6

28 0 0
                                    

        Isang buong sem hindi bumalik yung bestfriend kong baliw, sabi niya tatawag daw siya, sabi niya mag PPM siya sa facebook, sabi niya kokontakin nya ko as soon as makarating siya dun ng maayos, pero 3 buwan, 3 buwan akong naghintay, 3 buwan kong tinadtad ng mensahe ang facebook niya. I even tried to look her up into google para mahanap siya sa kahit anong account niya sa kahit isa man lang sa mga international social media websites. Pero wala, bigo akong hanapin siya, anong nangyari? Bakit nag ka ganito? Tang ina naman. Ayoko na ng ganitong feeling.


        *Tap sa likod* "Uy Ace, ayos ka lang? Ikaw na susunod, medyo di maganda yung mood ni Ma'am Barbie kaya umayos ka. Good luck sa pag kuha ng class card!" pag kakasambit ni Claire.


        "Salamat Claire, ayos lang ako. Teka, kokomprontahin ko na ang kapalaran ko kay Ma'am, see ya later!" I waved back with a fake smile as I enter the room.


        Naging magkaibigan din kami ni Claire (Ms.Glasses) since parehas kami ng course pero magkaiba kami ng section. May mga subjects na magka block kami kaya ayun, nagkakaroon kami ng communication, honestly speaking? Ganun pa din yung nararamdaman ko sakanya since day 1, first crush. First heartbeat. Pero unti-unting nag iba ngayon, parang nawalan ng kulay yung college life ko bigla dahil sa pesteng Lot-lot na yun. Hindi naman sakanya umikot ang mundo ko nun, basta, may kulang talaga nung nawala sa eksena yung panget na yun. Ayan, binabadtrip ko nanaman sarili ko. Sigh.


        "Congratulations, you passed my subject Mr. Eugenio. Sana pagpatuloy mo yung performance mo next sem, sigurado akong may mararating ka in the future." Ma'am Barbie proclaims as she was smiling brightly. Di ko alam kung fake smile ba to dahil lagi ko naman nakikitang ganito yung ngiti niya, then within split seconds e parang bubuga ng apoy sa sobrang galit. Iba ang mood swing ni Ma'am Barbie, pero isa siya sa pinaka gusto kong Professor sa campus. Mabait siya kapag sinunod mo yung mga gusto niyang mangyari and iintindihin ka niya as long as she cans, she will even consider your reasoning and correct you if you were wrong. Pero ang ayaw lang ni ma'am ay yung isang bagay, yung taong hindi gumagamit ng Common Sense. Dun ako nabilib, at the same time natakot din dahil madalas, nawawala ang CS ko.


        "Thank you Ma'am. Hayaan niyo po, kahit hindi niyo sabihin, gagawin ko pa rin po, Maraming salamat po ulit and sana, maging prof ko pa po kayo sa mga susunod pang professional subjects." Pagsasabi ko habang nakatingin 1.5 na nakabilog sa class card ko mula sa kanya.


        "Don't mention it Ace. By the way, any news about... her?"


        She just dropped the big question. "As of now ma'am, nothing, I tried every possible way that I can pero I can't get through her. It's as if something is keeping her away from here, from us. Pero di ko po alam ma'am, wala po talaga akong idea." pati si Ma'am Barbie na nanay-nanayan niya dito sa campus e natural na nagaalala, Sila kasi talaga yung close, and since lagi kong kasama si Charlotte, e nadamay na din ako sa bond nila, pero hindi kami  yung tipo na tinatawag nilang teacher's pet, we're all just like a family outside of the classroom pero studyante niya pa rin kami sa loob nito.


        "Sigh, I just wish everything is fine for her. Anyway, I won't keep you long enough, Good luck Ace, you better tell me when there is an update to her, okay?"


        "Yes ma'am,  that would be my pleasure. Thanks and have a great day." I smiled as I leave the room.


~~~~~~~~~~~~~~


        "Ang galing mo talaga Ace, kaya minsan sa'yo ako e. HAHAHA!" pag tawa ng malakas ni Claire, kala mo hindi babae e.


        "Tsamba lang, ikaw nga 'tong naka 1.25 tapos pinapaeksena mo pa ako. Tssss." pagkakasabi habang kumakain ng spicy tuna roll.


        Madalas na kami kumain ng sabay, umuwi ng sabay nitong si Claire, and I see nothing wrong with this. Parang casual eat out lang ng tropa, ganun din naman siguro yung tingin niya saken, tropa. Tropa lang. Sigh. Nakakatuwa din minsan isipin na wala talaga sa hitsura nababase ang characteristics ng isang tao. Biruin mo, mas nakakaraming kaen pa to saken, kung baga pag kumain kami sa Mang inasal, ako maximum ko 3 rice lang, siya nakaka lima at kalahati. Walastik, kaen construction worker. Pero hindi naman tumataba, lakas kasi ng metabolism nitong babaeng to, hanga talaga ko dito. Bukod sa matalino, wala rin ka arte arte sa katawan, yun nga lang she's too perfect to be with me. Atleast that's what I think.


        "Are you staring at me again? You know sometimes, I wish I had the gift of Edward Cullen, para nababasa ko kung anong iniisip mo ngayon. Ano nga ba ha? Ha? Ha?" pagsususpetsya ng babaeng to habang dinuduro sa mukha ko yung tinidor na may naka tuhog na hotdog.


        "Wala naman, bilib lang talaga ako sa'yo, hindi ako makapaniwala NBSB ka. I mean you are a perfect match for an ideal girlfriend. Unbelievable talaga." pagkakasambit ko habang inuubos ko yung Dark Mocha Frappuccino ko.


        "Eh sa wala e. Kahit ako nga minsan nalulungkot na din e, kasi kahit gusto ko yung isang guy, wala naman silang guts para komprontahin ako. Eh pano naman magkakaroon ng something kung hindi naman sila maglalakas loob mag confess, alangan naman ako pa ang lumapit? Aba ang swerte niya! HAHAHAHA"


        Ibang klase talaga. "Did you know you were my first type ever since I entered this campus?" hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang nasabi yun.


        "Are you hitting on me right now Mr. Eugenio?"


        Challenge accepted. Flirt mode on. "Is it effective? Do you want me to?"


        "Sapakin ko mukha mo e. Lika na nga! Sabi ko sa'yo bawas bawasan mo ang pag Da-dark Mocha eh! Ang itim itim mo na nga, yan pa iniinom mo, at kung ano-ano pa yang nasasabi mo. Uwi na tayo."


        "Scared. Owkeeeyyyzzzz." conversation over, we stood up and left the building.


        "Pero Claire, know that I am not joking as I say those words. It's true, you can even ask Cha..." then it hit me, Charlotte was missing in action ever since that freakin' incident.


        "Heh. Tumigil ka. LIKA NA!" I swear I saw something in her that seems, weird.


        I'll let this go, for now...

StillTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang