Chapter 19 : Connected.

4 0 0
                                    

While i'm looking at Helena she also looked at me kaya ibinaling ko yung tingin ko sa pagkain at pinagpatuloy ko yung pagkain ko.

"Farah, gabi na bakit mo pa nilagyan ng make up ang ate Helena mo?" tanong ko.

"Eh kuya ang ganda nya kasi, aalisin ko din yan mamaya" sagot nya.

"Ano ba kasi yan Farah, ang gusto kasi ni kuya Eros bukas mo na nilagyan para hindi agad tatanggalin, hindi na nya matitignan si Helena eh" pangiinis sakin ni Sigmund.

Naiinis na talaga ako sa bwiset na kapatid ko, hindi ba pwedeng magandahan lang? Ang issue naman nito masyado.

Nakita kong tumingin sakin si Rasheed at isa pa 'tong lalaki na to, hindi ko alam pero basang basa ako nitong lalaki na to tuwing may gagawin ako, siguro kasi bestfriend ko sya.

Wala akong sinabi at kumain nalang ako, hindi dapat ako maging defensive kasi hindi naman totoo yung sinasabi ni Sigmund, kalokohan nya lang yan.

Agad kong tinapos ang pagkain ko at lumabas muna ako ng bakuran para mag sigarilyo ulit.

Iniisip ko lang yung Hacienda kung anong gagawin don, hindi ko iniisip si Helena at kung gaano ba sya kaganda kanina, hindi ganon.

Nagiisip ako kung ano ano then suddenly Rasheed approached me.

"Eros, parang ang lalim ng iniisip mo ah"

Bumuga ako ng usok galing sa sigarilyo "Ah oo, dami kong iniisip eh"

"Kasama ba dyan si Helena?"

Tumingin ako kay Rasheed na may halong pagtataka "Ha? Si Helena?"

"Wag mo na itanggi Eros, maganda si Helena no?"

Napatingin nalang ako sa kawalan at wala akong naisagot sa tanong ni Rasheed, totoo namang maganda si Helena, maganda lang naman.

"Oh bakit di ka makasagot? So it means totoo nga?"

"Magsisinungaling ako if sasabihin kong hindi ako nagagandahan sa kanya" i smirked.

"Wow, i'm actually suprised" he looked at me

"Bakit naman? It's normal right?"

"For you? It's not, hindi ka nga nagagandahan sa mga nirereto namin sayo ni Sigmund na galing sa ibang bansa tapos kay Helena ka lang pala magagandahan?"

I looked at Rasheed "Bakit? Hindi ba sya maganda?"

"Well... for me? No" umiling sya.

"Well i guess she's not"

"You know what makes it impossible for you to like a woman?"

"Ano?"

"Its your high standards. Hindi ko alam kung ano yung gusto mo sa babae o bakit ang taas taas ng standards mo pero parang... nasira yon ni Helena, hindi ko naman sinasabi na gusto mo sya pero parang gano'n na nga. In fact Eros, a simple girl can break your standard that no one can reach, and if gusto mo si Helena, she's the one who broke it" Rasheed said then he smiled.

Well Rasheed is probably right, napaka taas ng standards ko sa babae, but he's not right don sa sinabi nyang gusto ko si Helena, nagandahan lang ako pero wala pa din akong pakeelam sa kanya.

"Bro, just try" Rasheed said.

"Hindi ko gusto ni Helena, Rasheed. Never ko syang magugustuhan" i said then bumuga ako ng usok galing sa sigarilyo.

"Well... if you say so. Aalis na ako Eros" ngumiti sya.

"Saan ka pupunta?" i looked at him.

"Somewhere? Just... just gonna chill?"

Distorted MemoriesWhere stories live. Discover now