Nang buhatin ni Lance si Sabrina ay kumaripas naman ng takbo si Ralph. Imbis na habulin pa ay dinala na lamang niya si Sab sa kotse niya at doon ito isinakay. Dinala niya ito sa condo niya dahilang malalim na rin ang gabi.
Wala pa rin siyang malay hanggang sa maihiga niya ito sa sariling kama. He called someone from the chambermaids to help her change clothes kasi ba naman sira-sira ang damit nito at puno ng galos ang katawan gawa ng pagpupumiglas nito kanina. He hated to see her like this. Unti-unting nadudurog ang puso niya kaya habang inaayos siya ng chambermaid ay lumabas muna siya para bumili ng ilang makakain.
Pagbalik niya ay nakita niya itong gising at nakadapa sa may kama. May hawak itong baso ng tubig at tulalang nakatingin sa kawalan.
"You're awake," Pukaw niya dito. "My shirt looks good on you." He smiled at her pero hindi man lang ito ngumiti.
"Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
"I tracked your phone. Your brother gave me." Aniya habang pinapatong ang ilang plastic bags sa katabing lamesa nito.
"Ah."
Lance came to sit beside her. "Okay ka na ba?"
"No.. I-I'm not okay. Do I look like?" She faked a laugh pero imbis na tawa ay napaiyak na naman siya. Diniinan nito ang hawak sa baso then she sobbed in tears.
Kinuha ni Lance ang hawak nyang baso at pinatong sa kalapit na mesa. Ginagap niya ang nanginginig na mga kamay ni Sabrina saka ito niyakap nang mahigpit. "Sshhh...tahan na."
Nang tumahan ito ay saka niya lang ito binitiwan.
"You saved me twice. Hindi ako sanay na may utang na loob." She is not accustomed na may gumagawa ng mabuti sa kanya. Sanay siyang lahat ay ayaw sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan magpasalamat. Ang mahalaga ligtas ka." He gently said to her.
Sinalubong niya ang tingin nito. "Bakit mo ba ito ginagawa? I thought you don't like me." She sarcastically said.
Umiwas ng tingin si Lance. "Malaki ang utang na loob ko sa kuya mo. Iyon lang." tumayo na ito at papalabas nang magsalita ulit si Sabrina.
"Stay."
He looked back at her looking baffled. She talked again without even looking at him.
"Kailangan ko ng kasama. Kailangan ko ng karamay." Pumipiyok ang boses nito. "Don't leave me. I need you." Tinitigan niya sa mga mata si Lance. "Stay beside me."
Sabrina looks as if she will burst into tears again and Lance felt it. Huminga muna ito nang malalim bago magsalita. "Okay."
Nakahiga si Sabrina at siya naman ay nakaupo sa tabi nito. She is sweating profusely and looks feverish. Awang-awa siya rito. He even saw dried tears from the corner of her eyes. Pinunasan niya ang mukha nito ng twalya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha nito. He gently touch her face. How he wanted to embrace her and shed those tears away.
Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Bumangon siya at agad hinanap agad niya si Lance pero wala na ito sa buong kabahayan.
Saka niya napansin ang ilang kagamitang naka-table setting sa lamesa na natatabingan ng tela. Sinilip niya iyon at napangiti. Medyo mainit pa ang soup nang sipatin niya ang mangkok. Kinuha niya ang note na nakadikit sa fridge.
Kumain ka na. I made a soup. Take a sip while it's hot.
Lance
"Tsss. So bossy. Kahit sa note, nagsusungit!" hindi niya napigilang mapangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/4586453-288-k215187.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Spoiled Brat
General FictionSabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She took that as a challenge. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Ito ba talaga ang unang pagkikita nila...