Umuwi akong hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Isa na siguro ito sa mga pinakamasayang araw sa pagkabuhay ko. I mean, nagkaroon na ako ng girlfriend, pero way back high school pa. Siguro naman matured enough na ako to show and express true love. Siguro I know love way better now..
And as I walk into my room, I still can't believe what happened earlier, I got myself a girlfriend, and she was not any girl, she was my best friend, and I think this is the still one of the best things that I can never get over with easily. I am dead serious about her and she knows it, or I hope she do know. I lay down on my bed scourging at my phone and a text message came up, it was from her.
"I've got to talk to you tomorrow, please come early at school. Thank you and Goodnight. - Charlotte.", there, I can sense that something different will happen later, so inunahan ko na din ang sarili ko. Kasi minsan, madalas talaga akong maniwala sa instinct ko, then I replied.
"Okay, restwell and thank you for this day. Goodnight and sweet dreams, see you tomorrow.", hindi pa din maalis ang kaba sa dibdib ko, sana lang makatulog ako nito.
-The following day-
"Good morning Charlotte.", I came really early, early enough para maunahan siya sa mismong kitaan namin. Ayoko din kasing malate at maging iresponsable sa unang paguusap namin bilang mag kasintahan. And as she walks, I promise, I can feel the time hanging. Talagang literal na tumigil ang lahat ng tao sa paglalakad, nawala lahat ng ingay sa sorroundings nung nakita ko siyang naglalakad papunta sa akin. Kahit ako na aamaze sa mga nangyayari, pero as much as possible, hindi ko na lang din masyadong pinahalata. Sobrang ganda ng umaga na ito para sa akin, pero alam kong may dapat din akong linawin sa mga kaganapan kahapon. Kailangan maging klaro ang lahat sa amin, maging maayos, maging seryoso..
"Good morning Ace, kanina ka pa? Sorry ha, medyo na trapik kasi ako on the way."
"Ang aga-aga nag sosorry ka, wala yun Charlotte. You look good today." Seryoso kong pagkakasabi.
"Thank you, I'll go straight to the point, Ace I don't think.."
"Charlotte, I really really like you. ", hindi ko na muna siya pinatapos magsalita dahil alam kong gusto niyang iprocess mag isa lahat lahat ng nangyari kahapon, and by means of processing, she doesn't want me in there while she does it. "Now I know I may sound rude in doing this, pero alam ko na gagawin mo to, sa text mo pa lang, ramdam kong gagawin mo na to. Alam ko naging masyadong mabilis at padalos dalos ang galawan ko, yung tipong parang hindi seryoso, pero sana malaman mo na seryoso ako in every way that I should. Totoo yung nararamdaman ko para sayo Charlotte, sana give me a chance to prove it to you. I promise, I will be true to you." (and so I gave her my first promise.)
"How did you know Ace? Parang basang basa mo na ako? Pero tama ka, feeling ko naging masyado nga tayong mabilis, at hindi ko alam if I should trust you as it is, because feeling ko parang pag titripan mo lang din ako.", bakas sa boses niya ang matinding takot.
Inabot ko ang kanang kamay niya sabay iniligay sa kaliwang parte ng aking dibdib. Nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako. Tinignan ko siya mata sa mata at ganun din siya. "Charlotte, gusto kita, just give me this one chance to prove it to you, please? Kung ayaw mo talaga, hindi kita pipilitin. Ayokong ma pressure ka din sa mga gusto ko lang gawin para sayo, pero know that what I say and what actually comes out of my mouth is nothing but the truth. I really like you Charlotte."
Hindi na siya nakapag salita ulit, bakas sa mga mata niya na gulat na gulat siya sa mga pinagsasasabi ko, siguro ngayon niya lang nakita yung sincere at serious side ko as a man. Pero wala ng atrasan to, nandito na rin lang ako kaya kailangan, malaman niya din lahat ng saloobin ko. She let go of my hand and said, "Strict ang parents ko when it comes to this, and believe me, ang unang unang kalaban natin about dito is my father. She treats me differently. Basta sobrang complicated ng reason at alam ko na hindi pa ito yung right time para ikwento ko sa'yo lahat Ace, sorry."
"Wala ka naman dapat ipagmaumanhin at hindi din naman ako nagmamadali, let's take our time together okay? Will you trust me on this Charlotte?"
"Yes. Thank you for understanding Ace."
"Walang anuman Charlotte, halika na, mag breakfast na muna tayo?"
"Libre mo?"
"Yep, para sa girlfriend ko.", nakangiti kong pagsasambit. In this way malalaman ko sa reaction nya kung tanggap niya na bang girlfriend ko na nga siya.
"Okay, tara, nagugutom na din ako.", nakangiti nya lang din na sinabi sakin, wala na siyang ibang sinabi, hindi niya pinansin ang declaration ko, which means somehow, I hope tanggap na din niya. Nagkatitigan kami before walking, para bang naguusap na lang kami at my unspoken promise kami sa isa't isa. Ang galing, no more words are needed to assume something, because I know right there at that moment, though words are not spoken, the thought and idea was already there. I never knew that those kind of magic really exist, not until I met and gaze with her soul-catching eyes.