- Flashback -
Lakadbo (Lakad-takbo) ang ginagawa ko ngayong habang papasok ng campus. Shit! male-late na ako sa 1st class ko. Shit talaga. 1st day sa College, 1st Class, Late. Hands up Ace!
Dali-dali kong hinanap ang building kung saan may 15 mins. ng nakakalipas matapos ang orientation ng freshmen sa campus. Wala pa naman sigurong masyadong nangyayari since nag papasukan pa lang halos lahat ng estudyanteng nakikita ko sa kani-kanilang mga classroom. At yun! nakita ko din ang pesteng room na yun, kung saan ako naka assign mag aral. "Errrrrrrr, room 241.", tama, dito na yun. Nasa pinto na ako ng makita kong isa sa mga estudyante ay nag papakilala sa harap ng mga kapwa niyang estudyante at professor.
The building was not much but it is considered the oldest building in our University. Okay naman ako sa kahit na anong motif ng room, (siguro?) at narealize kong tapos na magpakilala ang nasa harap, Shet. Fashionably late entrance Ace. It's your time to shine! Kumatok ako sa pinto at sinalubong ako ng Professor ko, "Mr. Suerte" ang nakalagay sa pin niya pero ang nakalagay sa registration form ko ay "Ms. Arawan." There is something wrong here. Hmmmmmm.
"Course mo hijo?" tanong ng professor sa akin. Lahat ngayon ng mga mata sa classroom ay sa akin naka anggulo. Kaya pala ang parang ang bigat ng pakiramdam ko.
"BSIE-IA sir!" pasigaw kong binigkas with feelings.
"Good. Pasok na and please do introduce yourself to us."
At ayun, kasabay ng pag hakbang ko ng paa papasok ng room ay ang pagkakahulog ng puso ko. Nakasalamin siya, mahaba ang buhok at bilog ang mata, meron siyang taglay na kakaibang liwanag. Oo. Ang radiant ng babaeng nakatingin at nakamasid sa bawat pagkilos ko. Shit. Anong nangyayari saken? Parang nawala lahat ng tao sa paligid ko nung nakita ko yung babaeng yun. Sobrang nakakakaba at nakaka pressure pala talaga ang 1st day of College, hindi dahil sa mga katakot takot na prof, or mga bully na kapwa estudyante. Kundi sa sarili mo, dahil hindi mo alam kung matatae ka ba o maiihi pag kaharap mo ang isang babaeng sobrang misteryoso at the same time intruiging. At that point of time, the only thing that I have heard while she was staring right into my eyes is my own heart pounding, racing as if hinahabol ng kung anong hindi mapaliwanag na bagay. And right there at that moment. Eto yung sinasabi nila. "Love at first sight."
"H...Hi guys! My name is Ace Vincent Eugenio. I am 16 years old and currently residing at Ayala Heights Quezon City. I am the youngest of the 3 of my siblings which are all men. So that's me and I hope we can have a good time learning with each other." I said with joyful voice that ends with a full smile.
As I see my future classmates faces, lahat sila naka titig lang sakin, except kay Ms. Glasses. Oo babansagan ko na siyang Ms. Glasses from now, kasi may nabasa ako sa isang social website. "If someone gave you a special name or nickname, you are special to that someone.", at dahil ikaw ang unang dahilan ng pagka kaba ko sa unang araw ng college life ko, special ka na. Anyway back to reality, hindi siya nakatitig, nakayuko lang siya nung nakita ko. Siguro inisip niya, walang kakwenta kwenta yung pinag sasasabi ko sa harap, sad naman.
Anyway after my speech, my professor shakes my hand and pointed me to one of the seats located at the farthest back of the room. Great. Ito ang reward sa pagiging latecomer. Anyway, okay lang. Matututo din naman ako kahit san ako lupalop ng room isuksok e. Problema ko lang e from here is hindi ko makikita si Ms. Glasses, nakatalikod siya saken, ouch.
"Okay students! That wraps up your introduction to me, and your fellow classmates. Pero siyempre, to give you formality, hindi ako pwedeng hindi magpakilala. And by this, I formally introduce myself.", kumuha siya ng marker at nagsulat sa whiteboard. Mr. Rolando C. Suerte Jr.
"You can call me Sir, Suerte obviously or Sir Pogi na lang para madali." he said and then winks into his audiences, parang naglalaro lang si Sir, cool to. Napangiti na lang ako at the thought and suddenly, at the middle of our discussion, she turned back.
Yep. Ms. Glasses. Parang may kukunin yata kasi siya sa bag niya dahilan upang mapatalikod siya, grabe, ang ganda niya pala talaga. Bulag na lang talaga siguro o bakla ang hindi mapapatingin sa kagandahan ng dilag na to. Nakaka inis. Gustong gusto ko siyang makilala pero kinakabahan ako, ni tumingin nga ng diretso siguro sakanya, di ko magawa e. At eto ako ngayon, nakatitig lang sa bawat pag galaw niya, nagbabakasakali na baka makita niya kong nakatingin sa kanya, pero hindi, hindi niya ako napansin, o hindi niya ako pinansin? Ouch.
Napayuko na lang ako at nag buntong hininga. Then I just focused my attention to our professor. Dinidiscuss niyang mabuti ang detalye ng course na kinuha namin, aliw na aliw lahat ng estudyante sakanya. Ang jolly kasi niya magturo e, hindi naman siya sigurado bading dahil ang galing niya sa mga humor jokes (green ones) kaya siguro aliw na aliw ang mga tagapakinig niya. Including her. Damn, ayoko ng tumingin sa kanya, prevention is better than cure. Bago matapos ang discussion ay meron kumatok sa labas ng pinto. Isang professor kundi ako nagkakamali, matandang babae na nakasalamin, maliit at bakas sa itsura niya ang pagiging terror. Tinawag niya si Sir Suerte, lumapit naman si Sir at nag akmang magtanong kung bakit naparoon ang matandang professor. Grabe ang sama ng dating ko, MATANDANG PROFESSOR. Pero kasi ayoko na talaga sa mga terror na prof, siguro lahat naman ayaw, pero kasi sa pananaw ko mas lalong hindi natututo ang estudyante kapag dinadaan sa takot ang bawat lessons. Oo maaring matutunan ng isang estudyante ang isang bagay with her/his brain pero learning is much more different when they learn from the heart. And at the middle of my thought, pumunta sa harap yung matandang professor at nag pakilala.
"Good morning students. My name is Eulena T. Arawan, Class Advisor ng BSIE - IA/1a, ngayon hindi na sana ako pupunta dito kung wala lang tatanga tangang estudyante ang naliligaw ng classroom, would everyone of you be kind to see their own registration form and check the details of the Course , year and section. Dapat lahat kayo BSIE-IA/1b. Thank you."
Sinasabi ko na nga ba at terror nga to e. Di na naawa sa missing student, first day pa lang pinahiya na, kawawa naman siguro yung batang yun. Agad kong kinuha ang reg.form ko at sinilip.
"Son of a b.." pabulong kong sinabi at tumayo sa upuan ko, nakayuko at hiyang hiya.