Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng puno dito sa luneta. Ang korny no? Luneta Park, this is supposed to be a lover's nest but here I am, mag isa, nakatingin sa mga naglalakad na mag kasintahan habang magkahawak sila ng mga kamay, patungo sa kung saan. Isa rin ito sa mga weird hobbies ko, bukod sa tekken, ang magmasid ng kapaligiran. Nakaka tuwa ngang isipin e, sa dami dami ng pwedeng gawin, mas gusto ko na lang mag isip, mag muni-muni habang pinagmamasdan ang paligid.
"Pre, di ka ba papasok? Nandito na si Sir Castro. Text back agad pre, para alam ko kung ano dadahilan ko." - Zack
Nabasa ko yung text, pero di na rin ako nakapag reply, bukod sa wala akong load e wala rin talaga ako sa mood makipagusap sa tao at mag aral. Pakiramdam ko kasi, wala naman akong maaabsorb sa klase, ayokong pumasok ng hindi ako magaaral. Nakakatuwa din isipin na nag aalala din sakin tong mokong na to. Si Zack ang una kong naging tropang lalake sa College, astig din to, happy-go-lucky. Di mo makikita sa personality niya na mayaman siya, minsan niyaya ko yun mag bar sa U-belt, ayun, wasalak din, pero di siya ganun kalakas uminom, naka dalawang case lang kami nun, tapos 4 lang kami ni Mike (tropa from another course and Ultimate crush ni Charlotte), Si Calla (classmate ko) at si Zack. Nakakatuwa yung mga nangyari nun, di ko mapigilang hindi mapangiti kapag naaalala ko yung mga nangyaring yun:
-Flashback from Flashback-
Pumuputok na ag tama ng Red Horse at mga musikang sobrang ingay dahilan para hindi makipagusap kundi mag sigawan sa isa't-isa.
"Naku po, baka pag nakita mo kong mag basketball, malaglag panty mo Calla? Hahahaha!" pasigaw na pagmamalaki ni Zack.
"Ang kapal naman ng hininga mo brad. Hindi porket varsity ka ng Basketball Club e, mapagmamayabang mo sa mukha ko yan. Tandaan mo, hindi lahat ng babae, gusto ang basketball! Bukod sa amoy pawis, nakakadiri pa yung mga wet look niyo. EEEWWWW. Buti sana kung si Daniel Padilla, kahit pagpawisan pa yun, ako pa ang magpupunas. Hihihi!" sabay inom ng red horse, bottoms up. Walang hiya, parang hindi babae kung uminom ang isang to, hindi ko sukat akalain na ang lakas pala nito sa inuman.
"YUUUUUCKKKKK! DANIEL PADILLA?!" sabay sabay kami nila Mike at Zack na nagreact.
"Bakla yun." sambit ni Mike.
"Gustong gusto niya maging katulad si Robin pero di niya namamalayan na nagmumukha ng Rustom yung personality niya. Hahahaha! One of these days, aamin din yun!" pag dedeklara ni Zack habang inuubos ang iniinom na beer.
"ULTRA TALENTED yun si DP (Daniel Padilla). Panoorin niyo yung music video ng prinsesa na binaboy niya, grabe siya kumanta dun. HAHAHAHA" ako habang ngumunguya ng sisig na matigas pa sa gulong.
"Alam niyo, kayong tatlo, hindi niyo lang matanggap na ideal man talaga si Daniel Padilla, mga insecure lang kayo mga loko. GO TO HELL WITH YOUR JEALOUSY. HAHAHAHA" pag yayabang ni Calla kay DP, kala mo close sila e.
"Whatever. Mapapatunayan ko din sayo someday na hindi lahat ng nakikita at nababasa mo sa isang tao, siya na yun. Not everything you see, is actually what you see. You'll see soon enough." pagsasabi ni Zack
"Para kay DP?" pagtatanong ko, wala, sasakyan ko na lang to, susuportahan ko na lang din si Daniel Padilla ni Calla.
"Para kay boyfie!" Calla
"DP" Mike
"...(raised his glass without any expression at all, face blank while staring at Calla)" Zack
"Okay!" pagkaubos ko ng bottoms up na yun, hindi ko na alam kung anong nangyaring kasunod, nagising na lang ako. nasa kwarto ko na ako, di na ko nakapag palit ng damit at amoy bisyo na ako. Astig, ganito pala yung pakiramdam ng hangover, basag basag yung senses mo, feeling mo di ka naligo ng isang linggo at gustong gusto mo ng basagin yung ulo mo sa sobrang sakit.
-End of Flashback from Flashback-
Natawa na lang din ako ng hindi ko namamalayan. Sa kanila ko first time naexperience ang malasing. Masarap din pala sa feeling, at parang gusto kong uminom ngayon sa hindi malamang dahilan. Sobrang lungkot? Sobrang nasasaktan? Pagod ng humabol sa mga taong kailanman ay hindi ka naman lilingunin sa kanilang pagkakatalikod? Sigh. Tumingin na lang ako sa langit at sinaksak sa dalawang tenga ang earphones ko. Volumes up, ignore the world ika' nga. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit kailangan ba natin masaktan? Oo, matatanggap ko na if it's for the sake of experience, siguro once, okay na e. Pero hindi, yung paulit ulit, yung mararamdaman mo na lang na bago mo pa lang umpisahan yung isang bagay, alam mo na sa sarili mo na hindi ka mananalo. Na matatalo ka, kahit anong alternatibong paraan ang gamitin mo, kahit anong paraan ang maisip mo, kahit ano at ilang paraan pa ang maisipan mong iapply sa sarili mo, matatalo ka pa rin sa huli. What's the point in trying again, if in the first place, the outcome is already settled? Shit.
Pumikit na lang ako at pinilit ishut off ang mga naiisip ko pero hindi ako nag wagi.
"Excuse me kuya, pwede ko bang mahiram yung MP3 mo?"
Minulat ko ang mga matang nag babadya ng maglabas ng tubig, at sa pagkakamulat ko nito, hindi ko na napigilan, hindi ko alam kung kailan, kung paano, at kung bakit. Kusa na lang umagos ang luhang pigil na pigil. Nginitian ko ang taong nang hihiram sakin ngayon ng mp3.
"Okay lang, pero kasi baka hindi mo magustuhan yung mga tugtog?"
"Hindi naman ako maarte sa sounds kuya, besides, alam ko naman ang mga tugtugan mong secondhand serenade, dashboard confessional at kung ano-ano pang ka-emohan shits, just by looking at you. Kulang na lang mag eye-liner ka at mag kulay ng buhok para complete package na. HAHAHAHA"
"I miss you too, Charlotte."