*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
*Riiiiiiiiiiiiiiii...
Anak naman ng tinapa oh. Wala pang araw, wala pa sa sistema ko ang gumising. Hindi naman ako nag a-alarm. At hindi ko rin gusto ang tinatawagan ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Pero wala, nagising na ko ng pesteng fone ko. "Hello?!"
"Good morning Ace! Lika na! Bangon na!"
"Bakit? may usapan ba tayo? Ang aga pa Claire, it's like what, 3:48 in the morning? 8 pa class ko. Patulugin mo muna ako." antok na antok kong pagkakasabi.
"Babatukan kita jan e, di ba sabi ko kahapon mag jo-jog tayo? Para naman ewan to kausap." dinig ang disappointment sa boses niya.
And shit. Nakalimutan ko, takte kasi e, kakausapin ako sa kalagitnaan ng pambubugbog ko sa isang challenger ng tekken tag 2 kahapon dun sa SM Manila. Malamang baka tumatak nga sa isip ko di ba?
"Shit. Oo nga pala, eto na, babangon na. Dun na lang sa may 7 eleven magkita. I'll be there, give me 20 minutes. Sorry."
"Ace, you better be accurate huh. You know I'm not good at waiting. See you."
She hung up before I can even speak. Unbelievable. Anyway, kumilos na ko ng dire diretso para umakma yung oras na sinabi ko sakanya, papanindigan ko yung 20 mins na yun. Ayoko rin kasing merong naghihintay saken, okay lang kung ako ang maghintay, pero ibang tao, para saken, ibang usapan na yun.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakatayo na kaming dalawa ngayon sa labas ng 7-eleven. Ang aga pa at wala pang masyadong joggers na matatanaw, sumisilip pa lang din yung araw at ang ganda ng view sa manila bay. Ngayon ko lang nakita ng ganito ang iniisip kong makalat, mabaho at maduming lugar na mas kilala bilang dating baywalk.
"Dinala mo ba yung mga pinapadala ko sa'yo?" pagtatanong ni Claire habang nagtatali ng buhok. Ang ganda niya with her jog suit. Di ko akalaing may hubog din pala ang kata... ehem.
"Opo madam. Nakakahiya naman sa'yo e. Pero di ko alam kung bakit pinag dala mo ko nito, ang alam ko kasi mag jojog tayo, hindi mag pipicnic?" sabay pinakita ko yung red blanket.
"I want to experience something, tara, takbo na!" sabay talikod at umakmang tatakbo.
"Teka Claire, hintayin mo naman muna ako. Di pa ko ready e." pero malayo na siya bago niya pa marinig ang mga sinabi ko. "Hintayin mo sana ako."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"I never figured you for a runner. Do you love running?" ako habang nilalatag ko yung blanket sa may grassfield ng ccp. 6 kami natapos mag jog at eto pala ang plano niya. To spend the morning here at ccp fields.