Chapter Twenty-Six

6.3K 168 35
                                    

Tila isang prostitute si Sabrina kung pakatitigan ng lalaking tinatawag na 'Ramiro' ni Antonio. Malagkit ang mga titig nito habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan niya. Sabrina was clothed with just a small piece of red dress, barely covering her luscious butt and exposing almost half of her breasts. Sinong lalaki ang hindi magnanasa sa ayos niyang iyon?


Halos hubad na siya at ang matabang lalaking ito ang nagpapasasa sa pagtingin sa katawan niya. Nandidiri siya rito. Hindi pa man nangyayari ay nanginginig na siya sa takot sa maaring mangyari sa kanya.


Mariin niyang kinagat ang kanyang labi at naikuyom ang mga palad. Kaunti na lang ay tutulo na ang kanyang mga luha. But no. Hindi siya magpapakita ng kahinaan sa mga ito. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas.


Isinusumpa niyang hindi siya mamatay sa ganitong paraan. Isinusumpa niyang magbabayad ang mga ito sa bilangguan. At higit sa lahat, isinusumpa niyang hindi nito mahahawakan gahibla man ng katawan niya. Hindi sa mga low-life na mga taong ito.


Nanghilakbot siya nang makitang papalapit ito sa kanya. Aatras sana siya ngunit huli na nang hilahin siya nito at yakapin. "Saan ka pupunta, Mara, huh? Hehe! " nagpupumiglas siya sa yakap nito ngunit masyado itong malakas. "Pakipot ka pa, huh? Akin ka na ngayon!"


"Bitiwan mo kong baboy ka! H-yop!" Pinagpapalo niya ito sa dibdib upang makawala ngunit halos pigain na nito ang maliit niyang katawan. Halos kumalabog ang puso niya nang magsimula nitong amuyin ang leeg niya saka ito marahas na halikan. Pilit niya itong tinutulak.


"H-yop ka! H-yop ka! Bitiwan mo 'ko, please! Parang awa mo na..." ngunit tila bingi ito sa pagnanasa sa kanya. Pagdaka'y ang makalyong kamay nito ay humaplos sa kanyang dibdib. Doon na siya nagsisisigaw saka ito inundayan ng tadyak sa pagkalalaki nito.


"Ah!" nabitawan siya nito. Namimilipit ito sa sakit habang nakahawak sa ari nito. Pagkakataon na niya! Tumakbo siya sa pinakamalapit na pinto ngunit bago iyon ay nahagip na siya ni Antonio na nakaabang lang sa isang gilid. "Saan ka pupuntang babae ka huh? Sa tingin mo ba makakatakas ka pa?!"


"Bitiwan mo 'kong h-yop ka!" patuloy niyang pagpupumiglas kahit alam niyang wala nang pag-asa. "Mga h-yop! Mga walang kaluluwa! I swear, mabubulok kayong pareho sa bilangguan!"


"Iyon ay kung makatakas ka pa!" malalakas na sampal ang ipinadapo nito sa kanya na siyang ikinatumba niya sa lupa. Bahagya siyang nahilo sa ginawa nitong iyon. Hindi pa siya nakakahuma sa ginawa nito nang hilahin ni Ramiro ang buhok nito patayo. "Put- kang babae ka! Matapang ka ha!" malalakas nasampal ang ibinigay nito sa kanya na halos mawalan na siya ng malay. "Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo!"


Pagkatapos niyon ay ibinalya siya nito sa pinakamalapit na sala set. Tumama ang likod niya roon. Halos paga na ang mukha niya sa mga sampal na natamo sa dalawang lalaking ito.


Galit na galit na tinuon ni Ramiro ang tingin kay Antonio. "Put- iyang asawa mo! Hindi pa man kami nagsisimula ay ang tapang-tapang na!"


"Relax ka lang, kumpadre. Masasarapan ka naman diyan. Tiyak na sulit ang pera mo." Ngingisi-ngising tugon ni Antonio.

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon