NILIGAWAN pa rin siya ni Lance kahit sabi niya ay hindi na kailangan. Maayos itong humarap sa pamilya niya at sa kuya niya. Ngunit ang mas pinagtataka niya ay kung bakit lumalayo na ang loob ng kakambal niya sa kanya. Tila iniiwan sila nito ni Lance.
"Ayos ka 'dre ah," untag ni Alex sa balikat ni Lance. "Pati utol ko pinatulan mo. Ibang klase ka!"
"Tinamaan 'dre eh." Nginisihan niya ito saka tinapik sa balikat. Bestfriend niya ito na siyang kuya nina Tamara at Sabrina. "Hayaan mo 'dre. Hindi ko sasaktan iyang kapatid mo. Mahal ko na yata 'dre."
"Wow 'dre, may ganon! Haha!" natatawang saad ni Alex sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Basta, huwag mong papaiyakin si Sabrina. Kung hindi, ako ang makakalaban mo."
Napangiti siya. Ibig sabihin lang ay nakuna na niya ang side nito. Nakipagkamay ito sabay nakipagbungguang-bisig sa kaibigan. "Asahan mo. Mamahalin ko ang kapatid mo."
UMIIYAK papuntang kwarto si Tamara. Narinig niya ang lahat. Lance loves her sister. Hindi niya ito matatanggap. Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa binata at hindi siya papayag na maging masaya sila ng kapatid niya. Ngayon lang siya nagmahal ng ganito. Lance will always be there kapag kailangan niya ito. He will always be her savior, her guardian.
Pero nawala ang lahat ng iyong nang simula itong pumorma sa kakambal niya. Sa kapatid niya... bakit sa lahat ng pwede ay kapatid pa niya? Lagi na lang si Sabrina. Si Sabrina na mahal ng lahat. Si Sabrina na maganda. Paano naman siya? Kailan ba siya sasaya?
Pagkahilamos sa mukha ay tinignan niya ang repleksyon sa salamin. Magkamukhang-magkamukha sila ni Sabrina. Si Sabrina na unti-unti ay kinamumuhian niya. Ang mukhang ito ang nagustuhan at minahal ni Lance. Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Isang plano ang kanyang naisip.
Magiging akin ka Lance, sa ayaw at sa gusto mo.
"SO... HANGGANG dito na lang?"
"Malamang..." Alamang. Sabrina smiled at him at hinarap ito. Nasa loob pa sila ng kotse nang ihatid siya nito. They just came from their second monthsary date at hindi mapagsidlan ang tuwa niya dahil finally, two months na niyang boyfriend ito.
"Babay—"
"Teka, wala ba 'kong kiss?" nginuso pa nito ang bibig at pumikit. Isang malakas na tawa ang ipinalahaw niya saka mabining hinawakan ito sa magkabilang pisngi at pinanggigilan. "Loko-loko."
Lance took her hands and gently kissed it then gazed into her eyes. Kinikilig siya, shet. Sa buong relasyon niya ay ganito siya lagi tignan ni Lance. Puno ng pagmamahal. Na para bang siya lang ang babae sa paligid. Lance made her feel different emotions she never thought she'd feel. Mahal na mahal na niya talaga ang lalaking ito.
"I love you Sabrina..." Lance said in almost a whisper. Marahang hinaplos nito ang pisngi niya.
"I love you too Lance..." sagot niya rito at gumanti ring haplos sa pisngi nito. Parang lalabas ang puso niya sa kasiyahan. Ang sarap sa pakiramdam. Sana forever na.
"Can I kiss you? " anito nang ilang pulgada na lang ang layo nito sa mukha niya.
"Oo naman, boyfriend na kita eh." anas niya rito. Lance wet his lips. Mukhang kabado ang mokong. Kabado rin naman siya dahil tulad nito, first kiss rin niya.
Dumikit ang mga labi nito sa mga labi niya. Kinakabahang pumikit siya. Gosh, first kiss! Gumalaw ang mga labi ni Lance na sinundan naman niya. Halata sa dalawa na walang alam sa paghalik at nageeksperimento lamang. Nang maubusan ng hininga ay si Sabrina na ang pumutol ng halik.
![](https://img.wattpad.com/cover/4586453-288-k215187.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Spoiled Brat
General FictionSabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She took that as a challenge. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Ito ba talaga ang unang pagkikita nila...