Chapter Thirteen

9.6K 201 10
                                    

Walang imik si Lance habang lulan ng kotse. Kung pwede nga lang niyang kausapin ito ay kanina pa niya ginawa kaya lang ay napakaseryoso ng mukha nito. Napakarami niyang katanungan, mga tanong na naglalaro sa isip niya. Sino si Hunter? Ano ang kinalaman nito sa buhay niya? Halos patayin na ito ni Lance kanina. Tinawag siya nitong 'Chuchay', automatic naman na lumabas sa bibig niya ang 'Popoy'. There is some part of her memory na tinawag na siya nang ganoon, malamang kalaro or high school, hindi niya alam. Ang malinaw lang ay kilala ito ni Lance. At si Hunter lang ang makakasagot sa mga katanungan niya.

"Baba na," pukaw sa kanya ni Lance nang nasa tapat na sila ng baryo. Maputik ang papasok kaya sa bungad lamang ng baryo nakapark ang kotse.

"Piggyback mo 'ko." Parang bata na turan ni Sabrina dito. Sadya pa itong nag-pout habang nakatingin kay Lance.

"What?" asar na natatawa si Lance sa hitsura nito.

Humarap pa lalo si Sabrina dito. "Can't you see? Injured ako oh." Tinuro nito ang namamagang sakong. "Napakawalang-puso mo naman kung hindi mo ako pagbibigyan." Pagpapacute pa nito sa kanya.

Napatawa nang malakas si Lance. Nawala bigla ang pagiging bad mood niya. Lumabas ito at umikot upang pagbuksan ito ng pinto. Inalalayan niya nitong lumabas. "Para ka talagang bata."

"Che! Lumuhod ka nga! Paano ako sasampa sa iyo ang taas mo?"

Tumawa ito nang mahina bago tumalikod at lumuhod. "Whatever."

"Huwag ka nang magreklamo, alam mo nang injured iyong tao eh."

"Ang bigat mo."

"Che."

**

ANG bango-bango ni Lance, naisip niya. She can smell her all day. Nakakaadik ang amoy nito. Papalubog na ang araw pero amoy fresh at bagong paligo pa ito. Bahagya pa siyang nagsumiksik sa leeg nito.

"Baka naman maubos ang amoy ko niyan."

"Hmp! Gustong-gusto mo naman." mas lalo pa siyang yumakap sa leeg nito Lihim siyang napapangiti.

These are the times na ang sarap-sarap lang manyakin ni Lance. Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo silang napapalapit sa isa't isa. Nawala na rin ang ilang niya rito. Madali na rin niya itong nabibiro at hindi na ito napipikon sa kanya. She loves it sa tuwing tumatawa ang binata sa kanya. She loves the way his eyes turned into a slit line dahil sa simpleng banat niya. She can live forever makita lang itong masaya.

"Lance pwedeng magtanong?"

"Ano iyon?"

"Hhmm... you know naman di ba how much I like you? How much do you feel about it?" bahagya siyang nagtago sa leeg nito na animo'y makikita siya nito. Natawa naman si Lance sa ikinilos nito.

"Masakit pa ba ang paa mo?"

"Hey! Iniiba mo ang usapan! Nakakainis ka."

Napatawa naman ito nang mahina. "Seryoso ka ba sa tanong mo?"

"Oo naman. Don't you dare lie to me. Hahalikan talaga kita." Sa tuwing nasusukol siya ni Lance ay palagi niya itong binibirong hahalikan.

"Okay fine." Natatawang turan nito. "Alam ko namang gwapo ako eh."

"Tsss. Ayoko na! Ibaba mo na nga ko!" biro niya sa kunwa'ng pagyayabang nito.

Napatawa nang malakas si Lance saka sumeryoso. "Ang totoo niyan, hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit mo ba ako nagustuhan?"

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon