Screw all of you. Lahat kayo! Na nakatingin sa akin ngayon. Why don't you just take the money that my dad's offering and f*ck the hell get out of our property?!
Gusto na niyang singhalan lahat ng taong nakapalibot kanya na matamang tinitignan siya. Today is the day na sabi ni Lance na kakausapin niya ang mga tagabaryo upang pilitin sila sa proposal ng Papa niya tungkol sa lupa nila. Ilang araw din silang nagpractice ni Lance para magmukhang mabait siya sa harap ng mga ito. At ang hirap lang maging mabait ha?
Pero imbis na lahat ng napraktis niyang dialogue ay iba ang lumabas sa bibig niya.
"SORRY PO!"
Napatayo siya ng diretso at yumuko na parang Koreano. Alam niya hindi ito iyong napraktis niya pero takte lang inunahan na siya ng kaba nang mapalibutan na naman siya ng mga ito. Pakiramdam niya ilang sandali pa ay kukuyugin na naman siya ng mga ito. Pati si Lance ay nagulat.
"What are you doing?" sabi ni Lance pero hindi niya pinansin.
"Sorry po sa lahat ng naging asal ko nitong mga nakaraang araw. I know I've been rude to all of you. Please give me a chance po! I want to make it up to you!"
Matagal na katahimikan. She knows mukha na naman siyang tanga na nakayuko sa harap ng mga ito. Pero what the hell? Kailangan niya munang makuha ang loob ng mga ito bago niya ito mapasunod sa gusto niya. She barely wants to go back to Manila. Feeling niya nagiging tan na ang balat niya which is good kasi maputi siya.
Nagtaas siya ng tingin at lahat pala sila ay nakatingin sa kanya. No reaction. Enebe? Magreact naman kayo.
"Okay, sa isang kondisyon," iyong parang pinakalider nila ang sumagot sa kanya. "Hindi ba lupa lang namin ang gusto ninyo?" may himig ng hinanakit ang boses niya.
Hindi na siya nakapagtimpi. Madali niyang nilandas ang gitnang lamesa at tinungga ang baso ng tubig na nandoon. Umupo siya at hinarap ang mga ito.
"Alam ninyo ho, ganito kasi iyon eh noh?" Kung pwede nga lang i-English tong mga ito eh, ginawa na niya. Ang hirap ng Tagalog. "Ang nais lang naman ng Papa ay lisanin ninyo ang lugar na ito. Bibigyan ho kayo ng maayos na tahanan doon, mas maayos pa ho kesa kalagayan ninyo dito." Matamang nakikinig ang mga ito sa kanya. Good thing. Gusto na niyang matapos ito.
"Ipinapangako ko ho, mabibigyan kayo ng trabaho sa gagawing plantasyon ng asukal. At bibigyan pa ho kayo ng porsyento sa hatian ng lupa."
Nakita naman niyang nagliwanag ang mukha ng ilan. Iyong iba naman, parang galit pa rin at matamang tinitignan siya.
"Paano na ang mga sakahan namin?" tanong ng isa. Shocks, oo nga pala. Hindi naman masyadong pinaliwanag ng Papa niya ang mangyayari sa hanapbuhay nila habang nagpaplano pa ng planta.
"Ah! About that. S-si Lance na lang magpapaliwanag." Tinignan siya ng masama nito. She knows dapat siya iyon pero malay ba niya? Basta si Lance na bahala sa ibang bagay.
Pinaliwanag naman ni Lance ang ilang bagay-bagay, all in Tagalog. Pakiramdam niya talaga kaya lang hindi ito nagsisipayag kasi ang pinapadalang tao ng Papa niya ay mga Inglesero kaya hindi nagkakaintindihan. Mukha naman naintindihan na nilang lahat at ilang tanong pa ang ibinato nila kay Lance na nasagot naman lahat nito.
Pinagmamasdan niya lang si Lance habang nagme-mega paliwanag ito sa mga tao. All their attentions are on him. Hindi niya mapigilang mapahanga sa binata. He can carry himself very well. Ni hindi man lang siya nagpatinag sa bawat tanong na binabato sa kanya.
His brows which perfectly fits his smouldering dark eyes na sa tuwing tumitingin sa kanya ay nahihipnotismo pa rin siya. Para bang hinihigop siya. And his perfectly carved jawline, pouty kissable lips... Oo nahalikan na niya iyan...
BINABASA MO ANG
Taming the Spoiled Brat
General FictionSabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She took that as a challenge. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Ito ba talaga ang unang pagkikita nila...