Epilogue

29 1 2
                                    

Aki's PoV

After Four Years...

"Darlene!!" Pagtawag ko sa nag-iisang anak ko.

"Darlene! Your mom is calling you!" Sigaw naman ni Steve habang nagbabasa ng magazine.

Naandito kami sa garden ng bahay namin. Well, It's been Four years. Ang tagal ko nang hindi nakapag kwento sa inyo right?
I'm Eight months pregnant. This is our second baby. Si Darlene nga pala ang panganay na anak ko. Na ipinag-buntis ko Four years ago. Four years old na sya pero parang Five years old na. Pano ba naman kasi, andami nang alam netong anak ko. Kabisado na ang 1 to 100 dahil laging tinuturuan ni Steve. Pati Alphabet kabisado nya narin dahil kay Steve. Magaling din syang mag piano. Mahilig sya sa barbie dolls lalong lalo na kay tinker bell.

Naku kung makikita nyo lang ang kwarto nya, Isang malaking tinker bell na kama sa gitna. At mga stuff toy na tinker bell na nagkalat sa sahig ng kwarto nya. Naiinis na nga ako kasi halos mapuno na ng tinker bell na stickers ang dingding ng kwarto nya. Tapos yung sahig naman nya may isang malaking Mat na Barbie. Ganun din yung Unan at mga kumot nya. Sa may gilid naman ng kama nya ay may book shelf pero hindi book ang laman. Langya. Puro barbie doll na iniingatan nya. Maingat sya sa laruan kaya hindi na kami nagwu-worry na masasayang yung mga pinagbibili namin sa mga laruan nya.

"Mommy! Naglalaro pa kami ni Darla eh!" Si Darla naman ang twin sister ni Darlene.

Kambal kasi ang naging anak ko. Pero mas naunang lumabas si Darlen kesa kay Darla. 5 seconds ang agwat nilang dalawa. Syempre, nung buntis ako may nangyari ulit saamin ni Steve. Naalala nyo paba? Basta yung na yun.

"Anak, You need to eat lunch first para marami kayong energy to play ok?" Sabi ko sa dalawa kong anak habang inaayos yung mga buhok nila.

"Ok Mommy. We'll eat na pero dapat kasama namin kayo ni Daddy" Sabi saakin ng dalawa kong anak sabay tingin kay Steve.

"Ok Fine. Ask your Daddy if he will agree" Sabi ko sa dalawa kong anak.

"Daddy...... Can you eat with us? Please....." Pa-cute na sabi ng mga anak ko kay Steve sabay yakap pa sa magkabilang braso neto.

"Ok. Matatanggihan ko ba kayo?" Sabi ni Steve sabay kurot sa ilong ng mga anak namin.

"Mauna na kayo sa kitchen. Magpa-handa na kayo kay Tita Vicky." Sabi ko sa mga anak ko.

Tumakbo naman silang dalawa papunta sa tita Vicky nila. Tita Vicky ang tawag nila sa yaya namin. Nag hire kami ng yaya kasi minsan nale-late kami ng uwi ni Steve dahil sa mga meetings sa trabaho namin.

"Hey Hon, Kakain kaba talaga? Kaka-kain lang natin diba?" Sabi ko kay Steve habang naka-upo ako ng patagilid sa hita nya.

"Sopas lang ang kakainin ko." Sabi nya habang naka-hawak sa bewang ko.

"You're getting too busy. Nawawalan kana ng time para sa mga anak mo at para sakin" Sabi ko sa kanya.

Nakaka-tampo kasi. Hindi na sya katulad nung dati. Masyado na syang busy sa work. Ang idadahilan nya pa lagi ay Nagtatrabaho sya para sa future. Alam ko naman yon eh.

"Nagsisikap lang ako para sa magiging anak pa natin." Sabi ni Steve.

"I know. Pero dapat manage your time. Kami ang pamilya mo pero kami ang makikihati sa time mo. It's too sad to think about it Hon. Feeling ko wala kanang time para samin." Nagtatampong sabi ko sa kanya.

"Wag kanang Magtampo Hon, Alam mo namang kahit anung mangyari mahal parin kita diba? Makakalimutan ko ba ang babaeng bumuo ng buhay ko?" Sabi nya sabay smack sa labi ko.

Perfect For Each Other [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon