2

62 2 0
                                    

2

"Hi Ace!" nakangiti niyang pagbati pag tapos niya akong kawayan. Ganun na lang yun? After 2 years natin na hindi pagkikita, ganun na lang lahat? Mauuwi sa isang casual na bati at pagiging strangers. Malungkot ako pero hindi ko pinakita, tila bang lahat ng tama ng alak sa katawan ko ay nawala. Puso at isip ko ang naguusap ngayon pero I had to return the favor. Baka sabihin niya bitter ako, kahit totoo naman.

"Hello Charlotte. Uhh… Anong ginagawa mo dito?" ang dami kong gustong sabihin, itanong, isumbat, iklaro. Pero mas pinili kong ipasok na lang yun sa utak ko hangga't kaya ko.

"Ang dami kasing tao sa CR, pang block buster. So nagtanong ako kay Calla and she pointed me in here. Di niya nasabi na nandito ka pala."

"Oo nga e. Pauwi na din ako, at di niya sinabi na nandito ka rin. Sige na, gamitin mo na yung CR, lalabas na rin ako ng kwarto." pagiiwas ko ng tinging sinabi.

"Huwag ka munang umalis Ace, hintayin mo na ko." pagtapos ay dumiretso siya ng CR.

Tama ba yung narinig ko? Pinaghihintay niya ako. Eto na ba yung isa sa mga signs? Hihintayin ko ba siya? Maguusap na ba kami for another chance? For another us? Sana. Pero hindi ko alam kung pano maguumpisa ulit. Kung pano namin uumpisahan ulit ang buhay namin dalawa. Tae. Napaka future thinker ko, pinaghihintay lang ako, balikan agad ang nasa isip ko. Sigh. Pag asa, napaka effective na lason para sa mga nagmamahal at nagpapaka martyr.

At eto ako. Nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa kwarto at hinihintay lumabas si Charlotte. Bakit kaya niya ako pinaghihintay? May paguusapan pa ba kami? E nangyari na ang mga dapat nangyari. Nakasakit na ako, nakasakit na rin siya. Marami na kaming taong nasaktan bukod sa isat isa. Hmm. Bakit nga kaya? At sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay lumabas siya. Ganun pa rin siya, maganda, yung ngiti niyang kayang magpasaya ng tao. Mabait pa rin siya. Yun naman yung ayaw ko e. Siguro kung masamang tao lang si Charlotte, mas madali akong makaka move on. E ang kaso. Ang bait niya. Kahit hindi niya kilala masyado yung isang tao. Lumalabas yung kabaitan niya. That's why ang daming na fafall sakanya. Tsss.

Para san pa tong pag angal ko kundi ka naman na sa akin. Bwisit.

"Sorry to keep you waiting."

"It's okay, uuwi ka na din ba?" pinipilit kong hindi sambitin ang mga iniisip kong mga salita.

"Uhmm. Hindi pa naman, kasabay ko naman si Glad tsaka si Ella. God knows where those two are. Hahaha!"

"Ahh, okay. Alam na yun, girls thing." i smiled at the thought. Hindi pa rin sila natitinag. Ganun pa rin sila. Masiyahin.

Si Glad at Ella. Best friends silang tatlo, magkababata na sila at hindi nag hihiwalay sa school. Not until nag college sila, si Glad, sa LPU nagenroll at na admit (Lyceum), si Ella naman ay sa AdU (Adamson) at si Charlotte, sa TUP.

"Sorry medyo natagalan. Tara?" pag aaya sakin ni Charlotte na lumabas ng kwarto.

"Saan tayo pupunta? Tsaka bakit?"

"Gusto ko na din sanang kausapin ka tungkol sa mga nangyari sa atin. I know I sound dominating but please, kahit ngayon na lang. Huli na to. Please?"

Tumango na lang ako at sumunod. I'm trying to sink in my small brain what's really happening. What's going to happen and how will I react to it. Absent-mindedly, we reached the outside part of the house, where everything is silent and the only thing that we can hear is the sound of the streaming water from the fountain. Hindi ko pala nabanggit na mansion ang tinitirahan ni Calla, oo, mansion talaga. Literal, and I'm still amazed by it after all of this time being an acquaintance of her.

Her voice then broke the silence.

"I'm glad hinintay mo ako Ace." bakas sa tinig niya ang pagiging grateful kasunod ay ang pag ngiti niya saken. There is something in her eyes, maybe it's sadness or regret? I don't know pero it made me worry.

"Anp drama mo naman dun Charlotte. Hahaha. Syempre naman hihintayin kita. Parang wala naman tayong pinag-..."

"Sorry Ace."

She cut me mid sentence and then it hit me. She wasn't talking about me waiting for her this evening. It was something else. Something deeper. Sadder.

"Is this what I think it is Charlotte?" small particles of water starts to form in the corner of my eyes. "Why?" i said with anger and sadness.

"Alam ko kung anong pinagdaanan mo this past two years, sinara mo ang puso mo sa lahat ng tao. I know because I was the one who build you up and tear you down. I'm sorry Ace, I'm so sorry pinaasa, napa asa at umasa ka. Ako din umasa, sa atin dalawa. Na dadating pa yung time natin. Na mabubuo muli tayo bilang isa, with both of us better at everything. Umasa din ako Ace." she was crying. Guilt and sadness both present as she stares into my eyes. "Ace, lagi mong tatandaan, na habang buhay kong dadalhin ang pagsisisi sa puso ko, I have to deal with this. Pero sana wag mong kakalimutan, na kahit anong mangyari, walang makakatumbas ng pagmamahal na ibinigay ko sa'yo, wala kahit na sino Ace. My love for you is unconditionally true and pure. Mahal na mahal kita Ace, and by this, I should now let us go. Let our hearts accept that we cannot be together anymore. Not in anytime of our current lifetime. Again, Ace, I'm so sorry from the bottom of my heart. I loved you so much. Loved you in every possible way I can affect and show you. Sana mapatawad mo ako, this will be our closure. It's for the best for both of us."

And by that she stood up and ran towards the crowd. I couldn't see her anymore, hindi ko alam kung dahil ba sa dim ng ilaw sa paligid o dahil sa mga mga luhang pumapatak ngayon saken. Wala na kong nagawa kundi pag masdan siyang tumakbo palayo sa akin, without looking back. No words can describe how much pain and sadness I'm feeling right now. Wala na lang akong nagawa kundi ilubog ang mukha ko sa dalawang palad ko at yumuko. Hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ng kalungkutan.

StillWhere stories live. Discover now