Chapter Twenty-Two

6.6K 146 24
                                    

KALALIMAN ng gabi ay magkasabay na dumating sina Lance at Tamara sa mansyon galing sa maghapong pamamasyal.  Hindi maalis ang malapad na ngiti sa mukha ni Tamara.  Nilibot kasi siya ng binata sa buong Kamaynilaan at sobrang in-enjoy niya ang lahat ng sandaling kasama niya ito.  Paminsan-minsan nga'y pinagkakamalan pa silang couple.

Every now and then, ganoon ang routine nila; kapag gusto niyang umalis ay sinasamahan siya nito.  Mabuti nga at hindi pa nito napapansin na wala talaga siyang amnesia.

"Teka, Lance," pukaw ni Tamara rito nang sana ay aalis na ito.  Naroon sila sa bukana ng mansyon.

Napipilitang hinarap ito ni Lance.  Sa totoo lang ay pagod na siyang makipaglaro dito. Kung umasta ito ay para silang magnobyo. Pinababayaan niya lamang ito dahil iyon ang kahilingan ng matandang Don.

"Goodnight, Tamara." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito at akmang tatalikod muli nang pigilan siya nito sa braso.

"Sandali lang naman," ani Tamara. "Pwede mag-usap muna tayo? Dito ka na maghapunan.  Ire-request ko na rin kay daddy na sa kwarto ko na lang ikaw matulog... at tabi tayo." She smiled sweetly to him. "Alam mo na... takot ako sa dilim."

He grimaced at her words. "Are you insane, Tamara? Gusto mong magtabi tayo?"

Disgust was written all over his face. Nagsisisi siya kung bakit naging matabil ang dila niya. Pero kasalanan bang gusto pa niya itong makasama nang matagal?

"Eh bakit ka ba naiinis?" kulang na lang mag-puppy eyes siya para hindi magalit ang binata sa kanya. "Gusto lang naman kitang makasama nang matagal, ah..." Kasabay niyon ay namataan niya ang si Sabrina na kararating lang.  Papalapit ito sa kanila. Her mood suddenly sullen.  Nandito na ang kontrabida.

Napailing na lang si Lance kasabay ng pagpapakawala ng buntong-hininga.  Lance, be patient.  May amnesia iyang kausap mo... may amnesia nga ba? bulong ng isip niya.  Mataman niya itong tinitigan. "Aalis na 'ko. Dyan ka na."

"Lance, sandali lang! Lance!" Nagawang pigilan ni Tamara si Lance saka ipinihit paharap ito sa kanya.  Walang ano-ano'y kinabig niya ang binata at mariing hinalikan. Kumapit pa siya sa leeg nito at agad lumingkis rito.

PAPALAPIT na sana si Sabrina sa mga ito nang makita ang paghalik ng kambal sa nobyo niya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Sa halip, natulos siya sa kanyang kinatatayuan, nanginginig habang sapo ang mga libro at nagbabadya ang luha sa mga mata. Tamara and Sabrina have the same face. Parehas na mukha na ngayon ay humahalik sa nobyo niya. Pero hindi siya iyan! Paanong nagawa mo sa akin ito, Lance?

Tila may kumurot sa puso niya. Baka... siya na ang gusto ni Lance. Baka kasi... wala na siyang oras dito kaya nahulog na ang loob nito sa kambal niya. Baka... sila talaga noon at kaya lang siya nagustuhan ni Lance dahil naaalala nito si Tamara sa kanya?

Tearswelled up and she brushed them away.  She needs to get out of there.

"Tamara!" marahas na tinanggal ni Lance ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya at niyugyog ito. "Nababaliw ka na ba?  Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Hindi ininda ni Tamara ang higpit ng hawak ni Lance sa mga braso niya. Sa halip ay sinilip niya ang kakambal na ngayon ay naglalakad palayo, halatang bigo at nasaktan ito. Lihim na nagdiwang ang kanyang kalooban.

"Bitiwan mo nga ako.  Nasasaktan ako!" angil niya rito sabay kawala sa pagkakahawak nito. Pinanlisikan niya ito ng mga mata.  Tinalikuran ito at naglakad na papasok ng mansyon nang matigil siya sa tinuran ni Lance.

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon