ito.", pag kakasambit ko habang pinunasan ang luhang muntik ng may makakita. "Alam kong sawang sawa ka ng makinig ng mga kadramahan ko Zack, and believe me, I really want to get over this, if I can do it in an instant, talagang ngayon pa lang nagawa ko na. Pero hindi e, ayaw ng puso ko talaga. Siya pa rin yung hinahanap e, pare iba to sa mga previous kong naranasan talaga. I never thought that this really would hurt that much."


"Hindi mo ba naiisip o iniisip ang sarili mo Ace? Come on man, if you would really think about this.."


And that's it, napuno na ako. I stood up, anger boils down through my veins and feeling the adrenaline building up inside me."THAT'S THE PROBLEM ZACK! I DONT THINK, I FEEL, WAY MORE THAN THINKING." hindi ko na napigilan, kahit mismong bestfriend ko, nasigawan ko na, yung nag iisang tao na lang na umiintindi at nakakasama ko. "Sorry Zack, I just don't know what to do and feel anymore. Sobrang sakit na nakakamanhid na at nakakawalang gana mag kikikilos. Sorry pre."


"Okay lang naman yan Ace, I mean normal lang naman sa isang tao ang pagdaanan ang ganitong phase ng buhay nila. Ako, nag daan din naman ako sa ganyan, kaya naiintindihan kita, Ace just take your time and deal with this step by step. Ilabas mo na lahat ng ilalabas mo, feelings, anger, tears, sadness, lahat lahat. Then saka mo iprocess ang sarili mo, start with thinking Ace, isipin mo, bakit ka ba niya iniwan? Bakit ka ba niya naipagpalit? Bakit bigla na lang ganun yung nangyari? Wala kasing mangyayari kundi ka din gagawa ng step para may mangyari. Sana naiintindihan mo ako pre, if you really want to move on, the first thing you should do, is to step."


Lahat ng sinabi niya tama, tagos sa kauluwa. Bakit nga ba ako kasi nagpapakamiserable? Habang siya e nagpapakasaya, living her life to the fullest? Sobrang nagiging unfair na ako sa sarili ko. It's been a while, siguro panahon na din para isipin ko naman yung sarili ko, yun na lang din kasi ang kaya kong ibigay at patunayan sa sarili ko, respeto at oras. Ngayon na yun.




-Flashback-

StillWhere stories live. Discover now