"YOUNG LADY, kumain na po kayo. Lumalamig ang pagkain."
Mula sa malalim na pag-iisip ay napukaw siya ng namamalat na tinig na iyon ng kanilang matandang mayordoma.
"Ano iyon? May sinasabi ka?"
Lumapit ito sa kanya at yumukod bago magsalita. "Lumalamig ho ang hapunan ninyo, baka po kayo malipasan ng gutom." Saka niya lang napansin ang mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan. Ilang minute nap ala siyang nakatulala at nakatitig lamang sa mga pagkaing iyon.
"Ano ho ang iniisip ninyo?"
"Manang... bakit may kambal ako?" Alam niyang may kat-ngahan ang tanong niyang iyon pero gumugulo talaga iyon sa isip niya. "Tamara... Bakit wala akong matandaan?"
"DAHIL MAY AMNESIA KA."
Napalingon siya sa boses na iyon. Si Hunter, looking dashingly handsome habang nakasandal sa may dingding at diretsong nakatingin sa mga mata niya.
"Anong ginagawa mo rito?" takang-tanong niya.
"I'm just checking on you," anito habang papalapit sa kanya. "Baka kasi nagpakamatay ka na pagkakita mo kay Tamara."
She unintentionally rolled her eyes. "Nagkaroon lang ako ng kamukha. That doesn't mean I will end my life just because I found out that I have a twin sister."
Napatawa si Hunter sa tinuran nito. She actually look cute when she does that.
"Why are you laughing?"
"I just... found you cute." Namula naman si Sab sa tinuran nito at umiwas ng tingin. "Umalis ka na nga. Hindi ka nakakatulong dito."
Pero imbis na umalis ay lumapit pa ito at umupo sa kanyang harapan at yumuko upang mapagmasdan ang kanyang mukha. Mayamaya ay hinaplos nito ang kanyang mukha.
"What are you doing?"
"Sabrina... Tanging ako lang ang makakatulong sa iyo sa pagkakataong ito. Trust me, Lance will become nowhere ngayong nandito na si Tamara."
"Ano'ng ibig mong sabihin? Anong kinalaman ni Tamara kay Lance?"
"You will know soon. But for now, trust me."
Isang mahabang katahimikan ang nanaig sa dalawa. Tanging nakatitig lamang sila sa isa't-isa na kapwa may iniisip. Ano nga ba ang dalang dulot ng pagbabalik ni Tamara? Is it for better? Or for worse?
--------
"SABRINA... For now, hindi ko pa maipapaliwanag ang lahat sa iyo dahil may amnesia ka pa. And might as well, pati ang kambal mong si Tamara may amnesia rin." Tila nahihirapan na turan ng kanyang daddy sa kanya. Kasalukuyan silang nasa silid-aklatan nito at kinakausap siya.
"Huwag ninyo akong alalahanin, daddy. Kaya ko ang sarili ko. Sa ngayon, si Tamara muna ang asikasuhin ninyo. I'm sure nahihirapan pa siya."
"Salamat sa pag-intindi, anak." Saglit siyang niyakap ito.
"Anong plano mo, dad, kay Tamara?"
"Masyado akong busy para asikasuhin siya. Not now na maraming problema ang com--"
Maang na napatingin siya rito. "Dad, anong problema ng company?"
![](https://img.wattpad.com/cover/4586453-288-k215187.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming the Spoiled Brat
Narrativa generaleSabrina instantly got hooked to Lance's charm sa unang pagkikita pa lang nila. Gwapo, mabait pero masungit. At higit sa lahat ay ayaw sa kanya. She took that as a challenge. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Ito ba talaga ang unang pagkikita nila...