Helena's POV.
5 years later, in Zamboanga.
January 21 2022
Nasa harap ako ngayon ng dagat, nakatingin sa alon na humahampas sa dalampasigan. Sa kada alon na nakikita ko tinatanong ko nalang sa sarili ko. Anong klaseng alon kaya yung nagdala sakin dito?
Halos araw araw kong iniisip yan at ilang taon na ba ang nakakalipas simula nung napadpad ako dito sa paraiso na ito? Ah. Tama. Limang taon na ang nakakalipas simula nung dinala ako ng mga alon na yan dito.
Hindi ko alam kung saan ako nanggaling at sino ba talaga ako. Pero kuntento na kung anong meron ako ngayon.
Mahigit anim na taon na nung padpad ako dito at napaka dami kong natuklasan tungkol sa sarili ko. Naging kayumanggi din yung kulay ng balat ko na mas lalo ko siguro kinaganda? At hindi pa din maalis yung tanong na kung bakit blondina ako.
Pero ayos na yon. Eto na yung bagong ako. Sa tamang panahon malalaman ko din kung sino ako.
Habang nagiisip isip ako bigla akong tinawag ni Claire.
"HELENA! HALIKA DITO!" Sigaw nya.
Humarap ako kung saan nanggaling yung boses. Tinatawag pala ako ni Claire para pumasok sa bahay.
Kaya naglakad agad ako papunta kung nasaan man sya.
Pumasok ako sa kubo at nakita kong naghahanda sya ng makakain namin.
"Bakit Claire? May kailangan ka ba?" tanong ko.
"Ah wala. Baka lang kasi anong mangyari sayo doon sa may pangpang" sabi ni Claire habang haghahalo ng pagkain.
Kumuha na ako ng mga plato namin "Ano ka ba? Ano bang mangyayari sakin dito? Tayo lang naman yata yung nakatira dito" sabi ko habang nilalagay ko yung plato sa hapag kainan.
Humarap sakin si Claire at tumingin sa mga mata ko "Ay ngayon meron na. Dumating na yung may ari ng hacienda sa tabi lang ng barangay. Kaya ikaw mag ingat ingat ka ang ganda ganda mo pa naman baka mapagdiskitahan ka nila" sabi ni Claire at pinagpatuloy nya yung paghahalo sa niluluto nya.
"Ano ka ba? Ako maganda? Parang hindi naman" patawa kong sabi.
"Kapag kaya namimili tayo sa palengke grabe yung tingin ng tindera sayo. Tapos sasabihin mo hindi ka maganda? Nako Helena. Napakaganda mo kaya"
"Maraming salamat" Tumigin ako kay Claire "Pero sino ba yung may ari ng hacienda na yan? Bakit kailangan kong magingat?" tanong ko.
"Ah yon ba?" sabi ni Claire habang sinasalin nya yung ulam namin sa isang tasa "Don Joaquin yung tawag nila. Si Joaquin Guillermo. Alam ko malupit daw yon eh"
Bigla akong napaisip kung sino yon. Hindi ko pa nga nakikilala yung pamilya na pinag tatrabahuan ni Claire may bago nanaman.
"Kumain na tayo Helena. Wag mo silang intindihin. Hindi nila tayo magagalaw dito" ngumiti si Claire.
"Ha? Panong hindi?" pagtataka ko.
"Bastaaaa. Kumain ka na dyan"
YOU ARE READING
Distorted Memories
Mystery / ThrillerViena Louise Gallando and Via Sloane Gallando is the grand daughters of one of the most powerful gun seller in the world. Two siblings will fight any odds just to stay together. One is already corrupted by the power of the family but the other one i...