Chapter Twenty-Eight

2.8K 76 12
                                    

HINDI man ipaliwanag nang husto ni Sabrina ay alam ni Lance ang ibig sabihin ng mga katagang iyon.  Nakita niya sa mga mata nito ang takot at pag-aatubiling makausap at makita siya.  Tulad na nga ng sa simula pa'y kinatatakutan niya.

Tinalikuran niya ito upang sana ay umalis na, ngunit nanginginig ang katawan niya at ang bawat paghakbang ay tila paglayo sa babaeng pinangarap niya ng limang taon.  Pakiramdam niya ay mawawala na ang pinakamahalagang bagay sa mundo sa kanya.

He turned around at tinakbo ang maliit na distansya sa kanila ng dalaga. Niyakap niya ito nang mahigpit.  "Ayokong mawala ka sa 'kin, Sabrina!  Ayoko..." tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"You are the most precious girl to me and I can't afford to lose you again." hinigpitan pa niya ang yakap rito.  "I love you so much.  Tell me you are not breaking up with me."

"Kailangan ko lang ng space, Lance."  paliwanag ni Sabrina.  "Magulo pa ang lahat at gusto ko, kung magmamahal ako ay buo ako..."

"Sinisisi mo ba ako... sa lahat ng nangyari?"  halos pabulong na tanong nito.

Her lips formed into a thin line.  Iniharap niya ito masuyong sinapo ang mukha nitong hilam ng luha.  "Wala akong dapat sisihin sa mga nangyari.  Lahat tayo ay may pagkakamali."

Lance was still crying when he also cupped her face.  Puno ng pagmamahal niya itong tinitigan sa mga mata.  "Mahal mo pa ba ako?"

She gave her a reassuring smile at pinahid ang mga luha nito.  "Hindi matatawaran ang pagmamahal ko sa iyo ng anomang bagay sa mundo.  Remember, you are my knight-in-shining armor?"  there's a hint of humor in her voice.  Ngumiti nang bahagya ito.

"Ngunit Lance, hindi kita kayang mahalin nang buo kung hindi ko muna mamahalin ang sarili ko."

He looked bewildered, but eventually ay naintindihan din ang nais niyang ipahiwatig.  Muli ay niyakap siya nito nang mas mahigpit pa kaysa una.

"I never loved any woman more than I loved you, Sabrina.  Nang umalis ka, sinubukan kong magmahal ng iba.  Pero ikaw pa rin.  Ikaw pa rin talaga."

"Pero kung ang pagkakahiwalay natin ay magiging daan para matagpuan mo ang sarili mo... pakakawalan kita."  pumiyok ito.  "Kahit gaano pa kasakit..."

Dinampian nito ng halik ang noo niya.  Nagtagal ito roon ng ilang sandali bago pinagdikit ang mga noo nila.  Ramdam niya ang bigat ng damdamin ngayon ni Lance.  "Maghihintay ako sa iyong pagbabalik, Sabrina.  Kahit gaano katagal, titiisin ko.  At sana sa iyong pagbabalik... ako pa rin.  Tayo pa rin."

He gave her a last full kiss on the lips bago tuluyang nilisan ang silid na iyon.  Hindi niya namalayang umiiyak na rin pala siya.  Nagpatuloy iyon hanggang sa hagulhol na niya ang maririnig sa buong silid.




ARESTADO si Tamara for attempted murder at kasalukuyang naka-ditine sa Correctional for Women sa Mandaluyong.  Nakatakda itong makulong ng 4 na taon.  Kasabay na rin nito ay ang rehabilitation nito sa pagkakalulong sa droga.

Si Tommy naman na anak nito ay nasa kustodiya ng kanyang lola at lolo na sina Gng. at G. Altamonte.  Paminsan-minsan ay dinadalaw nila si Tamara sa koreksyonal at awa ng Diyos ay unti-unti na rin itong nagbabago.

SI ANTONIO at Ramiro naman ay arestado rin for human trafficking at illegal drug possession.  Hinatulan sila ng korte na makulong sa loob ng labimpitong taon.




"YOU DON'T have to do this, Lance Navarro.  Maaari ka pa rin namang magtrabaho sa kompanya kung nanaisin mo lang..."  G. Altamonte said sadly.

It broke his heart when Lance handed him his resignation letter.  Itinuring na niya itong tunay na anak at nakakalungkot isipin na gusto na nitong umalis sa poder niya.

"Gusto ko po sanang bumalik sa pamilya ko at asikasuhin naman ang aming flower farm sa Cebu.  Hindi iyon ganoon kalawak tulad ng ginagawa dito sa kompanya pero magsisikap ako para mapalago iyon."

Mataman itong tinitigan ng Don.  "Is it because Sabrina left?  Kaya iiwan mo na rin ang kompanya?"

Umigting ang panga ni Lance.  Isang rinig lang sa pangalan ng dalaga ay nimi-miss na niya agad ito.

Sabrina left to study Fashion Design in France.  Isa itong working student doon, completely juggling studies and modelling career.  Ilang linggo na rin niyang hindi nakaka-Skype ang dalaga at talaga namang nami-miss na niya ito.  Kulang na lang ay liparin niya ang France para makita ito.

"Sir, hindi po sa ganoon.  I owe my life and my career to you and I'm very much thankful to you, Sir.  Gusto ko lang matulungan ang pamilya ko at para na rin matulungan ang sarili ko, masabi kong isa ito sa mga naging achievement ko."

As if satisfied with his answer, G. Altamonte smiled and tapped his back.  "Anytime ay welcome ka rito, Lance.  Alam kong mahal ka pa rin ng anak ko at huwag kang mawalan ng pag-asa."

He smiled with his comforting words.  Kinabig ng Don si Lance para sa isang yakap.  "Anything you do, I will support and trust you, son."




"VOUS REVENEZ vraiment aux Philippines?"  nilingon ni Sabrina ang kaibigang si Madeline.

She looked awfully sad because finally she's going back to her homeland leaving her here in France.  Isa na siyang ganap na fashion designer at gusto niyang sa Pilipinas magtrabaho.  Madeline is a French girl na naging dormmate niy at naging kaibigan na rin for four years.  Her friend looked awfully sad and cute at the same time.

Mula sa pag-eempake ay nilapitan niya ang kaibigan at hinawakan ang magkabilang kamay. "Oui.  Je retourne dans ma patrie.  Vous allez me manquer."

"I will miss you more, Sabrina!" wika nito sa lenggwaheng Pranses. "Bakit ka ba kasi nagmamadaling umuwi sa inyo?  You'll earn double big time here.  Ferragamo also wanted to hire you but you turned it down! Sayang!"

She smiled at her.  "More than anything in this world ay mas gusto ko pa ring sa Pilipinas manirahan.  At isa pa... I'm gonna propose."  excited na sabi niya sa kaibigan na bakas sa mukha ang pagtataka.

"Oh, your long-time on-and-off boyfriend?  Gosh!  If that's the case, maybe I should pay a visit to your country for your wedding!"

Pinagmasdan niya ang kaibigang si Madeline na nagtatatalon na sa tuwa.  Nakakahawa tuloy ang pagiging bibo nito at pati na rin siya ay panay tawa.  Sosorpresahin niya ang binata.  Ilang araw at oras na lang ay makakapiling na niya ito.  How badly she wanted to be in his arms again.

Taming the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon