Chapter 15 : Vinigradov.

0 0 0
                                    

Claire's POV.

Anong nangyari? Dumilat ako sa isang kwarto at may tali yung mga kamay at paa ko. May dumukot sakin at alam ko yon. Medyo masakit pa din yung ulo ko at saka nahihilo ako. Ikaw ba naman bigla nalang takpan yung ilong mo tapos may naamoy akong mabaho kaya ako nakatulog. Pwe.

Pero teka nga. Sino ba may gawa sakin nito? Nananahimik ako sa bahay bigla akong dudukutin. Ano ba yan.

Maya maya habang tumitingin ako sa paligid biglang may pumasok. Si Jared. Yung anak ni Don Joaquin at dati ko ring manliligaw.

Pero hindi ko sya sinagot kasi ayaw sakin ng tatay nya at ayaw ko din naman sa kanila kasi akala nila ganon ganon lang kuhain yung mga babae.

Hindi ako. Matino akong babae. Gusto ko yung nililigawan ako ng isang taon. Syempre joke lang wala namang lalaking ganon.

"Claire. Gising ka na pala" ngumiti sakin si Jerald.

"Nasaan ako? Saan mo ako dinala?" tanong ko.

"Ano ka ba. Huminahon ka okay? Nandito ka sa mansyon namin. Kaya wag kang mag alala"

"Bat mo ako kinidnap? Eh diba sabi ko ngang ayoko na sayo?"

Natawa si Jerald tapos naglakad lakad sya "Hindi naman ikaw yung gusto ko. Yung pinsan mong si Helena?"

Aba naaagawan na pala ako ni Helena sa pagandahan dito. Paano naman ako? Hindi mo ako gusto? Ano ako pain?

"Ano? Anong gagawin mo kay Helena?"

"Hmmm," tumingala sya at nagisip kahit wala naman syang isip "nagagandahan lang ako sa kanya. Gusto ko syang tikman"

Napatingin nalang ako sa kanya nang may halong diri. Hindi naman sya papatulan ni Helena. Ako ngang pangit hindi sya pinatulan si Helena pa kaya na ubod ng ganda?

"Ganyan ka ba talaga ka desperado Jerald? Pati si Helena na nananahimik lang sa bahay eh... gusto mo nang kunin?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Syempre ganon kaming mga Vanidestine, Claire. Lahat ng gusto namin nakukuha namin"

Inirapan ko lang sya at wala na akong sinabi. Apelyido palang nila ang baduy na. Pwe.

Eros's POV

"C'mon boys. We gonna go at the Hacienda de Vanidestina," i said while cleaning my gun.

I was shocked nung dumating dito si Helena with that news. I already told Joaquin to not touch any of my family members but he still did.

Napagusapan na namin to ni Joaquin for like so many many times pero it keeps on happening. Because of his stupid and annoying son. Jared Vanidestine.

"Eros. Are you sure about this?" Sigmund asked.

I glared at him "Of course Sigmund," i continued cleaning my gun "Claire is also part of our family so hindi natin sya hahayaang masaktan"

Sigmund is my brother and we're super close as glue. Nandyan sya simula nung mga bata pa kami. Nung inaabuso pa kami ng mga magulang namin sya lang yung nandyan. Although ako yung kuya. Parang minsan mas kuya pa sya sakin.

Distorted MemoriesWhere stories live. Discover now