Chapter 12 : New Life.

1 0 0
                                    

Via's POV.

Sitio Del Pilar, Zamboanga

Dumilat ako at ganon pa din yung pakiramdam ko. Malamig. Pero ang init. Hindi ko maintindihan pero ganon yung nararamdaman ng katawan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. O kung bakit ako nasa ganitong kalagayan.

Wala akong matandaan.

Maya maya may narinig akong pamilyar na boses "Ate" bulong nito sakin.

Parang pamilyar yung boses na yon pero hindi ko maintindihan kung sino sya. Natatandaan ko yung boses pero hindi ko alam kung sino sya.

"Tulong" bulong pa nya sakin.

Sandali sino ba sya? Bakit sya humihingi ng tulong sakin? Kilala ko ba sya?

Pumikit nalang ulit ako para naman matigil yung mga delusyon ko sa utak. At pag dilat ko nasa isang bahay na ako.

Umupo ako pero biglang sumakit yung ulo ko kaya napahiga ulit ako.

Nasaan ako? Hindi ko alam kaya tumingin ako sa paligid at may nakita akong dagat sa bintana. Siguro nasa tabing dagat ako. Pero hindi ko alam kung kanino yung bahay na to.

Maya maya biglang may pumasok na dalagang babae na may hawak hawak na parang timba.

Nilapag nya yung timba saka nya sinunod yung basahan sa timbang may tubig.

"Sino ka?" sabi ko.

Bigla syang humarap sakin saka sya ngumiti "Oh gising ka na pala? Kamusta pakiramdam mo?"

"Sandali. Sino ka?" tanong ko habang gulong gulo na yung utak ko.

Hindi ko talaga alam yung nangyayari at gulong gulo na yung isip ko ngayon.

"Ako?" tumingin sya sakin at ngumiti "Ako si Claire"

"Claire? Teka nasaan ba ako?" tanong ko.

"Nasa bahay ka namin. Pasensya ka na kung kubo lang yung bahay namin kasi medyo mahirap lang kami. Ikaw? Sino ka ba?"

"Ako? Uh... hindi ko matandaan" sabi ko tapos tumingin ako sa kanya.

Wala talaga akong matandaan na kung ano man. Kung anong nangyari sakin o bakit ako nandito. Ni pangalan ko nga hindi ko matandaan. Ano ba talagang nangyari?

Napayuko nalang ako at pumikit, sinusubukan kong sagutin yung mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Hindi ko na alam kung ano yung uunahin kong sagutin dahil lahat ng tanong. Wala akong maisagot.

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Claire.

"O-oo naman. Wala lang talaga akong maalala"


Humagikgik si Claire. "Ha? Hindi mo alam yung pangalan mo?"

Napapikit ulit ako habang nakakunot noo ako at umiling "Hindi. Wala akong maalala"

"Talaga? Teka nga," tumayo sya saka naglakad lakad "parang natatandaan ko to eh. Napapanood ko to' sa teleserye. Yung nakakalimutan ng bida yung lahat kasi naaksidente sya"

Distorted MemoriesWhere stories live. Discover now