"Pasensya na Ace ha? Hindi ako nagkaroon ng time magpaalam at ipaalam sa'yo yung mga nangyari saken for the past months. Honestly? Wala naman, naging sobrang busy lang talaga yung family namin since nawala si Lola, tumulong na lang din ako." bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
"Okay lang Charlotte, come, sit with me and let's catch up." ngumiti ako at inabot ang kamay niya, hindi ko alam kung bakit pero parang nagulat siya sa pagkaka hawak ko sa kamay niya dahilan para mapaupo siya. Hindi ko na lang masyadong pinansin.
"So much had happened to me in the past few months. Charlotte, namiss kita, pakiramdam ko nung umalis ka, malaking parte ng pagkatao ko ang nawala. Hindi dahil sa nagawa ko dahil sa crush mong si Mike, pero basta, feeling ko nawalan ako ng makakasama sa buhay. Hahahaha, ang drama ko no? Pero seriously, namiss talaga kita." parang nailang ako sa last statement ko. Dahilan para yumuko ako at maghanap ng kung ano ano sa lupa.
"Ako rin naman Ace, namiss ko, ito. Itong simpleng paguusap nating ganito, kaya sorry. Sorry talaga di ako nakapagpaalam ng maayos. Magkaaway pa nga tayo remember? Hahaha!" then I saw her smile, she changed. At a small period of time, I didn't know someone could change that much.
"You've matured Charlotte, what happened to you back there?"
"Wala naman nga, maybe I just learned? The hard way? I don't know. Hihi, but one thing's for sure, it's true that pain makes people change." she smiled sadly, that smile, yung hindi umaabot sa mata, she thought that she could hide it from me, she thought wrong, I let it go anyway.
"Anyhow, remember Claire?" I forced to change topics because I couldn't see her hurting anymore.
"Hmm, what about her?"
"Turns out we liked each other." I smiled at the thought. "Pero hindi pwedeng maging kami." then looks at her sadly, she knew how much I liked the girl.
"Shhhhhh. Alam ko naman eh, bago pa man din ako umalis, alam kong you like each other, pero mas pinili kong manahimik at for you to find out na ganun nga ang nangyayari, turns out, studying is more important to her than lovelife." she declared then hands me a handkerchief.
"Kaya pala. Now I know. You should probably let everyone know na bumalik ka na, I'm sure matutuwa silang lahat pag nalaman nilang nandito ka na." that I know best, ako nga e, kanina halos mabaliw na ko at lamunin ng sarili kong depression, nabawi lahat nung dumating ka.
"Hiyep! Mabuti pa nga. Pero bago yun, nagugutom na ko, kain muna tayo Mcdo?" that puppy eyes, sarap dukutin e.
"Walang kamatayang fries nanaman? Tara na, baka kung ano pa magawa ko sa'yo!"
"Yey! Thank you Ace!" then she hugged me. "Ooops. Okay lang naman di ba? Namiss lang talaga kita e." this was the first time she hugged me, most of the time kasi, kurot, batok at kung ano ano pang physical pain.
"Halika na, nagugutom na din ako." di ko na lang pinansin kung ano man yung nararamdaman kong kakaiba sa loob loob ko. At nilisan namin ang luneta, ng masaya, wala ng iniisip, parang panibagong umaga, panibagong pag asa.
——————————————————-
And a year has passed, everything went back to normal, the gang, but this time with Charlotte around became funnier and stronger as ever.
"Anong balak mo sa bakasyon Lot?" me while sipping my favorite dark mocha frappucino.
"Uwi ako sa laguna, sa may sta.rosa, dun kasi naka stay-in si ate ngayon, due to work related reasons."
"Ano work ng ate mo dun?"
"Customer Service representative siya sa Convergys dun, meron kasing Convergys dun, I think sa Nuvali ata?"
"Ahh. Okay, malayo ka pala sa civilization." hindi ko alam kung san at kung anong lugar yung binanggit niya pero sounds like "Novaliches" to me.
"Di ba yung Nuvali, mini-park something yun?" tanong ni Calla, magkakasama kami ngayong apat ni Zack, Calla, Charlotte sa isang coffee shop dito sa SM Manila.
"Alam ko rin maganda dun e? May tiangge daw every night?" pag sisigurado ni Zack habang kumakain ng cinammon roll.
"Di ko alam e? Basta nandun lang ako para samahan si ate, private reasons. Eh ikaw? Kayo?"
"Sa bahay lang ako, papahinga ko ng bonggang bongga yung katawan ko." sabay buklat sa susunod na pahina ng magazine na binabasa ni Calla.
"Baka kasi mag training camp kami ng teammates ko, ewan ko kung anong trip nila." pag sambit ni Zack.
"Bahay lang din ako, DVD marathon, computer, mga ganun." sabay tingin kay Charlotte.
As I was staring right into her, doing random things. I realized three things, one is the fact that she is actually with us now, second was, she looks so mature and beautiful enough, unlike last sem, mukhang tomboy to sa dungis at ka balatubaan sa katawan, napaka sadista nito. 'Wag kang lalapit dito pag kinilig to, naku, uuwi kang may pasa kaka salo ng kurot at kagat sa babaeng to. At ang pangatlo, ang pilit kong dini deny sa sarili ko, is nagkakaroon na ako ng pagtingin sa kanya.
Ayokong masira ang kung anong meron sa aming magkakabarkada. Alam ko kung hanggang saan lang ang dapat kong maramdaman para sakanya, alam na alam ko at pilit kong pinapamukha sa sarili kong "Ace, kaya mo pa bang masaktan ulit? Pangatlong beses na to pag nagkataon, di kaya matuluyan ka na nyan?"
Pero sa tuwing nakikita ko siyang masaya, nagiging masaya din ako. palihim lang, siguro, sa ngayon, pipiliin ko na lang munang itago ang nararamdaman ko para sa'yo. I will choose to love you in silence, for in silence, I can never get hurt, upset or anything. In silence, no one owns you there, no one but me...