1

118 0 0
                                    

1

"Nothing changed, I still love you."

Yan na lang ang nasasabi ko sa sarili ko after all of these time. Nakakatuwang isipin lahat ng mga alalalang binuo natin nung magkasama pa tayo. Pangarap, pangako at yung pagmamahal. Yan yung mga primary factors na namimiss ko at patuloy kong ite-treasure hanggang sa pagtanda ko. Kahit hindi na kita kasama. Kahit alam kong may iba ka ng mahal. Nandito lang yung pagmamahal ko sayo, nakatago pero kailan ma'y hindi maglalaho. Sabi ko na e. Everytime na maalala kita, nagiging masaya ako, pero kasabay nun ang kalungkutan at ang pang hihinayang.

Bakit? Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang nagbago? Bakit bigla na lang naging malamig ang pagtrato mo saken? Hindi ka na ba masaya?  Hindi na ba effective yung sweetness ko? May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako sa oras at panahon?  Nagkulang pa ba ako sa sakripisyo? Paano? Paano nangyari satin dalawa to? Bakit mo ko iniwan? Bakit mo ako pinagpalit? Anong meron sa kanya na wala ako? Bakit ganun? Bakit? Bakit after all of these time, Ikaw pa rin ang laman ng puso ko? Bakit hindi ko maalis yung mga ngiti mo sa alaala ko? Bakit kahit anong gawin kong paraan para kalimutan ka, hindi pa rin tumatalab? Tang ina. Bakit mahal pa rin kita?

*tap*

"Punasan mo yang luha mo pre, nasa birthday party tayo ni Calla, hindi funeral.", pag sasambit ni Zack habang tinatapik yung likod ko.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Humikbi ako ng isang beses saka umahon sa pagkakayuko ko. Buti na lang maingay at maraming tao sa paligid. Walang ibang nakahalata, kahit ako hindi ko napansin. Tanging ang bestfriend ko lang at tinuturing kong kapatid ang nakapansin.

"San na sila pre? Tara shot pa tayo, onting kapal pa ng mukha para makausap ko na yung chicks dun." ako pagtapos kong punasan ang luha at inubos ang natitirang alak na kanina pa natunawan ng yelo kakahintay sakin na pansinin ko.

"Kanina pa sila umalis. Nagpaalam sakin, hinahanap ka nga nila e, pero di ka nila makita. Bukod sa itim mo, dito ka pa sa kasuluk-sulukan ng kwarto nagtatago.Nakailan ka na bang bote Ace?" pagtatakang tanong niya.

"Uhhhh... (napatingin ako sa may likuran ko at may nakita akong 6 na bote ng beer) Pangalawa ko pa lang to. Tara, inom pa tayo Zack!" sabay akbay sakanya at aaktong lalabas ng kwarto para magsaya pero di siya gumalaw at tinitigan lang ako.

"Tsk. Fine. 6 na. Pero kaya ko pa! So Let's go!" pagkumbinsi ko.

"Magshower ka na, ipapahatid na kita sa driver ko. Dito muna ko hanggang sa matapos yung party ni Calla."

"Para ka naman tatay ko Zack. Wag ka naman kj."

"Mamili ka, uuwi ka at makikita mo pa ang mga magulang mo, o di ka uuwi at kailanman di mo na sila makikita?"

I sighed in defeat. "Eram twalya, sabihin mo kay Calla, pagamit muna ko ng room niya for this."

"Kanina ka pa andito tapos ngayon mo lang naisipang magpaalam. Tarantado ka rin e."

Isang tao lang ang umintindi ng lahat ng kadramahan ng pagkatao ko. Yung detalyadong detalyado. Si Zack Mercedes. Varsity player siya at kasalukuyan ng engage kay Calla Meneses. Palibhasa mayaman at kilala sa business world ang mga magulang nila kaya mabilis silang na engage. Habang naliligo ako napaisip nanaman ako. Siguro kung hindi ko nakilala tong ungas na to, nasa mental na ako at hindi na kilaka bilang Ace Vincent Eugenio. Pero sino nga ba ang dahilan kung bakit ako nag dadrama ngayon at dahilan ng kamiserablehan ko? Sino nga ba yun? Yung una at probably, huling babaeng mamahalin ko ng buong buo.

Lumabas ako ng banyo at umupo sa kama habang nakatingala sa ding ding ng mala hotel na motif na kwarto ni Calla. Napaisip ako at napayuko ngunit biglang bumukas ang pinto. At doon pumasok ang isang babae. Napatingin ako. Kasabay ng pagpasok niya ay ang pagpasok din ng mga ala alang kay tagal ko ng binaon sa limot. Shit. Ang babaeng naging buhay ko...

"Cha..Charlotte."

StillWhere stories live. Discover now