Asar na asar siya. She should have been in her private jet wearing her sleeping mask while waiting for the plane to arrive in Morocco or wherever country she wishes to. Pero heto siya, nakikipagsiksikan sa mga commoners sa loob ng isang public plane papuntang Negros. Okay na sana kasi ang gwapo ng katabi niya, kaya lang sobra itong matulog at nahuhulog-hulog pa ang ulo sa kanya.
"Hoy Mister," pogi. haha. Tinulak niya ito ng hintuturo. "Kung makasandal ka wagas ah," nakasandal na kasi ito sa balikat niya.
He slightly opened his eyes pero mayamaya lang ay napasandal na naman ito sa kanya. Doon na siya nag-init.
"ANO BA?!" sa sobrang lakas ng sigaw niya ay napatingin tuloy ang lahat ng pasahero sa kanila. "Huwag ka ngang dumikit sa akin, baka mahawaan ako ng kuto mo!"
"TA-MA-RA?" nakakunot-noong tinitigan siya ng lalaki.
"Excuse Mam. Is there any problem here?" nilapitan sila ng isang stewardess.
"Hey. Can I swap my seat? Ayokong katabi itong lalaking ito eh."
Medyo nagulat pa ito sa inasal niya. "Sorry Mam but we can't do that. That is what is situated in your ticket. We're very sorry for that."
Inis siyang napadiretso ng tingin. Kung si Lance pa siguro ang katabi niya ay baka kanina pa siya kinilig. Her dad wants her to go solely without the help of anyone kaya naman hindi niya kasama ito. As if kabisado naman niya ang buong Negros hindi ba? Hindi nga niya alam kung saan iyong Santa Carmencita na titirhan niya. Nakakainis talaga.
"TAMARA?"
Inis niyang nilingon ito. "Hindi nga ako si Tamara eh. Kanina ka pa Tamara ng Tamara diyan." itinakip na niya sa mata ang sleeping mask. "Tsk. Don't talk to me nga. We're not even close."
Mayamay ay nagsalita ulit ang lalaki. "Aist! Hayaan mo na nga! Mas maganda naman sa iyo si Tamara ano!" Huwag mong pansinin ang abnormal na iyan. Tamara? Hhmm.. Sounds familiar pero hindi ko matandaan.
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya paglabas pa lang ng paliparan. Saglit siyang napangiti. Kung hindi nga lang dahil sa misyon niya sa lugar na iyon ay iisipin niyang masarap manirahan sa ganitong kapreskong lugar.
Luggage check: Dalawang Louis Vuitton bag, isang Hermes, isang Prada, isang Chanel. Dala niya yata ang buong closet niya. Wheew! If ever she had her yaya. Hindi siya mahihirapang buhatin lahat ng ito.
May lumapit sa kanyang lalaki at nginitian siyang nakakaloko. Napasimangot siya. Iyon iyong katabi niya kanina. "Hi! Siguro naman natatandaan mo pa ako?"
"Hindi kita matandaan, eh. So if you'll excuse me," sinimulan na niyang pagbubuhatin iyong mga bag niya. "I have sooo many things to do. Bye-bye!" tinalikuran niya ito at nagsimula nang maglakad kahit hirap na hirap na siya.
"Hey! Hey! Hey!" Hinarangan siya nito. Tinitigan lang siya nito at hindi naman nagsasalita.
"What?!" parang nagising naman ito sa pagkatulala.
"Ah," napatawa naman itong napakamot sa ulo. "You know what, you're weird. I like you."
She tilted her to the side and looked at him incensedly. Again, sanay na siya with every guy liking her. Nababaliw na talaga ang lalaking ito. "Ah, talaga? Humanap ka ng mauuto mo." maglalakad na ulit siya kaso hinarangan na naman siya nito.
"Hey! I'm just asking if you want me to give you a ride. C'mon, I have a car. I can even tour you around Bacolod."
"No, thanks. I can carry myself. Bye." Nilagpasan niya ito at naglakad uli. Hindi niya trip iyong mga ganitong lalaki, masyadong makulit. Although the ride is tempting, hindi naman siya ganoon ka-easy to get.
"Sige ka, mahirap maglakbay lalo na kung hindi sa bayan ang punta mo." Parinig pa nito sa kanya pero nagtuloy-tuloy lang siya kahit magkandarahulog-hulog iyong mga bag niya. He won't give that satisfaction to that guy na nahihirapan na siya.
Seems like hours, wala talaga siyang mahagilap na taxi. Kung meron man, puno na. She's getting hopeless nang biglang may magsalitang nuno sa hindi kalayuan.
"I told you, sumabay ka na sa akin. Malimit lang ang mga taxi dito kasi nga probinsya ito. Malamang kapag hindi ka pa kumilos, kalabaw na lang ang pwede mong sakyan." Nakasimangot na nilingon niya ito. He's leaning leisurely against his silver SUV facing here.
"Ikaw na naman? Wala ka ba talagang balak tatantanan ako?"
"Look." imbis na sumagot ay nilapitan siya nito. "I have no bad intentions towards you. I see na bago ka lang dito kaya nagmamagandang-loob lang ako. Iyon lang, promise. Nagtaas pa ito ng kamay just to show na nagsasabi siya ng totoo.
"And hey! I'm Hunter. Nice to meet you," he smiled and extended his hand to her.
"Sabrina," nginitian niya ito pero never tinanggap ang nakalahad nitong palad. "Sabrina Altamonte." Parang napahiya naman ito at napakamot na lang sa ulo.
"So, isasakay mo ba ako o hindi?" choosy pa ba siya? Wala na nga siyang car tapos ang dami-dami pa niyang dala. Isa pa hindi niya alam kung saan ang Santa Carmencita.
"Aish! Papayag din pala! Tara na nga!" para itong batang pinagkukuha ang mga bag niya at tinakbo sa likod ng compartment ng kotse niya. Siya naman umupo sa backseat ng kotse. Feeling driver lang niya si Hunter.
"Saan ka?" nilingon siya nito.
"Santa Carmencita." Tipid niyang sagot dito. Agad din naman itong nag-drive. Habang nagda-drive naman ito ay panay din ang sulyap sa kanya. Nakadungaw lang siya sa katabi niyang bintana. There's nothing much to see. Puro lubak at damo lang ang nakikita niya. Sa mga kalayuan ay mayroong ilang palayan na kulay berde na relaxing sa mata. Napangiti siya.
"Napunta ka na ba dito dati?" maya-mayang tanong ni Hunter.
"Nope. Haven't." tipid niyang sagot dito. God, she's so tired. How she wanted to have a rose-scented bubble bath. Kaya lang she doubt kung may bath tub man lang dito.
"Alam mo may kamukha ka," muli siyang sinulyapan nito. "Someone very known to me."
"Nope. Wala akong kamukha." She said sleepy-eyed. "My beauty is one of a kind and such a stunning one kaya imposibleng may kamukha ako."
Napatawa naman ang lalaki. "Talaga lang ha? ahaha" tapos biglang sumeryoso ang mukha nito. "Eh paano na lang pala kung... may kambal ka? Like a twin sister?"
Saglit siyang napaisip. Twin sister? Twin? Twin? .... Aisht, wala siyang maisip. Hindi na naman gumagana ang utak niya. Inaantok na kasi talaga siya. Imbis na sumagot ay napapikit na lang siya at nakatulog.
Nagtaka naman si Hunter kung bakit hindi na ito nagrespond. Nilingon niya ito just to find na nakapikit na ito at nakasandal na sa headrest. Napangiti siya. Saglit niyang itinigil ang kotse at tinabihan ito sa likod. Hindi pa rin ito tumitinag. Mukhang tulog na tulog ito.
His gaze returned to her face and he smiled. He tenderly touched her face and brushed some strands of hair off her face.
"After 5 long years, TAMARA. I've been searching for you. Masaya ako dahil nagbalik ka na. This is where you belong. You belong to me. Akin ka lang, Tamara Altamonte."
BINABASA MO ANG
Taming the Spoiled Brat
Aktuelle LiteraturSabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She took that as a challenge. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Ito ba talaga ang unang pagkikita nila...