3 words, 10 letters. With this enough, one's whole world can be shattered, be obliterated. Okay na yung 3 words, 10 letters para pag dudahan ang sarili mong kakayahan para magmahal. Dito maguumpisa ang lahat ng pagtatanong mo sa sarili mo. Pag sinabi sayo ito, hindi mo alam kung anong isasagot mo o susunod mong gagawin.
-Flashback-
Honey was calling...
After a long day at work, she was all I needed para kumpleto kong tatapusin ang araw, to call it a day. Just hearing her voice, because we're miles away. Nung college pa lang naman e, taga manila ako at taga parañaque. Layo di ba? But still, we didn't find that as hindrance to our current relationship. Kasi layo lang yan e, wala yan kumpara sa pagmamahal namin sa isa't isa. Kahit araw arawin ko pang ihatid siya mula manila hanggang sakanila, walang problema, as long as magkasama kami. Just like now, nasa Laguna naman siya ngayon, sa Sta. Rosa, doon kasi naka base yung ate niya, at may apartment sila na tinutuluyan doon ngayon. Every weekends we spend time with her ate. Sakto, off naming tatlo tuwing saturday . We go out to watch some movies, walk around Nuvali, SM Sta. Rosa, or just stay at home watching Supernatural Series. Whatever we could find to kill time, and enjoy as much as we could. Gagawin namin. Walang palya, her ate was really kind and thoughtful, di ko alam kung dahil sa panganay siya or it's in her nature. She was a beauty inside and out pero di ko mafigure kung bakit wala pa din siyang boyfriend hanggang ngayon. One time we had this conversation.
*Flashback from flashback
"Ate Carla, bakit hindi ka pa nagkakaroon ulit ng boyfriend?" pagtataka kong tanong sakanya.
"Ace, I'm happy with my current situation right now, besides, I'm happy, with friends and family."
"Kung sabagay, pero iba pa din kasi di ba kapag meron pang ibang reason para maging masaya ka? Like lovelife? I was trying to convince her to tell me about her lovelife."
"Eh wala sa ngayon e. Hahaha. Dadating din naman yun Ace, hindi hinahanap yun, hinihintay. I'll tell you if that person come along. Pero as of now, wala pa talaga e, besides. Happy naman ako kasi nakikita kong happy yung kapatid ko, I'm glad she already has her Edward." nakangisi niyang sinabi sabay tingin kay Charlotte.
Nagkatitigan naman kaming dalawa ni Charlotte. Tapos sabay tawa ng malakas. Favorite kasi namin tatlo yung Twilight saga, nabasa at napanood na namin lahat ng chapter nun. Pero iba yung epekto nun kay Ate Carla. every line and details ng buong series, alam niya. And we were both amazed ni Charlotte about that. Kay Ate Carla ko lang napatunayan na marami pang ibang bagay na makakapagpasaya sa isang tao, bukod sa pag-ibig.
*End of flashback from flashback
Honey is calling...
"oo nga pala." agad kong kinuha sa bulsa ang phone ko at sinagot ang tawag.
"I love you honey, nakauwi na ako. Kamusta araw mo?", pagtatanong ko habang nagpapalit ng pantulog.