Chapter Thirty

5K 112 15
                                    

"IKAKASAL na ako, Sabrina." he began, looking into her eyes without even blinking.

"A-ano?" She saw it coming. Sinabi niya sa sarili niyang handa na siya sa kahit anong sabihin nito pero bakit ganoon? Masakit pa rin pala. Para siyang unti-unting namamatay.

"Ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko."

"Stop it," awat niya at tinalikuran ito. Unti-unti siyang humakbang palayo.

Ngunit hindi pa rin ito tumigil. "I'll be married to a girl that that I loved since my childhood. Ang unang babaeng unang pumukaw sa puso ko. And I'll be damn if she will say 'no' to my proposal. Because she's the only woman I want to spend my lifetime with."

"STOP-" ngunit ang pagpigil niya'y nawala sa ere nang sa isang kumpas ng kamay ni Lance ay biglang nagliwanag ang buong paligid. Ang kaninang madilim na bahaging iyong ng garden ay lumiwanag at natagpuan na lang niya ang sarili sa loob na ng hugis pusong linyang sa lupa. May mga nakatapat na track lights sa lupa kaya kitang-kita niya ang pagkatingkad ng pula niyon.

Manghang nilingon niya si Lance. "Anong ibig sabihin nito? Don't tell me you're..."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Lance. Tila ay para na itong maiiyak. Pati siya gusto na ring umiyak. Ano bang nangyayari?

Mula sa dilim na nakatago ay nagsilabas naman ang mga tao. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang mga iyon. Ang mga magulang niya, si kuya Alex at Griselda niya, si Tamara- all of her family! Ang buong angkan ng Altamonte ay naroon!

Sa kabilang bahagi naman ay ang mga magulang ni Lance. She already met them pero through Skype at Facetime lang madalat at mabait sa kanya ang mga ito. Ilang tao pa ang naroon na hindi niya kilala na marahil ay mga tauhan sa flower farm. Madeline and Hunter were also there.

Her agony was suddenly replaced with utter joy. Lumuluha siya ngunit hindi na sa lungkot, kung hindi sa lubos na kaligayahan. She turned around to see Lance. Lumapit si Lance sa kanya at pumasok sa hugis pusong linya.

"Anong..."

"Shhh. Don't cry, my love." pinahid ng mga kamay nito ang mga luha niya.

"Are you surprised?"

"Yes, I am, idiot! What's the meaning of this? Hindi ba-"

"Ikakasal si Rebekah, pero hindi sa akin. She'll be marrying her foreign fiance in a few weeks." Lance smiled unknowingly to her. He's cupping her face.

"Pero- sa coffee shop-"

"Pinapakita niya lang sa akin ang engangement ring niya. Magkaibigan na lang kami ni Rebekah ngayon. Wala nang namamagitan sa amin."

Umaliwalas ang mukha niya. Then she pouted. "Pero you're about to kiss..."

"What?" bahagyang natawa si Lance. "That's just a figment of your imagination." He touched her cheek with the back of his hand while cupping her face with the other. "We did hug pero that was for the last time."

Malamlam na tinitigan nito ang mga labi niya. "Wala akong ibang labing gustong halikan kung 'di ang mga labi mo lang." Itinaas nito ang mukha niya at banayad iyong hinaplos. "Wala akong ibang babaeng gustong makasama habang kung hindi ikaw lang."

She smiled genuinely. Nag-uumalpas ang saya sa puso niya. Ang dalawang kamay ay ipinulupot sa leeg nito. "I love you, Lance."

"I love you, Sabrina," he said emotionally. "I will, and will always be in love with you, my little spoiled brat."

"You tamed this little spoiled brat, didn't you?" she teased. "And you got my heart in return."

He laughed then kissed her forehead. Pagkatapos niyon ay lumuhod ito, one knee on the ground.

"Eherm... Eherm..." pabirong bwelo pa ni Lance bago magsalita na ikinatawa naman ni Sabrina.

"Second year college noon when I started na ma-in love with this feisty, young lady sa high school department. You were a well-known maldita kahit bata pa lang. Being the most beautiful you were, everybody vandalizes your reputation. But I can see past through it. You're non-judgemental and only determines a person by their personality and that's what's awesome."

"You care deeply for your close friends and family, you're willing to give them comfort when they need it. You're always doing what's best for your family. It's admirable. How you don't know you're beautiful, that's what makes you beautiful."

"You got the looks and the brains that can launch a thousand ships and that can make Helen of Troy get off her place as the most beautiful woman ever lived. And you are a living proof that all creation of God is perfect and beautiful. You are also extraordinary for you are a girl with a strong personality and who looks tough but soft as the weakest person. Being true to yourself and to everyone makes you my favorite girl."

Sabrina stared at him with full of love. Her heart's overflowing with happiness. Parang hanggang ngayon ay nananaginip pa rin siya.

"Nawala ka na noon sa akin. I thought I've already moved on, but then you came back. At ang lintik na puso, ikaw pa rin pala ang hanap. I've done so many bad things to you and your family. At kung hindi mo ako pinatawad sa mga ginawa ko sa iyo ay hindi kita masisisi. But I'd spend my days begging for your forgiveness on bended knees..."

"It's not entirely your fault, Lance. Besides, maayos na kami ni Tammy. Right, Tam?" nilingon niya ang kapatid sa isang gilid.

"Oo nga! Mag-propose ka na! Ang dami mo pang satsat! Charot!" Dalawang thumbs up ang ibinigay ni Tamara sa dalawa.

"My family really adores you and I can't imagine my life without you." emosyonal na sabi ni Lance, saka nilabas ang maliit na box galing sa bulsa. Sobrang bilig ng pagtibok ng puso ni Sabrina.

"Sabrina Altamonte, my little spoiled brat. Today, exactly 10 years when we first met and 3 years being together, I hope you will say 'yes' and I'll be happiest ever."

"Will you be my wife, and be the mother of my children?"

Sabrina's heart swelled. Nagsimula na namang magtubig ang mga mata niya. "Yes... Yes. Of course I will marry you, idiot!"

She gave out her left hand to him. Unti-unting sinuot ni Lance ang singsing sa palasingsingan niya.

Tumayo si Lance sa pagkakaluhod sabay sigaw ng, "YES!" Nagpalakpakan naman ang mga nasa paligid, bakas sa mga mukha ang kilig at saya para sa kanilang dalawa.

He took her to embrace then lovingly stared at her still flushed face.

"I love you, Sabrina." he said emotionally. "Now and always."

"I love you more, Lance," hinaplos niya ang mukha nito. "Hindi na 'ko makapaghintay na maging asawa mo at maging ina ng mga anak natin."

Kinabig ni Lance ang mukha niya at masuyong hinalikan ang labi niya. "Perhaps we could advance the honeymoon? Maluwag ang kwarto ko, doon ka na matulog..." he grinned boyishly.

Nang mapagtanto ang ibig sabihin nito'y hinampas niya ito sa braso. Pagkuwa'y kapwa sila natawa. "Loko ka! Nakapaghintay ka nga ng 10 years, hindi ka pa makapaghintay pa ra sa kasal natin."

He lovingly embraced her again. "I'm just teasing you. Kaya kong maghintay, kahit another 10 years, o 20 years pa. Basta ang ending ko'y ikaw."

Lance smiled at Sabrina adoringly. Then he pulled her against him ang kiss her breathless.

•••W A K A S•••

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon