Chapter Twelve

8.9K 192 17
                                    

Tila isang mansyon ang bahay na pinasukan nila. Sa kanilang pagpasok ay agaw-pansin ang malawak na pintuang-daan kung saan pinagbuksan sila ng dalawang unipormadong lalaki. Mula sa mga kasangkapan hanggang sa mga muebles ay pulos antigo at ang dingding at sahig ay gawa sa makintab na kahoy. At kung suswertehin ka nga naman ay airconditioned ang loob ng buong bahay.

"Feeling good?" Napalingon ito kay Hunter na nakasandal sa grand piano habang matamang pinagmamasdan siya.

"Yeah." Nginitian niya ito. "Thank you ha, dinala mo ako dito."

Lumapit si Hunter at umupo sa mesang kaharap niya. "You know what, 'thank you' doesn't suit your tongue."

"Paano mo naman nasabi?"

"Ang alam ko kasing Sabrina, palaban, matapang. Hindi nagte-thank you at nagpi-please... Nagbago ka na nga." Nginitian siya nito at hinawi ang ilang buhok na humaharang sa mukha niya. Napakunot-noo siya. Familiar sa kanya ang ganoon gesture kaya hindi siya tuminag nang hawakan nito ang mukha niya at nakipagtitigan sa kanya.

"Do I know you?" hawak-hawak pa rin nito ang mukha niya.

Ngumiti ito nang mapait. "Hindi mo na nga ako matandaan.." hinaplos nito ang mukha niya at lumapit pa lalo sa kanya.

Mas lalo naman siyang nagulumihanan sa kinikilos ng binata. Familiar ang lahat ng kilos nito. Dapat sana ay hindi niya hinahayaang gawin ang ginagawa nito ngunit bakit ganon? As if she misses his touches. Kilala ba niya ito?

"Kilala ba kita?"

Madamdaming tinignan siya nito. Bigla siya nitong hinaklit sa isang yakap. "Chuchay..."

Napapikit siya. Kahit ang pabango nito ay pamilyar. The warmth of his body, the way he embraces her, lahat pamilyar. "Popoy..." bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya na para ba itong automatic.

Bigla siya nitong hinarap sa kanya. "Naalala mo na?" may bahid ng luha sa mga mata nito. Para na itong iiyak sa harap niya."Naalala mo na ba ako?"

Sasagot na sana siya nang may humila sa braso niya.

"BITAWAN MO SIYA!"

"Lance..."

Mula sa pagiging emosyonal ay dumilim ang anyo ni Hunter. Tumayo siya at hinarap si Lance. "Navarro."

Lance clenched his jaw. "De Silva."

"Anong ginagawa mo dito? Baka nakakalimutan mo teritoryo ko ang bahay na ito."

"I don't care. Anong ginagawa mo kay Sabrina?" madilim na rin ang anyo ni Lance. Parang kahit anong sandali ay magsusuntukan na ang dalawang lalaki sa harap niya.

"You know well. Si Sabrina ang-"

"Shut up!" Lance suddenly shouted. "Tara na Sabrina." Akmang hahawakan siya nito nang marahas na pinalis iyon ni Hunter.

"You can't have her. Akin na siya!"

"You know well De Silva na hindi siya sa iyo!"

"Ah talaga? Pagkatapos ng ginawa mo-" hindi na niya ito pinatapos at sinuntok ito sa mukha. Laglag sa sahig si Hunter.

"Lance!" nagulat naman si Sabrina sa ginawa nito. Akmang gaganti si Hunter pero bigla siyang tumayo at pumagitna sa dalawa. "Tama na! Ah-" bahagyang kumirot ang sakong niya kaya napaupo siya bigla sapo-sapo ang paa.

"Sabrina.." akmang hahawakan siya ni Hunter pero naunahan siya ni Lance. Binuhat siya nito.

"Navarro--"

"Hunter stop it!" awat niya dito. Sabay naman napatingin sa kanya ang dalawa. Napayuko siya. Bakit ba kasi nag-aaway ang dalwang ito sa harapan niya. Hindi niya talaga magets.

"Sasama na ako kay Lance. Please huwag na kayo mag-away." kita niyang napangiti si Lance at lumungkot ang hitsura ni Hunter sa pahayag niya.

"You heard it right, De Silva. Sa akin siya sasama. Tara na." buhat-buhat pa rin siya nito habang naglalakad palabas. Sandali niyang nilingon si Hunter at bagsak ang hitsura nitong pinagmamasdan siya habang papaalis.

Having no one in sight, Hunter was left alone... again. Pabagsak siyang naupo at ikinulong ang mukha sa mga palad. "Ahhhh!!" sinipa niya ang nasa harap na mesa sa sobrang galit.

"I can't believe you chose him over me. Pagkatapos ng ginawa niya sa iyo?" kinakausap niya ang sarili. Galit na galit siya, gusto niyang sirain ang anumang bagay na makita niya sa ngayon.

"Kukunin kita. Sa ayaw at sa gusto mo. Akin ka lang, Sabrina. Akin lang."

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon