WEIRD. Sabrina's acting weird. Muling nilingon ni Ashley ang katabi nitong si Sabrina na kanina pa sa buong klase ay malapad ang ngiti na animo'y nababaliw. Hindi ito pangkaraniwan kay Sabrina dahil sanay silang lahat na kung hindi nakasimangot ay nakangisi ito kapag may tinatarayan. "Sabrina..."
"BA—" Saktong paglingon ni Sabrina rito ay sinundot siya nito sa pisngi. Sinimangutan niya ito samantalang ito ay natawa sa kalokohan nito. "Lakas ng trip mo,ah. Bakit? Close na ba tayo?"
"Tsss." Sanay na siya sa kasungitan nito. "You know what, you look like crazy. Kanina ka pa ngiti nang ngiti, natuluyan ka na ba? Pumunta ka lang probinsya, nabaliw ka na." she flashed a huge grin to her.
Sa halip ay ngumiti lang ulit ito at nginitian pa siya nang mas matamis. Eeww. "I'm not crazy. I am in love." wika nito.
Namutla siya sa sinabi nito. OA man pero... Sabrina? In love? "WHAT?! WEH, 'DI NGA? KANINO NAMAN?" Sinong malas? Sabay na paglaki ng mga mata niya ay ang boses niya; tuloy buong klase ay nilingon sila.
"Miss Garcia and Miss Altamonte, you're disturbing my class!" iritableng sigaw ni Sir Toledo sa harapan. Hindi pa nakuntento ay nilapitan pa sila sa upuan. Napapaismid na lang si Sabrina. Ayaw niya talaga sa professor na ito kahit kailan. Lagi na lang siyang pinag-iinitan.
Tila napapitlag naman si Ashley sa ikinilos niya at tinakpan pa ang bibig. "So—sorry po, Sir! I was just asking Sab—"
"Your class is quite boring," ani ni Sabrina sabay tayo.
"What did you just say?!"
"I said your class is quite boring." she said emphasizing the 'o.' "And so are you. Sayang lang ang tuition fee na binabayad naming sa iyo."
Namula naman sa galit ang guro sa sinabi nito. "GET OUT OF MY CLASS!"
"NOW!"
***
"TSSS... Tse! Akala mo kung sino." Muli niyang naalala ang nangyari kanina sa klase. Kesa um-attend sa susunod na klase ay napili na lang niyang umuwi. Nawalan na siyang gana. Nakakainis talaga ang professor na iyon! Sa lahat yata ng professor sa university na iyon ay ito lang ang hindi sumusunod sa mga gusto niya.
At ang lakas pa ng loob na magsumbong sa parents niya kapag bagsak siya sa klase; buti na lang spoiled siya sa Dad niya kaya kahit magloko siya ay nakakalusot pa rin siya. Matalino naman siya, sinasadya niya lang talagang ibagsak ang subject ng professor na ito.
"Oh, malalim yata ang iniisip mo."
Nilingon niya ang lalaking kanina pa pala ay sumasabay sa paglalakad niya. She furrowed an eyebrow. "Lance?"
Nginitian siya nito at muntik na siyang matunaw nang kunin nito ang kamay niya at halikan. "Let's a have a date."
***
MATAMANG PINAGMAMASDAN ni Hunter si Tamara na nililibot ang tingin sa buong kabahayan niya. Bakas ang pagkainosente sa mga mata nito; tila bago sa paningin nito ang lahat ng nakikita ngunit sa katotohanan ay nakarating na ito rito noong mga bata pa sila. Madalas pa nga dahil magkalapit ang mga pamilya nila.
"TAMARA... Kumain na tayo." pukaw niya rito ngunit hindi siya nito nilingon. Sumalampak pa ito sa sahig upang pagmasdan ang collection ng DVD sa baba ng TV set at itinaas pa ang kaliwang hintuturo at iniisa-isang tignan iyon. Ngingiti-ngiti pa ito sa kalokohang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Taming the Spoiled Brat
Ficción GeneralSabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She took that as a challenge. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Ito ba talaga ang unang pagkikita nila...