Hindi ako mapakali dahil don sa tawag ni lola. Lakad ako ng lakad sa living room at tingin din ng tingin sa labas kung nandyan na ba si lola. I don't know if anong sasabihin nya but in the tone of his voice, i think it's about kuya.
Napansin din ni mommy na hindi ako mapakali kaya she asked me "Viena? Bakit ka lakad ng lakad? Nahihilo na ako sayo" she asked.
"Wala naman po mommy" i smiled at her.
Umupo muna ako sa couch to calm myself. Pumikit para sabihin sa sarili ko na wala lang yon and wala naman talagang masamang nangyari.
"Viena. Tawagin mo na yung ate mo at kakain na tayo. Habang mainit pa tong pagkain" mom said.
"Sige po mom" i replied then umakyat na ako. And pumunta sa kwarto ni ate.
"Ate. Gumising ka na" i said habang inaalog si ate.
Pero ayaw nya magising. Kaya mas lalo ko syang inalog "Ateeee. Gumising kanaaa"
Nagising sya at humarap sakin. Pero halatang gusto padin nyang matulog "Ano ba Viena. Natutulog ako eh, paepal naman"
"Kakain na daw sabi ni mommy. Tumayo na ka dyan habang mainit pa"
"Mamaya na!" sabi nya then nagtaklob ng kumot.
"Teka ate. Tumawag pala kanina si lola. May sasabihin daw samin ni mommy. Medyo kinakabahan ako kasi parang nagmamadali yung boses nya"
Biglang inalis ni ate yung kumot then umupo sya sa kama "Ano? Anong sabi?"
"Wala pa nga sya eh, kinakabahan ako kung tungkol saan yung sasabihin nya"
"Baka naman para sa ano... eh... baka tungkol kay kuya?"
"Ayon nga yung nagpapakaba sakin. Baka anong nangyari kay kuya"
"Ano ka ba Viena," sabi ni ate then tumayo and nagayos ng buhok "sabi naman ni lola na sya na bahala kay kuya. Siguro naman may nakalimutan lang dito or. Baka may sasabihin talaga"
"Yon nga yung gusto kong isipin. Pero sana nga hindi dahil kay kuya"
Medyo naibsan yung kaba ko nung narinig ko yung sinabi sakin ni ate. Alam kong paulit ulit ako pero sana hindi talaga masamang balita yung sasabihin ni lola.
"Halika na Viena. Baka naghihintay si mommy sa baba"
"Tara na. Gutom na din ako eh"
Paglabas namin ng kwarto. Narinig namin si mommy na sumisigaw.
"Ano yon? Si mommy ba yon?' ate said.
"Nasaan si Via?" may narinig kaming lalaking nagsalita sa baba.
"Wala sila dito!" sigaw ni mommy sa lalaki.
When i heard that voice. I cannot move my legs and my body. Natatakot ako kung anong nangyayari sa baba. Sumilip si ate sa baba habang ako takot na takot.
"Pumasok ka sa kwarto Viena. May baril sila bilisan mo!" bulong ni ate.
"A-ano?" sabi ko kay ate.
"Basta pumasok ka nalang! Bilisan mo!" binuksan ni ate yung pintuan ng kwarto then hinila nya ako don.
Umupo ako sa isang sulok ng kwarto. Takot na tako at hindi alam yung gagawin. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nanginginig ako.
Niyakap ako ni ate at habang nasa sulok kami. Parehas kaming takot na takot.
"Si mommy? Baka ano nang nangyari sa kanya sa baba" sabi ko habang takot na takot.
"Wag kang maingay Viena. Baka marinig nila tayo."
YOU ARE READING
Distorted Memories
Mystery / ThrillerViena Louise Gallando and Via Sloane Gallando is the grand daughters of one of the most powerful gun seller in the world. Two siblings will fight any odds just to stay together. One is already corrupted by the power of the family but the other one i...