Chapter Seven

12K 230 13
                                    

Isa sa mga kasamahan ni Kristoff ang nagtaas ng ulo ni Ralph para tumingin kay Sab. Takot na takot ito dahil sa hitsura ni Ralph lalo na ng dumiretso ito ng tingin sa mga mata niya.

"Mag-sorry ka!" sigaw dito ng isa sa mga teammates ni Kristoff. Hindi pa rin ito tumitinag kaya medyo inalog nito ang ulo ni Ralph.

"TAMA NA!" Sigaw ni Sabrina, her face full of fears. "Tama na please," nilapitan nito ang duguan si Ralph ang kinalagan ang tali nito sa likod. "Wala ba kayong awa? Mapapatay ninyo siya!"

"I-I'm sorry..." Ralph whispered enough for Sabrina to hear. Nakakunot-nooong tiningnan niya ito. Hinang-hina ito gawa ng mga bugbog sa katawan at pasa sa mukha.

"This is my surprise for you. Dapat turuan iyan ng leksyon. Binaboy ka—"

"I've never asked for that." putol niya agad sa sasabihin ni Kris. "Hindi ko hiniling na pumatay kayo ng tao para sa akin!" she shrieked.

"Pinagtatanggol mo pa rin iyang ungas na iyan!" turo nito kay Ralph habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ko siya pinagtatanggol, my goodness." Tapos na niya itong kinalagan at lumapit sa harapan ni Kris. "Okay na ako. Pakawalan ninyo na siya, please?"

Lumipat ang tingin niya kay Ralph saka kay Sabrina. Sabrina's face is between fear and begging. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"Okay ka na ba talaga?" buong pag-aalala nitong tanong. He's courting Sab that's why he never wanted anyone to lay hands on her. Kung papayag nga lang ito ay mapapatay niya talaga si Ralph.

Sabrina has the urge to remove his hands pero hinayaan na lang niya. Masyado na siyang natatakot sa obsession sa kanya ni Kris. Mabait naman talaga ito. Actually isa ito sa mga pinagkakatiwalaan niya sa school na iyon. She finds him quite gentleman but she never thought he'll do such thing.

"Yes," tinitigan niya rin ito sa mata. "Pakawalan ninyo na siya, huh?" Nagulat na lang siya nang yakapin siya nito.

"I don't want you to get hurt, okay?" hinigpitan pa nito lalo ang yakap sa kanya. "Kung papayag ka nga, mapapatay ko iyang gagong iyan eh. Okay ka na ba talaga? May masakit ba sa iyo?" Gusto na niya itong itulak pero pinigilan niya ang sarili niya.

"Y-yeah," Itinulak niya ito ng malakas. Confused itong napatingin sa kanya."Please huwag mo na akong yakapin."

"Sorry,"

"I'm going," Mariin niyang sabi bago naglakad palabas ng gym kaso hinawakan nito ang kamay niya.

"Hatid na kita."

"No. Ayusin mo iyan, okay?" binitawan siya nito. Sumulyap muna siya kay Ralph at sa mga kasamahan ni Kris bago nagmamadaling lumabas ng gym.

Grabe naman. Bakit kailangan pa nilang manakit ng tao? Para lang sa akin? Ang freaky naman! Nakakainis! Parang kasalanan ko pa talaga kung bakit siya nabugbog. Hindi ko na nga iniisip iyon eh. Okay na ako. Ayoko may nasasaktang tao dahil sa akin. Kawawa naman iyong tao. Dugong-dugo iyong face niya. Pero, ano ito? "What the---"

Nanlaki ang mata niya nang mapansinng wala ang kotse niya sa pinagparkingan niya. Napatakbo siya at kunwa'y hinahanap-hanap pa sa paligid ang kotse niya nang biglang may itim na kotseng tumigil sa harapan niya.

Napaayos siya ng tayo at tinaasan ito ng kilay. Wow ang gara lang ng kotse, ha. Looks familiar. Nagbaba ito ng salamin at sinilip siya. Her heart beats fast the moment she saw who's inside the car.

"Sakay na," kampanteng yaya ni Lance sa kanya.

Blood rushed. Heart beats fast. Ilang araw niya na itong iniiwasan. Bakit ito nandito? Sinusundo ba niya ako? Malamang di ba. >.<

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon