Mommy B's POV.
Umalis ako sa harap ni Eros para umakyat sa taas, alangan namang umakyat ako sa baba diba? Chariz. Pero i know something about that Helena, alam kong hindi siya pinsan ni Claire, kasi bago pumasok si Claire dito nag background check ako sa kanya and yung pinsan nya is named Zamara? Yes Zamara nga.
That Zamara is currently working as a executive assistant sa isang multi millionaire business woman named Viena, i know everyone na nakakapasok dito sa mansyon na to but somehow hindi ko kilala si Helena, i can't find any information about this woman, which makes her more mysterious to me. Just who is this woman?
Helena and Claire is making a conversation right now and nakatingin lang ako sa kanila para magmasid, this duo is really making me doubt. I just don't know how to start.
"Mommy? Ano pong ginagawa nyo dyan?" a sudden voice talked.
"AY BITUKA NG MANOK!" nagulat ako saka ako humarap kung saan nanggaling yung boses si Farah pala jusko lord "Oh Farah? Nandito ka pala? Jusko papatayin mo ba ako?"
"Po? Papatayin?" nagtataka si Farah.
"Wala wala, oh bakit nak? May kailangan ka ba?"
"Wala mommy, uhm..." tumingin siya kila Claire "Pinagmamasdan mo po ba sila ate Helena?"
"Hindi nak ano ka ba, ano kasi... nagiisip ako ng pwedeng gawin makeup kay ate Helena mo" ngumiti ako.
"Aaah. Parang ang mysterious po ni ate Helena no? Sino po kaya siya?"
Tumingin ako kay Farah dahil nagulat ako sa sinabi nya "Nak? Anong sabi mo?"
"Hindi ako sure kung pinsan ba talaga siya ni ate Claire dahil hindi naman sila magkamukha, yon lang naman" ngumiti siya sakin.
"Ano?" Natawa ako "Ano ka ba nak? Malay mo naman gwapo yung napangasawa ng nanay or tatay nya diba?"
"Kahit sino pa po siya, mahalaga na si ate Helena sakin mommy, napakabait nya" ngumiti si Farah habang nakatingin kila Claire.
Tumingin din ako kay Helena at nakita ko yung maamo nyang mukha, bigla din siyang napatingin sakin kasi umalis na si Claire para pumasok ng mansyon, nginitian ako ni Helena kaya ngumiti din ako pabalik, naalala ko na hindi pala basehan yung saan nanggaling yung tao, it based on that person's characteristics.
Ayon yung pagkakamali ko, maybe i'll stop doubting her. Kasi kung saan man sya nanggaling, sino man yung pamilya nya parte na sya ng pamilyang to and we should accept her with all our hearts.
Pumasok na ako sa loob saka ako umakyat, kailangan ko magpahinga dahil may lakad ako bukas.
Helena's POV.
Bumalik na ako sa mansyon pagkatapos namin magusap, naalala ko yung fiesta, bukas na pala yon kaya ko kinausap si Claire kung ano yung plano naming gawin. Konting handaan lang daw yung sinabi sa kaniya ni Eros at saka magpapalaro daw sila sa bayan, siguro naman sapat na yon para sa fiesta.
Nakita ko din si Mommy B na tinitignan kami ni Claire, di ko alam kung pinagmamasdan ba nya kami or kung ano, pero ngumiti naman siya samin kaya siguro naman okay lang naman kami.
YOU ARE READING
Distorted Memories
Mystery / ThrillerViena Louise Gallando and Via Sloane Gallando is the grand daughters of one of the most powerful gun seller in the world. Two siblings will fight any odds just to stay together. One is already corrupted by the power of the family but the other one i...