4

49 0 0
                                    

4

While being dragged back by this Matandang Professor. I wander in silence, pero nagsusumigaw ang isip ko sa mga nangyayari. Una late ako, pangalawa, yung mga nakilala kong mukha, hindi ko pala tunay na mga kaklase at yung pangatlo, siya, si Ms. Glasses. Nasayang lahat ng effort ko dun sa pagpapakilala ko kanina. Sigh, kung tyinagaan ko pa sana maghanap ng classroom kanina e maayos sana akong nakarating sa TUNAY na magiging classroom ko. Sigh, ano nanaman kaya ang naghihintay sakin sa susunod na room. panibagong mukha, panibagong pakikisama. Tae, ang dami kong arte, pero kasi iniisip ko lang naman yung mga pwede at hindi na pwedeng mangyari samen ni Ms. Glasses e, teka, bakit ko ba siya iniisip ng ganito? Eh hindi niya din naman ako iniisip, o baka naman mali din ako? Baka naman... GWAAAAAAAARARARASDKADJOIWDJASKLDJSALKDJWDAS! Ayokong magisip muna ng ganun, Ace, makinig kang mabuti ha? Wag mag assume ng LOVELIFE, nandito tayo sa school para mag aral, MAG ARAL. Okay. Okay na. I'll just ready myself for the nex...

"Nandito na tayo hijo." agad na naputol ang paguusap namin ng pogi kong pagiisip dahil sa pag bulong ni Matandang Professor

"Pasensiya na po ma'am at naligaw ako, hindi po kasi ako umabot sa Freshmen Assembly kaya hindi po ako na inform kung saan ang magiging room at kung sino ang magiging professor ko. Pasensiya na po talaga ma'am."

Mula sa kanyang pagkakatalikod ay humarap siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakataas ang kilay at bahagyang lumapit sakin at bumulong.

"Hijo, sa klase ko, no excuses at bawal ang tanga. Ngayon, kung sa unang araw mo pa lang ay bibigyan mo na ko ng mga pinagbabawal ko, I strongly suggest na mag drop ka na at umuwi na lang sa inyo. Ngayon, dahil freshman ka pa lang ay palalagpasin ko ito, pero, kapag nangyari ulit ito, sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang pangalan ko, nagkakaintindihan ba tayo hijo?" pabulong niyang sinabi sakin pero gumuguhit sa utak ko ang ang bawat salita nito.

"O... Opo ma'am, pasensiya na po ulit. Maraming salamat po. Hindi na po mauulit." nanginginig kong pagkakasambit habang nakayuko.

May discovery nanaman ako, ganito pala sa college, hindi na uubra yung patigasan, pakulitan at paangasan di tulad sa high school. Pag trip ng guro mo na ibagsak ka, ibabagsak ka talaga. So standard. Sigh. Wala na lang akong nagawa kundi sumunod sa kanya papasok ng room.

"Okay class, I've found our missing link. Behind me is the very example of a student whom I may hate the most. So, for all of you to know, just like I've said a while ago, I don't tolerate Stupidity."

Tahimik ang buong klase, ang room, akmang akma sa tagapangalaga nito. Maramng agiw, butas butas ang bintana, yung tipong mga tatlong lindol na lang e guguho na ang buong room. As for my classmates, lahat sila tahimik din at animo'y mga homies ng isang Gang leader. Ayoko maging isa sakanila, kaya napagpasiyahan ko na doon pa lamang sa pinto ang mga sasabihin ko.

"Hi! Sorry sa inyong lahat at lalong lalo na sa napaka gandang professor natin. Nagkamali kasi ako ng room na pinasukan kanina at akala ko dun na talaga ako mapapasama sa kabilang klase. Ako nga pala si Ace Vincent Eugenio. 16 years old. I hope we could learn a lot together at the same time, have fun while learning under the supervision of Ms. Arawan. Ma'am sorry po for the last time."

Agad namang nabuhayan bigla ang mga nasa harap ko ngayon at pumalakpak, mukhang naengganyo sa pambobola at pagbibigay liwanag ko sa mga bagay bagay. Para kasi talaga silang mga, wala lang, yung tipong bored na bored na talaga, yung mga sampung oras ng nakikinig pero walang chance makapag salita, mukha silang ganun kanina, pero ngayon, mga nakangiti na sila at parang nakakuha ng sunflower mula sa plants vs. zombies. Natuwa naman ako para sakanila dahil nagawa ko yun, pero katulad nga ng paniniwala ng mga matatanda sa paligid, Huwag maging sobrang saya dahil katuwang nito ang sobrang pagkakalungkot o pagkakadismaya.

"Mr. Eugenio..." agad na napawi ang mga ngiti sa aking mukha dahil medyo alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Umupo ka na doon. (Turo ng direksyon ng bakanteng upuan sa bandang dulo) And by the way Mr. Eugenio. You are on my watch list. YOU WILL NOT TALK, EVER, IN MY CLASS UNLESS YOU ARE REQUIRED TO DO SO. Are we clear about this?"

"Y..Yes ma'am." bumalik nanaman si 9 year old Ace na inagawan ng bola at inuwi kaagad sa bahay dahilan upang umupo sa isang dulo at umiyak, pero metaphor ko lang yun.

"Good. Now sit!"

And by that, she takes over. Hindi ko alam kung anong sumpa meron dito sa matandang to e, hindi niya ba alam na life is too short para magalit sa mundo? Pero naalala ko, "MS." Eulena T. Arawan, the word "MS." defines it all. Now I know. And I flashed a wicked grin as I walk towards the vacant seat.

"Galing mo dun men ha? Saludo ako sa'yo. Ako nga pala si Charlotte." binulong sakin nang soon to be seatmate ko. Nag thumbs-up na lang ako.



"Oo nga pala. Bawal ka nga pala magsalita. Hahaha. Ace huh, nice name." She offers a hand gesturing a hand shake. I immediately grab it as I look into her eyes and smile. By then, I've found a friend.

StillWhere stories live. Discover now