"Bumalik ka dito Lot-lot!" pag sigaw ko habang hinahabol si Charlotte. Kinuha niya kasi yung tri-square na gagamitin ko sana sa drawing para mamaya. Ewan ko kung ano nanaman ang problema nitong lokaret na babaeng to at ako nanaman ang napagtripan. Sigh.
"May kasalanan ka sakin Ace, either you say sorry or I'll break this thing into micro pieces!"
"At pano naman ako nagkaroon ng kasalanan sa'yo? Tinulungan lang naman kitang makilala ka ng Crush mo e, anong masama dun? Ikaw lang 'tong nag iinarte. Akin na yan! Mahal ang tri-square ngayon, palibhasa kasi ang yaman-yaman mo."
Agad siyang lumapit sakin. Nawala ang ngiti sa mga labi niya habang naglalakad papunta sakin. Patay ako nito.
"Ace, sa'yo ko pinagka-tiwala yung sikreto ko, bakit mo sinabi ng bulgaran sa klase? Sa harap pa ng maraming tao? Okay lang sana kung ibang set-up ang gagawin mo para makausap ko si Mike, pero hindi e, pinahiya mo ko."
"Ito naman. parang maliit na bagay lang naman yun, tsaka tropa ko naman din na si Mike kaya I'm sure..."
"Hindi mo ko maintindihan!" padabog niyang inabot sakin ang T-square at saka nag walk-out. Sinagi pa yung balikat ko. Seriously though, what's the big deal kapag nalaman ng crush mo na crush mo siya? Ang weird lang. Hindi ko makita yung essence kung bakit kailangan niyang magalit, tinulungan ko lang naman siya. Di ba that's what friends are for? Hmmm. Best friend ko na ngang matuturing yung babaeng yun e.
We became friends way back 5 months ago, nakita ko kasi siyang umiiyak nun habang naglalakad ako papuntang library. Iyak siya ng iyak that time, ang reason? She found out that she was adopted. Siyempre nagulat na lang din ako para sakanya, at kasabay ng pagkagulat ko e ang pagkagulat naman ng inner self ko. Nakwento niya saken ang isa sa pinaka private secrets na pwedeng malaman ng isang tao. Hmmm, that time hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung pano at bakit niya shinare sakin yun. Problem is, I'm not a good keeper. Lalake ako e, madaldal ako sa tropa, kapag napagkwentuhan ka namin, lahat ng mapansin namin sa'yo e paguusapan namin, with matching pasigaw na mura pa. Pero yung sakanya. hindi ko malabas, kasi, errr, ewan ko. Natatakot akong mawalan siya ng tiwala saken. Kaya ayun, secrets are a very big deal for me. Sana, sana lang talaga in the future e wag ko ma spill out yun. Siya lang kasi ang nagiisang babaeng close ko talaga, yung lalakeng lalake ang tingin ko sakanya, at vice versa naman nun e kung ano ako sakanya, i think. Napaka komportable ko sa kanya sa halos lahat ng bagay. Galing nga e, di ko akalaing makakahanap ako ng ganun. Anyway, kailangan kong magsorry, kasi nga lalaki ako. Na kahit hindi ko alam kung anong nagawa ko e mag sosorry na lang ako para matapos na. Di ko rin kasi matitiis yun for sure, hahanap hanapin ko na lang din yung babaeng yun. Napag kakamalan na nga akong bading kasi lagi ko daw kadikit yun, worse naman e napagkakamalang kami. Which is I think hindi mangyayari, mas gusto ko yung ganito kami, at hindi ko naman naiisip na maiinlove ako sakanya. At nasaan ka na ba kasi yung babaeng yun?
Lakad ako ng lakad pero hindi ko siya mahanap, matatapos na vacant namin at may pasok pa kami para sa last subject naming drawing. Hinanap ko siya sa Library, Canteen, specifically sa buong CIE building pero wala siya.
"Nasaan ka na bang babae ka? Bwisit!"
Hindi ko na siya hinanap, bumalik na ko sa kwarto ng nakasimangot. Tsss. Sa sobrang liit na bagay, kailangan mag wala-walaan. Nakakabwisit.
"Ace, si Charlotte nasaan?" tanong ni Nina, classmate namin.
"Hindi ko alam! Bwisit!" napadabog ako nang hindi ko namamalayan, "Shit, sorry Nina, hindi ko rin kasi alam kung nasaan siya e."
"Okay lang. Ikaw kasi e, napaka insensitive mo. Papasok din yun. Sana. Hahaha."
Asar, nasaan na ba kasi yung bipolar na yun? Tsk, maguumpisa na yung klase wala pa din siya. Pero teka, anong ginagawa ko? Bakit ako nag aalala ng ganito? Nasa school lang naman yun for sure, siguro. Badtrip, dumating ka na dito Charlotte, nang makapag public apology na ako.
~~~~~
Natapos ang Drawing, hindi siya pumasok, hindi siya nag pakita. Buong class period akong hindi nag salita, taimtim lang na naghintay, nagisip, nag muni muni. Umasa, umasang papasok ka at maayos ang dapat ayusin, pero hindi ka nagpakita. Nasaan ka na Charlotte? Bakit mo ginagawa to, dahil lang sa isang simpleng bagay, bakit?
Chineck ko ang phone ko, naalala ko, may cellphone pa pala ako. 15 missed calls. Lahat galing sa kanya. Tumaas ang balahibo ko, napa tayo ako sa pagkakaupo ko, agad kong chineck kung anong oras ang huling entry, 25 minutes ago, kaya pa. Tinawagan ko siya habang naglalakad, ngunit hindi siya sumasagot. Dahil wala ng klase, nagmadali akong lumabas ng campus para puntahan siya, ang una kong naisip, sa bahay na talaga.
Ring. Ring. RIng. "Shit, sagutin mo naman Charlotte please, nag aalala na ako. Please." pagbulong ko habang kasalukuyang tinatawagan ang kaibigan.
"Hello?"
"Lot! Nasan ka? Bakit hindi ka pumasok? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita? Nasa..."
"Ace, 'wag na, sinundo ako ni Papa sa school kanina, tumatawag ako sa'yo pero hindi ka sumasagot, yung Lola ko daw, nag aagaw buhay na sa Canada, we have to leave as soon as possible, ipapaalam ko din sana sa'yo kaya kita tinatawagan kanina pero hindi mo sinasagot. Pabalik na kami ng bahay ngayon para kunin yung gamit namin tapos diretso na kami ng airport. Ready na rin ang flight namin kaya nag hahabol din kami sa oras, sorry kung ngayon ko lang nasabi."
"Okay lang Lot. Errr. I'll pray for your Lola. And Charlotte, sorry sa inasal ko ha? Papunta rin sana ako ng bahay niyo ngayon kaya lang nag mamadali ka din pala, pagbalik mo na lang ako babawi ha? Tsaka pasalubong na rin. Hihihi." tumawa na lang ako pakunwari para maging magaan na yung aura pero mukhang hindi rin effective.
"Pag balik ko na lang ieexplain sayo kung bakit nag ka ganun din ako kanina. Sorry din sa inasal ko, uy, PM na lang kita sa FB ha? Dito na kami sa bahay, dire-diretso na din kami kikilos, pasensya na, ingat ka palagi Ace. Pagbalik ko na lang."
Nalungkot ako bigla. "Uhmm, Charlotte?" at kinabahan sa hindi malaman na rason.
"Hmmm?" pag abang ni Charlotte.
"Ma... Mag ingat ka. PM na lang. Ge!" at tinapos ko na ang conversation. Nalulungkot ako. At hindi ko alam kung bakit ang bigat sa loob. Ano 'to?
No. This can't be...